Thesis sa Filipino taga - PNC

April 5, 2018 | Author: Anonymous | Category: Documents
Report this link


Description

Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Kakayahan sa Pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula ng mga Piling Mag-aaral sa Ikatlong Antas ng mga Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Cabuyao. Panuruang Taon :2012-2013 Pamanahunang Tesis Na Iniharap sa mga Guro ng Kagawaran ng Edukasyon Pamantasan ng Cabuyao; Lungsod ng Cabuyao Medyor ng Filipino Nina: Balbacal, Mary Hiezel J. Manangkil, Jay-Ar B. Peret, Nova T. Salmingo, Fatima G. 2012-2013 1 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Kabanata I Ang Mga Suliranin at Sanligan Nito: Panimula Layunin ng pag-aaral Paglalahad ng suliranin Paglalahad ng palagay Batayang konseptwal Kahalagahan ng pag-aaral Saklaw at delimitasyon Kahulugan ng mga terminong ginamit Kabanata II Mga kaugnay na Literatura: Lokal na pag-aaral Lokal na literature Sintesis 2 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Kabanata III Pamamaraang ginamit sa pag-aaral: Disenyo ng pananaliksik Tagasagot sa pag-aaral Mga instrumentong ginamit Kabanata IV Paglalagom Mga Natuklasan Mga Konklusyon Mga Rekomendasyon Kabanata V Paglalagom Konklusyon Rekomendasyon 3 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Kabanata I Ang Suliranin at Sanligan nito Panimula Ang pagbabasa ang gintong susi sa daigdig ng kaalaman at kasiyahan. Ito ang tinaguriang pangunahing asignatura sa dahilang ito ang batayan o saligan ng halos lahat ng pangkaisipang karunungan. Lubhang mahalaga ang pagbabasa at pagsusuri para sa ikauunlad ng kaalaman ng mga kabataan lalo na sa panahon ngayong mabilis ang pagbabagong nagaganap sa kapaligiran. Higit na mauunawaan at maiaagpang ng mga ma-aaral ang kanyang sarili sa kapaligiran kung marunong siyang magpalawak at magsuri ng kanyang mga nabasang tula at maiikling kwento. Ang pag-aaral ng panitikan ay hindi lamang may layuning makagising ng damdamin ng mga mambabasa batay sa kanilang paniniwala at pananaw sa buhay at pati rin para mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa ibang tao at tuloy maragdagan pa ang pagkaunawa at kawilihan sa pagbasa at pagsuri nito.Mapapansin na ganoon na lamang ang pagsusuri sa mga batay na manunulat sa Filipino na nagpapakita ng kahusayan sa kanilang panitik upang maipamalas ang mga bagay-bagay na pampilipino tulad ng kanilang mga 4 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo katutubong ugali,paniniwala at kabuhayan. Sa pagsusuri ng tula at maikling kwento matutunghayan ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ng tao,sa kanyang mga tuwa at dalamhati,pag-ibig at kabiguan,pangarap at pag-asa tulad ng isinasaad sa winika ni Hen.Azarcas mula sa kanyang aklat na “Pilosopiya at Literatura”. “Ang panitikan ay nagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay sa daigdig,sa pamumuhay,sa lipunan at pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang lumikha. Ang paraan ng pagpapahayag ay iniayos sa iba’t iba niyang karanasan at lagay sa kalooban at kaluluwa, na nakabalot ng pag-ibig o pagkapoot, ligaya o lungkot, pagasa o pangamba”, (Jose V. Panganiban, et al Panitikan ng Pilipinas, p.11). Karagdagan pa rin ang may hawig. Katuturan ng panitikan sa Panitikang Pilipino na “ ito‟y pahayag na pasalita o pasulat ng mga Pilipino hinggil sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino, “(Jose V. Panganiban, Panitikang Pilipino, p.12). Sa mga nabanggit na Depinisyon ng Panitikan at Panitikang Pilipino ay nagbuo ng maraming anyo ng Panitikan na tulad ng Maikling Kwento 5 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo at Tula na naging sandata sa pagpapahayag at pagpapadama ng kanilang kaisipan at damdamin tungkol sa kapwa, sa lipunan at sa kapaligiran. Ang Maikling Kwento ay may layuning magdulot ng aliw sa pamamagitan ng isang makapangyarihang paglalahad ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at mag-iiwan ng iisang kakintalan sa isip ng mambabasa. Ang Tula ay tinatawag na kamalayang nagpapasigasig ayon kay Alejandro G. Abadilla Ang manunulat ay hindi lamang manunulat. Isa rin siyang pintor, arkitekto, iskultor, mandirigma, propeta at iba pa. Nakapag-aakay, nakapagmumulat, nakapagpapakilos, nakapagpapayanig, nakapagbubuo, at minsan ay nakapagwawasak din. Siya ang tinig ng kahapon at ngayon. Sa maikling kwento at tula masasalamin ang buhay, damdamin, lunggati at kaisipang Pilipino sa panahon ng pagkakasulat nito. Realistikong pagtalakay ng mga paksang totoong nangyayari at nagaganap sa buhay ng tao. Ang pagsusuri ng tula at maikling kuwento ay hindi lamang may layunin makagising ng damdamin ng mga mambabasa batay sa kanilang paniniwala at pananaw sa buhay kundi pati na rin mapalawak pa ang pagkaunawa at kawilihan sa pagsusuri nito. Napili ng mga mananaliksiksik na patunayan ang mga suliranin na nalilinang ang mga layunin ng maikling kwento sa mga piling mag-aaral ng 6 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo ikatlong antas ng sekondarya sa mataas na paaralan ng Gulod, Southville at Cabuyao. Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging matapat. Ang pagpapaliwanag o panunuligsa sa isang akda upang ihatid ang kahalagahan nito ay pamumuna. Isa sa mga aspektong lumilikha ng mga akdang pampanitikan kasama ang iba‟t ibang sangkap ng kalikasan at mga kaugnay ay kapaligiran. Dalawa ang layunin ng panitikan: magbigay aliw at magbigay-aral kaya mahalaga din sa mga akda ang magkaroon ng bias sa Kaasalan. Mula rito, maraming napupulot na pangyayari, sitwasyon at banghay na maaaring gamiting paksa sapagkat batay ito sa sariling pagmamasid o Karanasan. Ang kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa isang tanging wika ng tao ay Panitikan. Ang pinakamahalagang salik na nagturo sa atin kung paano lumikha ng mahuhusay na panitikan ay Karanasan. Pinakamahalagang bisang taglay ng panitikan; hindi malikhain ang akda kung walang bias sa Kaasalan. Nag-uudyok ito na umunlad at yumaman ang diwa ng mga mambabasa kaya tinawag itong bisa sa Kaisipan. 7 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Layunin ng Pag-aaral 1. Matukoy ang demograpikong profayl ng mga respondenteng mag-aaral. 2. Malinang ang antas ng kasanayan sa pagsususri ng tula at maikling kwento. 3. Mabatid ang kaugnayan ang profayl ng mga tagasagot sa kasanayan ng mga mag-aaralsa pagsusuri ng maikling kwento at tula. 4. Mabigyang halaga ang persepsyon ng mga manunugon hinggil sa metodong ginamit ng mga guro. 5. Malaman ang kaibahan ng persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa metodong ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng pagsusuri ng maikling kwento at tulakapag ipinangkat ayon sa kanilang profayl. Batayang Teoretikal Ang mga tao dito sa sandaigdigan ay may iba‟t ibang antas ng pamumuhay, pagkilala, pagkilala o pananaw sa buhay. Habang umiinog ang ating daigdigay kaalinsabay nito ang mga pagbabagong nagaganap sa bawat sandali. Iba‟t iba ang nagsusulputang pangangailangan ng mapagsandigan sa panahon ng kawalan at ng pagkapagod sa mabilis na takbo at pag-inog ng gulong ng ating palad. Ibang panahon, ibang yugto ng pakikibaka at pakikitunggali sa mga pagsubok na dumarating sa atin. 8 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Dahil dito nabuhayan ng pag-asa ang mga awtor ng tesis na ito na ang piliin nila sa mga tula at kwentong susuriin. Ang teoryang ginamit sa pag-aaral na ito ay ang teorya ni Edward Lee Thorndike ang “Law of Readiness” “ Law of Effect” at ang tinatawag na “Law of Exercise. Sa kahandaan o (Law of Readiness), isinaalang-alang sa bahaging ito ng kahandaan ang kaisipan ng bawat mag-aaral na babasa ng katha na itaya ang kanilang kahandaan at magsilbing tagapatnubay upang mapadali ang kanilang paglinang sa kanilang kakayahan sa pagsusuri ng Tula at Maiklking Kwento . Sa paglalahad ng pagsasanay (Law of Exercise), kinakailangan na ang mga mag-aaral ay sanayin na malinang ang kanilang pag-unawa sa binasang katha ukol sa Tula at Maikling Kwento upang masuri nila nang maayos ang nabasa. Ang kinalabasan naman o (Law of Effect), sa bahagi namang ito malalaman ng mga mananaliksik ang bunga ng bawat pag-aaral. Sa teoryang ito nasusukat ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsusuri at kung ito ba ay naiaangkop nila sa kanilang tunay na buhay. 9 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Paradima ng Pananaliksik Pinagtibayan ng Pagaaral o (Input)  Pangunahing Suliranin sa pagsusuri Pamamaraan o (Thruput)  Katanungan sa mga mag-aaral. Kinalabasan o (Output)  Mabilis na mauunawaan ang mga suliranin sa maikling kwento at tula.  Kilos o gawi ng mga mag-aaral sa pagsusuri.  Lawak ng gamit ng mga kagamitang panturo.  Madaling malaman ng mga mag-aaral ang mga kagamitang panturo.  Ang mga epektibong metodong ginamit ng mga guro sa pagtuturo ng pagsusuri.  Pangangalap ng datos  Mabilis na natukoy ang kakayahan sa  Sarbey pagsusuri ng maikling kwento at tula. 10 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Pigura 1 Paradima ng pag-aaral Ang paradima ng pag-aaral ay nauukol sa paglinang ng pagtuturo ng Maikling Kwento at Tula sa ikatlong antas ng sekondarya. Sa unang bloke ng paradima, ang pinagbatayan ng pag-aaral o “Input” ay ang paglinang ng mga pangunahing suliranin sa pag-aaral ng maikling kwento at tula, at ang kilos o gawi na nakaiimpluwensya sa kanilang pag-aaral nito. At ang paggamit ng mga epektibong metodo sa pagsusuri ng maikling kwento at tula. Ang pangalawang bloke ay tinatawag na pamamaraan o “Thruput”. Dito nakasalalay ang kalalabasan ng “Output”, na nakapaloob dito ang mga naaangkop na pamamaraan sa pag-aaral ng maikling kwento. Dito nakabatay ang paglinang ng pagtuturo ng maikling kwento at tula at dito rin sa panghuling bloke maipipikita ang mapanuring pag-aaral at pamamaraang ginamit upang lubos na pahalagahan ang pagsusuri ng mga maikling kwento at tula. At dahil sa mga pamamaraan din ng guro, madali nilang makuha ang mga “kagandahang asal” ng mga kwento at tulang sinuri. 11 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mabigyang pansin ang pananaw ng mga guro at mag-aaral sa paglinang at paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo ng maikling kwento at tula sa antas ng sekondarya. 1. Anu-ano ang profayl ng mga respondenteng mag-aaral? 2. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsusuri ng maikling kwento at tula. 3. Ano ang kaugnayan ng profayl ng mga tagasagot sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri maikling kwento at tula. 4. Ano ang persepsyon ng mga respondente sa mga metodong ginamit ng guro. 5. Ano ang kaibahan ng persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa metdong ginamit ng mga guro sa pagtuturo ng pagsusuri ng maikling kwento at tula kapag ipinangkat ayon sa kanilang profayl. Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa piniling mag-aaral mula sa tatlong mataas na paaralan ng Lungsod ng Cabuyao. Ang mga piniling 340 na magaaral mula sa mataas na paaralan ng Cabuyao, Gulod at Southville ang naging respondente ng pag-aaral. Batay sa aming naobserbahan, ang tatlong paaralan na ito ay may malaking populasyon at may magandang pamamaraan ng 12 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo pagtuturo dahil ilan sa mga mananaliksik ay dito nakapagtapos. Ang saklaw ng aming pag-aaral ay ang profayl ng mga tagasagot at ilang metodong ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng maikling kwento at tula. At nais ding malaman ng mga mananaliksik kung gaano kalawak ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng pagsusuri ng maikling kwento at tula. Kahalagahan ng Pag-aaral Ang tesis na ito ay maaaring maraming magsabi na isang mababaw na pag-aaral lamang, lalu na‟t mababasa ang pamagat na “Pagpapalawak ng Kakayahan sa pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula ng mga Piling Mag-aaral sa Ikatlong Antas ng Mataas na Paaralan : Isang Pag-aaral”. Maaaring mabuo ang mga negatibong palagay kung basta na lamang binasa ito at hindi pinag-ukulang unawain at suriin ang mga nilalaman nito. Sa ngayon, gusto nang balanang Pilipino na sila‟y maaliw kahit sa panandaliang oras, kahit sa mababaw na pamamaraan tulad ng pagbabasa ng ganitong uri ng bababasahin na palasak na matatagpuan sa bangketa. Ayon din sa mananaliksik ang pagbababasa at pagsusuri ng anumang akdang nakalilibang at nagsisilbing pamatay ng oras sa pagkakainip kung may hinihintay o sa mahabang paglalakbay o di kaya‟y pagkayamot na mararamdaman sa 13 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo mahabang trapiko, na nakakasagabal upang makarating sa dapat puntahan o makauwi nang maaga sa bahay. Matibay na paniniwala ng mga mananaliksik ng tesis na ito ayon sa kanilang pag-aaral ay nakapagbibigay ng malaking ambag at kahalagahan sa mga sumusunod: Sa mga Pinuno ng mga Kolehiyo Maaari nilang isama ang kurikulum o sa balangkas ng kurso (course outline ) ang pagtuturo ng ganitong akda , ang nobela o maikling kwento ng Pagibig”,sa asignaturang “Panitikang Pilipino” upang sa gayon ay magkaroon naman ng pagbabago sa uri ng babasahing pampanitikan na mapabilang na ito, bagamat hindi naman lubusang nawawala ang pagsusuri o pag-aaral ng mga klasikal na akda ng mga bantog na nobelista o kwentista. Sa mga Guro ng Panitikan Magiging masigla ang pagtuturo ng ganitong panitikan ng pag-ibig dahil sa paksang ito ay pamukaw sa damdamin na may kasamang pang-aliw sa mga kabataang mag-aaral na nag-uumpisang tumibok ang puso sa ngalan ng pagibig. Bagamat pag-ibig palagi ang pinakasentro ng pang-aliw na paksa ng klase, 14 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo kinakailangang masining ang isasagawang pagtalakay na may pangganyak na matutuhan ang iba pang kariktang nakapaloob sa kwento tulad ng mapupulot na mensahe o gintong aral, mabubuting kilos at ugali ng tao at ang tunay na nangyari sa kapaligiran. At nasusuri nila nang maayos ang mga nilalaman nito at naunawaan hindi yung basta basa lamang ang ginagawa. Sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo Hindi lamang makapagdudulot ng aliw ang mga panitikang ito para sa mga mag-aaral ng kolehiyo,kungdi ito‟y maituturing na mamahaling uri ng akda na nasasalin sa panitikan dahil sa mga sumusunod na katangian may kariktan, kasiningan at sangkap para sa isang mahusay na pagsulat. Ang mga babasahing ito nagpapahiwatig ng kapaki-pakinabang na mensahe at aral sa buhay. Nakapagpapapragdag din ito sa mga kaalaman tungkol sa mga tunay na karanasan sa buhay. Sa pagsusuri ng iba‟t ibang uri ng panitikan ay nagkakaroon ng kalakasan ng loob na makapagbigay ng reaksyon o saloobin sa nabasa. Mananaliksik sa Hinaharap Maaaring hagdan ang pag-aaral upang malinang ang pagbabasa ng iba‟t ibang uri ng panitikan at pagsusuri sa mga ito at maiugnay din ito sa ibang asignatura. 15 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Katuturan ng mga Salitang Ginamit Sa ikadadali ng pang-unawa sa pag-aaral na ito binibigyang kahulugan ang mga sumusunod na katawaganayon sa pagkagamit ng mga ito sa pag-aaral ng asignaturang pag-aaral: Pagbasa-Kasanayan na kumikilala at umuunawa ng simbolo ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa apagsasalita. Kagamitang panturo-Ang mga ito ay anuman karanasan o bagay na ginagamit ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan ,kasanayan,saloobin,kaalaman,palagay,pang-unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging konkreto,dynamic at ganap na pagkatuto.Hindi sapat na may magagamit kagamitang pagpapaturo ang isang guro kundi kailangang alam niya kung kalian gagamitin ang mga ito. Guro ng Pilipino-mga taong ginamit bilang respondente sa pananaliksik ng mga datos ng tesis. Kasanayang nalinang sa mga estudyante-tumutukoy sa apat na component ng wika:pagbasa,pagsulat,pagsasalita,pakikinig at pagsulat na naituturo sa loob ng Grading coverage. 16 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Maikling kwento-ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tula- ay nagmula kay Varsanni Jae I. Solis at nagsasabing ito ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan. Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa ditto. May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa. Ito ay maaaring batay sa emosyon at damdamin ng tao base sa kanyang karanasan. Suliranin sa pagtuturo- ang mga kahirapang nararanasan ng mga guro sa kanyang pagtuturo sa Filipino bilang isang wika o midyum ng komunikasyon sa pagtuturo.Maaaring ang mga suliranin ay ukol sa kakulangan sa kagamitang pangturo,mga saloobin ng mga guro at mga namamahala sa paaralan. Pagsusuri- o paglilitis ay ang proseso ng paghihimaymay ng isang masalimuot na paksa o sustansiya upang maging mas maliliit na mga bahagi, upang makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito. Ang teknik ay ginamit 17 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo sa pag-aaral ng matematika at lohika bago pa man ang panahon ni Aristotle (384–322 BK), bagaman ang analisis ay isang pormal na konsepto o diwa na halos kamakailan lamang umunlad. Pagpapalawak ng kasanayan Ayon sa mananaliksik ang kakayahan at kasanayan sa ng guro sa pagsusuri ng tula at maikling kuwento ay nakabatay rin sa pagpapaliwanag , disiplina, ekspiryensya at kagamitang pangturo. Napili ng mga mananaliksiksik na patunayan ang mga suliranin na nalilinang ang mga layunin ng maikling kwento sa mga piling mag-aaral ng ikatlong antas ng sekondarya sa mataas na paaralan ng Gulod, Lungsod ng Cabuyao. 18 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Kabanata II Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Inilahad sa kabanatang ito ang ilang sipi sa tesis, aklat, internet at iba pang dyornal na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Natuklasan pa rin ng mga mananaliksik na bahagi rin ng pag-aaral ng kahit anong akdang pampanitikan, katalasan ng isip at diwa na may gintong aral sa buhay; subalit sa pagdaraan ng mga panahon nagbabago ang panlasa ng mga mambabasa, nararamdaman niyang paminsan-minsan nais niyang malibang o maaliw ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga lathalaing aantig sa kanyang damdamin. At masubok ang sariling kakayahan sa pagsusuri ng mga akdang ito. Banyagang Literatura Ipinahayag ni Strong(2009), sa pagbabasa ng tula at maikling kwento na may malinaw na pag-unawa at pagkilala sa mga salita, pagsusuri sa kanilang kahulugan at ideya at panganib ng mga kaisipan sa iba‟t ibang paraan tulad ng paglutas ng praktikal na problema. Pinaniniwalaan naman ni Gray(2008) ang ganitong tinuran tungkol sa Panitikan. Ang pagbabasa ng isang maikling kwento ay isang gawaing may layon na maaaring mapagpabago sa katauhan ninuman, magdagdag ng kanyang mga karanasan, magpasigla ng kanilang isipan at pandamang kaunlaran, magpabago 19 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo sa kanyang pag-uugali at sa pamamagitan ng mga ito ay makakalikha ng isang mahusay at matatag na katauhan . Ang pagbabasa nito ay isang masalimuot na gawaing may mga aspektong mahalaga tulad ng pagkilala sa mga sagisag o simbolo at pag-unawa. Ayon pa rin sa kanya, sa ibang pakahulugan ng mga akda, pagtugon sa mga gamit ng ideyang nakuha sa pagbabasa batay sa layunin at pagsama-sama ng mga ideya upang pakaisipan ang isang tiyak na kaiisipan. Binigyan diin ni Hossaine(2009) sa isang komperensiya ng mga manunulat na Asyano sa PEN noong Disyembre 1997 ang ganitong palagay tungkol sa iba‟t ibang panitikan: “Ang buhay at panitikan ay magkaugnay sa isa’t isa. Salamin ng buhay ang panitikan, subalit ang buhay ang lumikha o batayan ng salamin. Magkatuwang ang buhay at panitikan pagkat nauukol sa buhay ang isinaisantitik sa anumang akdang pampanitikan”. Ayon kay Blaire(2008) na ang pinakakaunting pangkat ng mga mag-aaral ay mas mahusay at posibleng nakiisa sa mga Gawain. Inilathala rin niya ang tatlumpung mga mag-aaral habang nagtatalakay ay binibigyan ng dalawang minuto bawat mag-aaral para sa masiglang pagpapalitan ng kuro-kuro . Ayon 20 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo pa rin sa kanya, ang kondisyon sa loob ng klasrum na may dalawampung (20) mag-aaral ay naiiba sa klaseng mayroong limampu hanggang animnapung (50\60) mag-aaral. Nais ng mga bata ang Malaya at aktibong pagganap sa isang pangkat kung sila ay nasa maliit na klase. Ayon kay Beard at Hartley (2009), pinapanigan din ni Hornfield sa panitikan ang maikling kwento bilang katotohanan at katibayan nito bilang institusyon ng kalikasan o bilang isang anyo ng kaalaman at bilang pangmoral na katwiran sa isipan. Ang maikling kwento ayon kay Aristotle, et al. ay higit na mataas at pilosopikal kaysa sa nobela. Ayon kay Darling-Hamond (2002), pinaniniwalaan ni Strong R. ang paghahanap ng obhetibong koreleytib dahil sa pagwawalang bahala sa tao o dehumanisasyon ang nilikha, na siyang kumakatawan lamang sa iba‟t ibang pagpapahayag ng damdamin ng tao ukol sa sining. Ipinapahayag ni Leech E. (1999) sa kanyang pag-aaral, mula kay Banduria (2001) sa estilo ng kanyang pag-aaral na isinagawa sa USA sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga datos natuto at nakasunod ng mga mag-aaral, dahil dito nagugustuhan ng mga mag-aaral ang ginawang pag-aaral dahil nabigyan sila ng pagkakataon na magsalita tungkol sa iba‟t ibang literatura. 21 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Banyagang Pag-aaral Ayon kay Machtinger (2007) ,Layunin sa pag-aaral na ito na ilahad ang edad at aspeto ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang kognitibong kakayahan. Ang edad ng mga mag-aaral ay maaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa kahit anong larangan. Ayon kay Feingold (1988) Ang kasarian ng mga mag-aaral ay isang salik upang malaman ang kanilang kayang ipakita. ang kasarian ay iba sa pag-uugali, personalidad, inaasahan ng guro, at behabyor, pagkakaiba ng kursong kinukuha at bayologikal na ibinibgay sa pagkakaiba ng kasarian sa kanilang nakukuha. Lokal na Pag-aaral Batay Julian Cruz Balmaceda,”Ang Tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan na natitipon sa isang kaisipan upang maangkin ang karapatang matawag na tula.” Ayon naman ay kay Iñigo Ed.Regalado, ”Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang tonong kriktang makikita sa silong ng alinmang langit.” Binibigyan din ng katuturan ni Fernando Monleon mula kay Lord Macaulay,”Ang pagtula‟y panggagagad at ito‟y lubhang kahawig ng sining ng 22 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo pagguhit, paglililok at pagtatanghal. Ang kasakawan ng pagtula ay higit na malawak kaysa alinman sa ibang gagad na mga sining, pagsama-samahin man ang mga iyon.” Sa tula, minsan ay sinabi ni Iñigo Ed. Regalado ang ganito: “Hindi maaaring magkaroon ng tunay na tulang Tagalog kung walang tugma, sukat at taludturan.” Kung susundin ang pahayag na ito ni Regalado, tahasang masasabing sa pagsusuri ng tula ay kailangan itong suriin kung tradisyunal o moderno. Sang-ayon naman kay Clodualdo del Mundo, “Ang tunay na tula ay kailangang matigib ang damdamin, kinakailangang magana sa kabuuan nito, sapagkat kung hindi mapupuno sa damdamin, kailanma’y hindi maaaring mabitag sa mga taludtod nito ang isang kagandahan.” Ayon naman kay Villafuerte (2008), “sa pagsusuri ng maikling kwento, naniniwala siya na dapat suriin ang mga elementong taglay nito : tauhan, tagpuan, banghay, tunggalian, simbolo, pahiwatig magagandang kaisipan o pahayag at maging ang paraan kung paano ito nagsimula at nagwakas.” 23 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Sintesis Matapos mapag-aralan ang mga kaugnay na literatura at kaugnay na pagaaral, nakilala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kasalukuyang pag-aaral. Masasabing makatutulong ito nang malaki sa mananaliksik upang maging gabay at batayan ng pag-aaral. Sa pag-aaral na nabanggit ay may pagkakatulad dahil binigyang pansin dito ang pag-aaral ng mga lokal na literatura at banyagang literatura. Ayon kina Strong, Gray, Hossain, Blain, Marquez, Flores at Gabriel, ang pagbabasa at pagaaral ng tula at maikling kweto ay nagkakaroon ng malinaw na pag-unawa at pagkilala ng mga salita, pagsusuri sa kanilang mga kahulugan at pagkilala at ideya sa ibang ideya at pagsanib ng mga kaisipan sa iba‟t ibang paraan tulad ng paglutas ng praktikal na problema. Ang pagbabasa ng tula at maikling kwento ay isang gawaing may layon na maaaring magpabago ng katauhan ninuman, magdagdag sa kanyang karanasan, magpasigla ng kanilang isipan at pandamang kaunlaran, magpabago sa kanyang pag-uugali at sa pamamagitan ng mga ito ay makalikha ng isang mahusay at matatag na katauhan. 24 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Kabanata III Metodolohiya sa Pananaliksik Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng disenyo, mga datos, mga kinalap na pamamaraan, instrumento, talatanungan at istatistikal na data. Deskriptiv na metodo ang ginamit sa pag-aaral na ito, inilalarawan nito kung ano ang antas at lebel ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Disenyo ng Pag-aaral Ang mga mananaliksik ay gumamit ng piling mag-aaral bilang respondente upang mabatid ang mga suliranin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng mga panitikan. Pinasimulan ng mga mananaliksik ang pagbabasa at pangangalap ng mga datos sa iba‟t ibang aklat, peryodiko, tisis,at iba‟t ibang magasin upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa bawat sinuring datos. Namahagi ang mga mananaliksik ng talatanungan sa piling mag-aaral ng ikatlong antas ng mga tatlong mataas na paaralan ng Lungsod ng Cabuyao. 25 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Mga Instrumetong Ginamit Makikita sa bahaging ito ang mga talatanungan na ginamit sa naganap na pag-aaral. Talatanungan Ginamit ang talatanungan upang makalikom ng datos o impormasyong kailangan. Ito ay binubuo ng mga tanong na sinasagot ng mga respondente upang malaman ang kanilang pananaw tungkol sa panitikang maikling kwento at tula. Sa pag-aaral ng mga mananaliksik ang paglikha ng talatanungang ito ay binubuo ng tatlong bahagi; 1. Mga propayl ng mga respondenteng mag-aaral 2. Mga pangunahing suliranin sa pag-aaral ng panitikang tula at maikling kwento. 3. Mga metodong ginamit ng mga guro sa pagsusuri ng maikling kwento at tula. Pamamahagi ng Paglilikom Ang mga mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa tagapatnubay,Dekano ng Edukasyon, Vice President for Academic Affairs upang maipamigay ang mga talatanungan. Personal na ibinigay ng mga mananaliksik ang pagsubok na talatanungan at pagkatapos ay nilikom ito. 26 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Ang Pagkakapili at Pagkakabahagi ng Populasyon Ginamit ng mananaliksik ang kabuuang Tatlong-daan at apatnapung(340) manunugon ng ikatlong antas ng sekondarya ng mataas na paaralan ng Gulod, Southville at Cabuyao sapagkat sila ay ginamit na batayan sa pagsusuri ng pagaaral sa maikling kwento at tula. Pagtataya ng Balidasyon ng Kagamitan Ang mga instrumentong ginamit ay random sampling. Ito ay pagpili sa mga respondenteng mananaliksik na itinaya ayon sa antas ng kanilang balidasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng pre-test sa mga mag-aaral ng ikatlong antas ng Cabuyao, Southville 1 atGulod National High School. Ang kinalabasan ay pinagaralan at inuri ayon sa balidasyon ng bawat aytem bago ibigay sa mga manunugon. Isinasagawa ito matapos kumunsulta sa mga guro ng Asignaturang Filipino. Pag-uulat ng mga Datos Itinala ng mga mananaliksik ang mga nalikom na datos batay sa personalidad ng respondente. Ang mga ito ay inihayag at binahagdan upang maipaliwanag ng mga mananaliksik ang mga nalikom na datos. Ang datos ay ibinanghay batay sa ibinigay na ulat ng mga respondente. 27 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Pormulang Ginamit P=B/N x 100 Kung saan ay: P=Porsyento o Bahagdan B=Kabuuang Bilang ng Tumugon N=Kabuuang bilang ng mga Manunugon Ang mga natirang datos ay isinaayos at inihanay sa antas ng pagsusuring pamilang at paglalarawan ng puntos. Likert Scale. Ang ilan sa ginamit na pagsusuring ito. Narito ang mga sumusunod na Scale: Sa Suliranin Bilang 2 90-100 – Lubhang MAhusay 70-80 – Mahusay 50-60 – Mahina 30-40 – Mas Mahina 10-20 – Lubhang Mahina 28 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Kabanata 4 PAGLALAHAD, PAGPAPALIWANAG, AT PAGSUSURI NG MGA DATOS Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng nagging resulta ng mga pagsusuring isinagawa sa pagsusuri ng Tula at Maikling Kwento mula sa mga respondente ng mga piling mataas na paaralan ng lungsod ng Cabuyao. Suliranin 1: Profayl ng mga tagasagot batay sa kanilang edad, kasarian, antas na tinapos ng magulang at buwanang kita. Itinala ng mga mananaliksik ang mga nalikom na datos batay sa kanilang edad, kasarian, antas na tinapos ng magulang at buwanang kita. Ang mga ito ay inihayag at binahagdan upang maipaliwanag. 29 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Talahanayan 1.1a Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa Kanilang Edad EDAD 14 – 16 17 - 19 Kabuuan Prekwensi (f) 309 31 340 Bahagdan(%) 90.88 9.11 100 Ipinapakita sa talahanayan 1.1 ang prekwensi at pagbabahagi ng bahagdan ng mga tagasagot batay sa kanilang edad. Ang edad ng mga respondenteng mag-aaral ay naaangkop sa hangganan na 14 – 19 na taon. Ang 14 – 16 taon ay nakalikom ng 309 o 90.88 na bahagdan na siyang pinakamataas at 17 – 19 taon ay nakalikom ng 31 o 9.11 na bahagdan. Implikasyon: Ipinapakita ng nakalap na datos na karamihan sa mga tagasagot mula sa mga piling paaralan ay nasa gulang na 14 – 16 na siya namang karaniwang inaasahan na edad ng mga mag-aaral ng ikatlong antas sa sekondarya. Mula dito ay mahihinuha na relatibong mas nagkakalapit ang kanilang pangkabatirang antas (cognitive level) kahit ito ay maging persepsyon, opinion at ideya. 30 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Gayundin, mas higit na nagiging matibay ang kanilang basehan o batayan dahil hindi nagkakalayo ang agwat ng kanilang mga edad. Ito ay sinususugan ng pagaaral ni Machtinger (2007) na nagsasabi na ang edad at aspeto ng mga magaaral hinggil sa kanilang kognitibong kakayahan ay may pagkakaugnay. Ang edad ng mga mag-aaral ay maaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa kahit na anong larangan. Bagamat may mangilan ngilang mag-aaral na lumalampas sa karaniwang inaasahanag edad, ito ay normal lamang sapagkat sa mga mag-aaral na nabibilang sa mahihirap na pamilya, di naiiwasan ang magkaroon ng suliranin o sagabal upang maging tuloy-tuloy ang kanilang pag-aaral. Ngunit, maari din naman na ang dahilan ay pagkakasakit o alin pa mang kadahilan labas sa kahirapan. Ayon kay Ipaye (2006), ang kita ng mga magulang, pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan at ang akademikong kasanayan ng mga magaaral ay may ugnayan. Ipinapakita rin sa pag-aaral ni Ipaye (2006) na kapag ang kita ng magulang ay hindi sapat para matugunan ang pansarili at pangunahing pangangailangan, ang iba pang pangangailangan kaugnay ng edukasyon ay naisasantabi. Ito ang nagiging dahilan kung kaya‟t may mga mag-aaral na napapahinto o di naman kaya ay tuluyan ng di nakapag-aaral. Dahil din sa kakulangan ng kita, ang mga magulang ay di nakatutugon sa lahat ng mga pangunahin, panlipunan, at pang-akademikong pangangailangan ng kanilang 31 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo mga anak sa paaralan. Dahil dito ang ibang mga mag-aaral ay humihinto para maghanapbuhay para masuportahan ang sarli at makatulong sa pamilya (Ipaye, 2008) Table 1.2a Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa Kanilang Kasarian KASARIAN Lalaki Babae KABUUAN Prekwensi (f) 144 196 340 Bahagdan (%) 42.35 57.65 100 Ang propayl naman ng kasarian ng mga respondenteng lalaki ay umabot sa 144 o 42.35 na bahagdan at ang mga babae ay umabot sa 196 o 57.65 na bahagdan. Ipinapakita ng datos na ang karamihan sa bilang ng mga lumahok sa pagaaral na isinagawa ay relatibong mga kababaihan. Implikasyon: Ang kasarian ay isa sa mga pangunahing salik na nagpapakita ng kaibahan ng kakayahan ng mga mag-aaral. Ayon kay Feingold (2008) Ang kasarian ng mga mag-aaral ay isang salik upang malaman ang kanilang kayang ipakita. Ang kasarian ay iba sa pag-uugali, personalidad, inaasahan ng guro, at 32 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo behabyor, pagkakaiba ng kursong kinukuha at bayologikal na ibinibgay sa pagkakaiba ng kasarian sa kanilang nakukuha. Bilang karagdagan, ang pagaaral ni Johnson (2006) ay nagpapatibay na ang kasarian ay may kaugnayan. Ayon sa isinagawa niyang pananaliksik, ang mga kababaihan ay higit na mataas ang marka kumpara sa mga kalalakihan. Higit na mas mababa ang kakayahang pang-akademiko ng mga lalaki kumpara sa mga babae. Table 1.3a Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa Antas na Natapos ng Magulang (Ina) Antas na Natapos ng Magulang (Ina) Nakapagtapos ng Mababang paaralan Nakatungtong ngunit hindi Nakapagtapos ng Mababang Paaralan Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Nakatungtong ngunit hindi Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Nakapagtapos ng kolehiyo Nakatungtong ngunit hindi Nakapagtapos ng Kolehiyo Teknikal / Bokasyonal KABUUAN 43 23 340 12.65 6.76 100 58 58 17.06 17.06 14 107 4.12 31.47 Prekwensi (f) 37 Bahagdan (%) 10.88 33 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Ang Talahanayan 1.3a ay nagpapahayag ng prekwensi at pagbabahagi ng mga bahagdan ng respondente batay sa antas na natapos ng kanilng mga ina. Mapapansin sa mga nakalap na datos na 107 o 31.47 na bahagdan ang nakapagtapos ng mataas na paaralan na siyang pinakamataas sa lahat. Sinusundan naman ng 58 o 17.06 na bahagdan ang nakapagtapos ng kolehiyo at nakatungtong ngunit hindi nakapagtapos ng mataas na paarala. Pangatlo naman ang nakatungtong ng kolehiyo ngunit hindi nakapag tapos na may 43 o 12.65 na bahagdan. Ikaapat naman ay may 37 o 10.88 na bahagdan na nakapagtapos ng mababang paaralan. Ang ikalima naman ay may 23 0 6.76 na bahagdan na kumuha ng teknikal o bokasyonal at ang ika-anim at panghuli ay may 14 o 4.12 na bahagdan na nakatungtong ngunit hindi nakapagtapos ng mababang paaralan. Implikasyon: Ipinapakita ng datos ng pag-aaral na karamihan sa mga ina (at ama, tingnan ang talahanayan 1.3b) ay nakapagtapos ng sekondarya. Ayon kay Sprinthall (2001), ang mga magulang ang panungahing nagtatakda ng pamantayan para sa kanilang mga anak at mga kagamitan sa paaralan. Kung ang mga magulang ay nakapagtapos lamang ng sekondarya o higit na 34 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo mababang antas ng edukasyon, karaniwan ay mababa ang antas ng pangakademikong kakayahan ng mga mag-aaral. Table 1.3b Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa Antas na Natapos ng Magulang (Ama) Antas na Natapos ng Magulang (Ama) Nakapagtapos ng Mababang paaralan Nakatungtong ngunit hindi Nakapagtapos ng Mababang Paaralan Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Nakatungtong ngunit hindi Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Nakapagtapos ng Kolehiyo Nakatungtong ngunit hindi Nakapagtapos ng Kolehiyo Teknikal / Bokasyonal KABUUAN 26 340 7.65 100 57 39 16.76 11.47 42 12.35 110 32.35 27 7.94 39 11.47 Prekwensi (f) Bahagdan (%) 35 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Dito sa talahanayan 1.4, ipinapahayag ang prekwensi at pagbabahagi ng bahagdan ng respondent batay sa antas na natapos ng kanilang mga ama. Mapapansin sa mga nakalap na datos na 110 o 32.35 bahagdan ang nakapagtapos ng mataas na paaralan na siyang pinakamataas sa lahat. Ikalawa ay may 57 o 16.76 na bahagdan na nakapagtapos ng kolehiyo. Ikatlo ay may 42 o 12.35 na bahagdan na nakatungtong ngunit hindi nakapagtapos ng mataas na paaralan. Ang ikaapat naman ay may 39 o 11.47 na bahagdan na nakapagtapos ng mababang paaralan at nakatungtong ng kolehiyo ngunit hindi nakapagtapos. Ang ikalima ay may 27 o 7.94 na bahagdan na nakatungtong sa mababang paaralan ngunit hindi nakapagtapos. At ang ikaanim at pinaka huli ay may 26 o 7.65 na bahagdan na kumuha ng teknikal o bokasyonal. Implikasyon: Ipinakita sa resulta ng pangangalap na karamihan sa ama ng respondente ay nakapag tapos ng mataas na paaralan at sinusundan din naman ng mga nakapag tapos ng kolehiyo. Malaki ang epekto nito sa pagkahubog ng mga magaaral sa kanilang pag-aaral sapagkat ang ama tulad din ng ina ay mas higit na tinitingala sa bawat pamilya ng lipunang Pilipino lalo pa at patriyarkal ang kinalakhang kultura ng mga Pilipino. 36 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Table 1.4 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa Buwanang Kita ng Kanilang Pamilya Buwanang Kita ng Pamilya 1000-8000 9000-16000 17000-24000 25000-32000 KABUUAN Prekwensi (f) 215 96 25 4 340 Bahagdan (%) 63.24 28.24 7.35 1.18 100 Ipinapahayag ng talahanayan 1.5 ang prekwensi at pagbabahagi ng bahagdan ng buwanang kita ng mga magulang ng mga respondente. Gamit ang talahanayang ito, ang mga sumusunod na resulta ay inilahad: (215) o 63.24% ng mga magulang ng mga respondente ay may buwanang kita na 1000-8000 libong piso; (96) o 28.24% ay may 9000-16000 libong pisong buwanang kita; (25) o 7.35% ay may buwanang kita na 17000-24000 libong piso at (4) 0 1.18% ay may buwanang kita na 25000-32000 libong piso . Implikasyon: Ang datos sa itaas ay nagpapakita na mga mag-aaral na naging bahagi ng isinagawang pag-aaral ay nabibilang sa mahihirap na pamilya. Ayon kay 37 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Sprinthall (2008), ang ng mga magulang mga ang nagbibigay lamang ng lahat ng na pangangailangan kanilang anak. Hindi personal pangangailangan kundi maging sa paaralan. Kung hindi matugunan ng magulang ang mga pangangailangan ng kanilang anak na nag-aaral, ito ay maaaring magbunga ng mababang antas ng kakayahang pang-akademiko. Ang mababang kita at kahirapan ay isa sa mga pangunahing sagka upang magkaroon ng edukasyong may kalidad ang mga mag-aaral. Ayon kay Johnson (2006), ang akademikong kakanyahan ay itinutulak ng mga salik ng sosyoekonomiko (socio-economic). Ang kahirapan at mababang antas ng sosyo-ekonomiko na pinalubha pa ng kakapusan ng ama at ina ay nagreresulta sa mababang kakanyahan na pangakademiko dahil hindi nila natutugunan ang kanilang mga pangangailangan sa batayang aklat at iba pang kagamitan ukol sa pagpapaunlad ng antas ng kaalaman. Ang pangit na kalagayan na ito ng mga mag-aaral ang nagtutulak upang dumami ang mga mag-aaral na bumagsak o huminto sa pag-aaral. Bilang karagdagan, ang kahirapan na may kaangkop na kakapusan sa mga sosyal (social) at pang-ekonomikong pangangailangan ng bata (mag-aaral) ay karaniwang nagbubunga sa mahina o mababang akademikong kakayahan (Shittu, 2004) 38 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Suliranin 2: Ano ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral buhat sa pagsusuri ng tula at maikling kwento? Ang mga sumusunod na paglalahad ng mga nakalap na datos mula sa mga respondente matapos makuha ang resulta ng istatistikal na paglalahad ng pag-aaral. Table 2.1a Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa Nakuhang Marka (Maikling Kwento) Marka 90 - 100 70 - 80 50 - 60 30 – 40 10 – 20 KABUUAN Prekwensi (f) 60 74 103 76 27 340 Bahagdan(%) 17.65 21.76 30.29 22.35 7.94 100 Leyenda : 90-100 – lubhang mahusay 70-80 -- mahusay 50-60 -- mahina 30-20 – mas mahina 39 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo 10-20 – lubhang mahina Ipinapakita sa talahanayan 2.1 ang prekwensi at pagbabahagi ng bahagdan batay sa resulta ng ng pagsusuri na nakuha ng mga respondente. Gamit ang mga talahanayang ito, ang mga sumusunuod na resulta ay inilahad; mayroong 110 o 32.35 na bahagdan ang nakakuha ng marking 40-59, ikalawa ay may 88 o 25.88 na bahagdan ang nakakuha 80-100, ikatlo ay may 78 0 22.94 na bahagdan ang nakakuha ng 60-59, ikaapat ay may 55 0 16.18 na bahagdan na nakakuha ng 20-39 at ang ikalima at panghuli sa lahat ay may 9 o 2.65 na bahagdan na nakakuha ng 0-19 na puntos. Implikasyon: Hindi gaanong mataas ang antas ng karunungan ng mga manunugon hinggil sa pagsusuri ng maikling kwento. Mapapansin sa talahanayang ito na karamihan sa mga mag-aaral ay hindi nakaabot sa lebel ng pagkatuto at may kahinaan sa pagsusuri, sapagkat makikita na mahina ang kinalabasan nito at hindi sapat ang kanilang kaalaman upang makapagsuri ng Maikling Kwento. Ang ilan lamang sa mga dahilan ay ang hindi wastong paggabay sa mga mag-aaral habang sila ay nagsusuri ng itinakdang maikling kuwento. Gayundin ang dulog (approach) o metodong (method) ginagamit ng guro ay mahina at 40 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo hindi nakakapukaw ng interes ng mga mag-aaral. Maaari ring maganda at efektivo ang inihandang metodo o dulog ng guro subalit hindi mabatid ng mga mag-aaral ang sustansiya o kahalagahan ng paksang araling inilahad. Ito ay maiuugnay sa Prinsipyo ng Learning Pathology, binibigyang diin na ang pagkatuto ay wala sa pagiging mabisa ng kagamitang pampagtuturo o metodo maging istratehiya ng guro kung hindi sa intrinsikong pangangailangan ng bawat mag-aaral sa araling ilalahad. Table 2.1b Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa Nakuhang Marka (Tula) Marka 90 – 100 70 – 80 50 – 60 30 – 40 10 - 20 KABUUAN Prekwensi (f) 44 92 119 64 21 340 Bahagdan(%) 12.94 27.05 35.00 18.82 6.18 100 Leyenda : 90-100 – lubhang mahusay 70-80 -- mahusay 50-60 -- mahina 30-20 – mas mahina 41 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo 10-20 – lubhang mahina Ipinapakita sa talahanayan 2.1 ang prekwensi at pagbabahagi ng bahagdan batay sa resulta ng pagsusuri ng tula na nakuha ng mga respondente. Gamit ang mga talahanayang ito, ang mga sumusunuod na resulta ay inilahad; mayroong 124 o 36.47 na bahagdan ang naakuha ng 40-59, ikalawa mayroong 86 o 25.89 na bahagdan ang nakakuha ng 40-59, ikatlo mayroong 73 o 21.47 na bahagdan ang nakakuha ng 60-79, ikaapat mayroong 48 o 14.12 na bahagdan ang nakakuha ng 20-39, ikalima at ang huli sa lahat ay mayroong 9 o 2.65 na bahagdan ang nakakuha ng 0-19 na puntos. Implikasyon: Mapapansin sa talahanayang ito na karamihan sa mga mag-aaral ay hindi nakaabot sa lebel ng pagkatuto at wala silang sapat na kakayahan sa pagsusuri ng tula, ngunit isang-kapat sa buong populasyon ng mga respondente ang naging mahusay o umabot sa tamang lebel ng pagkatuto Hindi gaanong mataas ang antas ng karunungan ng mga manunugon hinggil sa pagsusuri ng tula. Mapapansin sa talahanayang ito na karamihan sa mga mag-aaral ay hindi nakaabot sa lebel ng pagkatuto at may kahinaan sa pagsusuri, sapagkat makikita na mahina ang kinalabasan nito at hindi sapat ang kanilang kaalaman upang makapagsuri ng tula. 42 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Ang ilan lamang sa mga dahilan ay walang tamang paggabay sa mga mag-aaral at hindi natutugunan ang kognitivong pangangailangan. Gayundin, uhaw pa ang kanilang kaalaman sa paghihimay ng mga elemento nito, kaya nararapat lamang na bigyang ng halaga ang nasabing pangunahing suliranin. Bagamat hindi pinatutunayan ng datos ng kasalukuyang pag-aaral, mahihinuha na maari din na mayroon kontribusyon ang guro sa pagsusuri ng tula, ngunit ang guro ay nangangailangan nang matagumpay na pagganyak upang mapukaw ang atensyon ng mga mag-aaral. Ang mga salik na maaaring nakakaapekto sa kanila ay: antas ng pamumuhay, natapos ng kanilang magulang, at pamamaraan ng pagtuturo. Ito ay maaaring mayroong kaugnayan sa pansarili nilang pangkogtivong kakayahan. Nararapat lamang na malaman natin kung ano ang kanilang demograpikong profayl nang sa gayon alam ng guro kung ano ang mailalapat at angkop sa metodo sa pagtuturo. 43 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Suliranin 3: Ano ang persepsyon ng tagasagot sa metodong ginamit ng guro? Talahanayan 3.1 Persepsyon ng Tagasagot sa Metodong Ginamit ng Guro 5 4 3 2 1 TW M WM D 1. Paggamit ng aming guro ng pangganyak bago simulan ang talakayan. 2. Naiuugnay sa aming buhay ang tinalakay na tula at maikling kwento. 3. Pagkakaroon ng palitan ng ideya o opinion sa paksang tinalakay. 4. Gumagamit ng konkretong halimbawa ang aming guro sa pagtalakay ng tula at maikling kwento. 92 (460) 87 (435) 139 (695) 112 (560) 98 (392) 107 (428) 93 (372) 113 (452) 89 (267) 89 (267) 64 (192) 68 (204) 26 (52) 35 (70) 30 (160) 30 (60) 35 (35) 22 (22) 14 (14) 17 (17) 1206 340 1222 340 1333 340 1293 340 3.55 M 3.59 M 3.92 M 3.80 M Average Mean Value 3.72 M 44 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Ang talahanayan bilang 3.1 ay nagpapakita ng persepsyon ng mga tagasagot sa metodong ginagamit ng guro sa pagtuturo ng pagsusuri ng maikling kwento at tula. Batay sa ginawang pagtugon ng mga tagasagot, ang mean value na 3.55 ay nagpapakita na „Minsan‟ lamang kung gumamit ng pangganyak ang guro bago magsimula ang pagtalakay sa leksyon. Ang mean value na 3.59 ay nagpapakita rin ng „Minsan‟ lamang kung iugnay ng guro ang tinatalakay na tula at maikling kwento sa kanilang buhay. Gayundin ang mean value na 3.92 na nagpapakita na „minsan‟ lang din magkaroon ng pagpapalitan ng ideya at opinion ang klase tungkol sa tinatalakay na tula at maikling kwento. At bilang panghuli, ang mean value na 3.80 ay nagpapahiwatig din na „Minsan‟ lang gumagamit ng kongkretong halimbawa ang guro upang matalakay ng wasto ang maikling kwento at tula. Implikasyon: Ang naging kabuuang resulta ng talahanayan 3.1 ay nagpapahayag ng minsan lang na paggamit ng metodo ng mga guro sa pagsusuri ng maikling kwento at tula. 45 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Base sa ipinapakita ng datos, hindi nagiging sapat ang ambag ng guro para matulungan ang mga mag-aaral na maunawaan nang lubos ang mga pamamaraan sa pagsusuri ng maikling kwento at tula. Ang may pinakamahinang marka sa nakatalang tabulasyon ay ang pag-uugnay ng nilalaman o konteksto ng piling maikling kuwento at tula, isang indikasyon na mahina ang aspetong pandamdamin o afektivo ng mga mag-aaral, malaki ang impluwensya ng mga isinagawang metodo o dulog ng guro, maaaring ito ay pangkaisipan lamang o saykomotor at hindi nabigyan ng mariing diin ang naturang aspeto. Sa ibang pangangatwiran maaaring pagkakabisa lamang ang naging dulog ng guro kung kaya‟t walang nangyaring pagpapahalaga sa semantika o kahulugan ng mga naturang genre ng panitikan. Suliranin 4: Ano ang kaugnayan ng propayl ng mga tagasagot sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng Maikling kwento at Tula. Ipinapahayag ng mga talahanayang ito ang kaugnayan ng profayl ng mga tagasagot sa kakayahan nilang magsuri ng maikling kwento at tula. 46 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Talahanayan 4.1 Kabuuan ng Pagsusulit ng Chi-Square(ʎ2) para sa Kakayahan ng mga Mag-aaral sa pagsusuri ng Maikling Kwento X Y (Profayl) Computed EDAD 19.99 - ʎ2 Values Tabular 11.07 Interpretation Decision p > 0.05 (df = 5) Rejected Ho Kakayahan ng mga KASARIAN 12.84 9.49 Significant p > 0.05 (df = 4) Not Significant p ‹ 0.05 (df = 20) Not Significant p ‹ 0.05 (df = 24) Not Significant Rejected Ho Accepted Ho Mag-aaral sa BUWANANG 20.11 25.00 Pagsusuri ng Maikling kwento KITA ANTAS NA NATAPOS NG MAGULANG (INA) 17.41 43.77 Accepted Ho ANTAS NA NATAPOS NG MAGULANG (AMA) 24.07 43.77 p ‹ 0.05 (df = 24) Not Significant Accepted Ho 47 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Ipinapakita sa talahanayang ito na ang edad at kasarian ay may kinalaman sa pagsusuri ng maikling kwento, maaaring makaapekto ito dahil sa kanilang mga karanasan at kaalaman samantala, ang buwanang kita ng pamilya at antas na natapos ng kanilang magulang (ina at ama) ay walang kinalaman o hindi nakakaapekto sa pagsusuri nila ng maikling kwento marahil ay nakadepende parin talaga sa mag-aaral kung magpapaapekto sila dito hanggat naroon parin ang kagustuhan nilang matuto. Tekstwal na Interpretasyon Ipikita sa talahanayan 4.1 ang ugnayan ng profayl at kakayahang pangakademiko ng mga mag-aaral. Ang computed value na 12.84 ay relatibong mas mataas kaysa sa tabular value na 9.49 sa degrees of freedom na 4. Ito ay nagpapakita na may ugnayan ang kasarian at ang kakayahang pang-akademiko ng mga mag-aaral. Samakatuwid ang null hypothesis na nagsasabing walang ugnayan ang dalawa ay hindi tinatanggap. (Reject: Ho) Ikalawa, ang computed value na 19.99 ay relatibong mas mataas kaysa sa tabular value na 11.07 sa degrees of freedom na 5. Ito ay nagpapakita na may kaugnayan ang edad at kakayahan ng mga mag-aaral. Samakatuwid, ang null hypothesis na nagsasabing walang ugnayan ang dalawa ay hindi tinatanggap o rejected. 48 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Buhat sa buwanang kita at antas na natapos ng magulang (ina at ama), mapapansing mas mababa ang Kompyuted na halaga kaysa sa tabyular na halaga. Ipinapakita na walang signifikong kaugnayan ang dalawang ito sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng maikling kuwento. Implikasyon: Ipinapakita sa naturang tabulasyon na ang edad at kasarian ng mga magaaral ay may kinalaman sa pagsusuri ng maikling kwento. Kung ang edad ang pagbabatayan, ayon kay Machtinger (2007) ito ay maaaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa kahit anong larangan. Ayon naman kay Feingold (1988) Ang kasarian ng mga mag-aaral ay isang salik upang malaman ang kanilang kayang ipakita. Ang kasarian ay iba sa pag-uugali, personalidad, inaasahan ng guro, at behabyor, pagkakaiba ng kursong kinukuha at bayologikal na ibinibgay sa pagkakaiba ng kasarian sa kanilang nakukuha. 49 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Talahanayan 4.2 Kabuuan ng Pagsusulit ng Chi-Square(ʎ2) para sa Kakayahan ng mga Mag-aaral sa pagsusuri ng Tula X Y (Profayl) EDAD - ʎ2 Values Tabular 9.49 Interpretation Decision Computed 2.08 p ‹ 0.05 (df = 5) Accepted Ho Kakayahan ng mga KASARIAN 8.67 9.49 Not Significant p ‹ 0.05 (df = 4) Not Significant BUWANANG 14.10 21.03 p ‹ 0.05 (df = 20) Not Significant ANTAS NA NATAPOS NG MAGULANG (INA) ANTAS NA NATAPOS NG MAGULANG (AMA) 21.43 36.42 21.48 36.42 p ‹ 0.05 (df = 24) Not Significant p ‹ 0.05 (df = 24) Not Significant Accepted Ho Accepted Ho Accepted Ho Accepted Ho Mag-aaral sa Pagsusuri ng Tula KITA 50 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Ipinapahayag ng talahanayang ito na walang kinalaman ang kanilang profayl (edad, kasarian, buwanang kita ng pamilya at antas na natapos ng ina at ama) sa pagsusuri ng tula, marahil ay hindi sila nagpapaapekto sa naturang aspeto. Implikasyon: Hindi nakaapekto ang profayl ng mga tagasagot sa pagsusuri nila ng tula. Ito ay marahil may pansarili o intrinsikong kagustuhan ang mga tagasagot na magbasa at magsuri ng mga maikling kwentong Pilipino. Ang bawat mag-aaral ay may pankognitivong kahandaan upang matukoy ang kahalagahan ng nilalaman ng binasang akda. Majoriti ng mga mag-aaral ay may matinding pagkagiya sa pagbasa ng mga klasikong akda. Suliranin 5: Ano ang kaibahan ng persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa metodong ginamit ng guro sa pagtuturo ng pagsusuri ng Maikling kwento at Tula kapag pinangkat ayon sa kanilang profayl? 51 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Talahanayan 5.1 Kabuuan ng Pagsusulit ng Chi-Square(ʎ2) para sa Malaking Pagkakaiba ng Kaugnayan ng Profayl ng mga Mag-aaaral sa Metodong Ginamit ng Guro X Y (Profile) EDAD - ʎ2 Values Tabular 11.07 Interpretation Decision Computed 10.68 p ‹ 0.05 (df = 5) Accepted Ho Kaugnayan ng profayl KASARIAN 18.40 31.41 Not Significant p ‹ 0.05 (df = 19.90) Not Significant BUWANANG 28.28 25.00 p > 0.05 (df = 15) Rejected Ho Accepted Ho ng mga mag-aaaral sa metodong ginamit ng guro ANTAS NA NATAPOS NG MAGULANG (INA) ANTAS NA NATAPOS NG MAGULANG (AMA) 37.95 43.77 25.60 43.77 KITA Significant p ‹ 0.05 (df = 30) Not Significant p ‹ 0.05 (df = 30) Not Significant Accepted Ho Accepted Ho 52 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Buhat sa tabulasyon, makikitang walang kinalaman o hindi nakakaapekto ang edad, kasarian at antas na natapos ng magulang sa pagsusuri nila ng maikling kwento na may kinalaman naman sa metodong ginamit ng guro samantalang mayroon namang kinalaman ang buwanang kita ng pamilya ng tagasagot sa kanilang pagpapalawak ng kaalaman sa pagsusuri ng maikling kwento at tula, marahil ang mataas na buwanang kitang nalilinang ay isang indikasyon ng kakayahang magkaroon ng mga klasikong aklat o antolohiya ng maiikling katha kabaligtaran ng may mababang kita na walang kakayahang makalinang ng mabubuting aklat sa halip ay ibang mapaglilibangan. Implikasyon: Ipinapahayag na mayroong signipikong pagkakaiba ang buwanang kita ng mga magulang at ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa akademikong kasanayan. Ipinaparating din nito na hindi sapat ang kita ng magulang upang matugunan ang pangagailangan ng pamilya hindi pa kabilang ang pangangailangang pang-edukasyon ng kanilang mga anak. 53 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Kabanata V Paglalagom, Konklusyon at Rekomendasyon Naunang tinalakay sa kabanatang ito ang mga suliranin ng pagsusuri, ang mga tagasagot at ang mga ginamit sa estadistika sa mga datos ng pag-aaral. Kasunod nito, ay ang pagbaling ng pagtalakay sa lagom ng pag-aaral, mga kongklusyon at mga rekomendasyon ng mga mananaliksik. Mga Natuklasan: 1. Sa kabuuan, ang mga mag-aaral buhat sa Cabuyao National High School, Southville 1 at Gulod National High School ay may gulang na nasa pagitan ng 14-16 o ang inaasahang aktwal na gulang ng mag-aaral sa ikatlong antas ng sekondarya. Karamihan sa kanila ay mga kababaihan na nabibilang sa mahihirap na pamilya na may buwanang kita na mula P1000 at hindi lalampas ng P16,000. May ilang bilang ng mga magulang na nakapag-aral o nakatungtong ng kolehiyo subalit ang karamihan sa kanila ay nakapagtapos lamang ng sekondarya o mas mababa pa. 2. Hinggil sa antas ng kakayahan ng mga sa pagsusuri ng maikling kwento, ang datos ay nagpapakita na „Mahina‟ o nasa pagitan ng 50 hanggang 60 54 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo bahagdan lamang ang antas ng marka ng mga mag-aaral. Karamihan sa mga mag-aaral ay hindi nakaabot sa lebel ng pagkatuto at may kahinaan sa pagsusuri, sapagkat makikita na mahina ang kinalabasan nito at hindi sapat ang kanilang kaalaman upang makapagsuri ng Maikling Kwento. 3. Hinggil sa antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng Tula, ang datos ay nagpapakita na „Mahina‟ o nasa pagitan ng 50 hanggang 60 bahagdan lamang ang antas ng marka ng mga mag-aaral. Karamihan sa mga mag-aaral ay hindi nakaabot sa lebel ng pagkatuto at wala silang sapat na kakayahan sa pagsusuri ng tula, ngunit isang-kapat sa buong populasyon ng mga respondente ang naging mahusay o umabot sa tamang lebel ng pagkatuto 4. Mula sa datos na nakalap, naipapakita ng kasalukuyang pag-aaral na „minsan‟ lang kung gumamit ang mga guro ng mga sumusunod na metodo sa kanilang pagtuturo ng pagsusuri ng Maikling Kwento at tula: paggamit ng pangganyak bago magsimula ang pagtalakay sa leksyon; pag-uugnay ng guro sa tinatalakay na tula at maikling kwento sa kanilang buhay; pagkakaroon ng pagpapalitan ng ideya at opinion ang klase tungkol sa tinatalakay na tula at maikling kwento; paggamit ng kongkretong halimbawa ang guro upang matalakay ng wasto ang maikling kwento at tula. 55 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo 5. Ang edad at kasarian ng mga mag-aaral ay may signifikong kaugnayan sa kanilang kakayanan sa pagsusuri ng Maikling Kwento; samantalang ang buwanang kita at antas ng natapos ng mga maguang (ama at ina) ay walang signifikong kaugnayan sa antas ng kanilang kakayanan sa pagsusuri ng Maikling Kwento. 6. Ang edad, kasarian, buwanang kita at antas ng natapos ng mga magulang (ama at ina) ng mga mag-aaral ay walang signifikong kaugnayan sa kanilang kakayanan sa pagsusuri ng Tula. 7. Ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula ay walang signifikong pagkakaiba kapag sila ay pinangkat ayon sa kanilang edad, kasarian,at antas ng natapos ng mga magulang (ama at ina). Mga Konklusyon: 1. Ipinapakita ng nakalap na datos na karamihan sa mga tagasagot mula sa mga piling paaralan ay nasa gulang na 14 – 16 na siya namang karaniwang inaasahan na edad ng mga mag-aaral ng ikatlong antas sa sekondarya. Mula dito ay mahihinuha na relatibong mas nagkakalapit ang kanilang pangkabatirang antas (cognitive level) kahit ito ay maging persepsyon, opinion at ideya. Gayundin, mas higit na nagiging matibay 56 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo ang kanilang basehan o batayan dahil hindi nagkakalayo ang agwat ng kanilang mga edad. 2. Ang kasarian ay isa sa mga pangunahing salik na nagpapakita ng kaibahan ng kakayahan ng mga mag-aaral 3. Ipinapakita ng datos ng pag-aaral na karamihan sa mga ina ay nakapagtapos ng sekondarya at karamihan sa ama ng respondente ay nakapag tapos ng mataas na paaralan at sinusundan din naman ng mga nakapag tapos ng kolehiyo. Malaki ang epekto nito sa pagkahubog ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sapagkat ang ama tulad din ng ina ay mas higit na tinitingala sa bawat pamilya ng lipunang Pilipino lalo pa at patriyarkal ang kinalakhang kultura ng mga Pilipino. 4. Ang kalakhang bahagdan ng mga mag-aaral na naging bahagi ng isinagawang pag-aaral ay nabibilang sa mahihirap na pamilya 5. Mula sa datos ng isinagawang pag-aaral ay mahihinuhang „mahina‟ ang kakayahang pang-kognitibo ng mga mag-aaral buhat sa Cabuyao National High School, Southville1, at Gulod National High School sa larangan ng pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula. 6. Ang pagiging „mahina‟ ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula ay nagmumula sa limitado at hindi malikhaing 57 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo pamamaraan o metodo ng kanilang mga guro para higit na matutunan ng mga mag-aaral ang tamang pamamaraan ng pag-susuri. 7. Ang edad at kasarian ay may ugnayan sa kakayahan ng mga magaaral sa antas ng kanilang kognitibong kakayahan sa pagsusuri ng maikling kwento. 8. Ang buwanang kita at antas ng natapos ng mga magulang ng mga mag-aaral ay walang ugnayan sa kakayahan ng mag-aaral sa antas ng kanilang kognitibong kakayahan sa pagsusuri ng maikling kwento. 9. Ang edad, kasarian, buwanang kita at antas ng natapos ng mga magulang ay walang kaugnayan sa antas ng kanilang kognitibong kakayahan sa pagsusuri ng tula. 10. Ang persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa metodong ginagamit ng kanilang guro sa pagsusuri ng maikling kwento at tula ay walang pagkakaiba kapag pinangkat ang mga mag-aaral ayon sa kanilang edad, kasarian, buwanang kita at antas ng natapos ng mga mag-aaral. 58 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Rekomendasyon: 1. Mahalagang isaalang-alang ng mga guro ang demograpikong profayl ng mga mag-aaral sa alinmang gawaing may kaugnayan sa kanilang pagkatuto ito man ay kognitibo, apektibo at saykomotor. 2. Ang mga guro ay dapat nagbibigay ng mga pagsasanay na naangkop sa kanilang kakayahan. Ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang maunawaan ng lubos ang antas ng leksyon. 3. Kailangang mas maging malikhain ang mga guro sa pagtuturo ng pagsusuri lalo pa‟t karamihan sa mga mag-aaral ay nabibilang sa mahihirap na pamilya na may limitadong pagkukunan o resorses upang matugunan at makasabay sa modernong pamamaraan ng pagkatuto. 4. Mahalaga ring magkaroon ng patuloy na ugnayan at komunikasyon ang mga guro sa magulang ng mga mag-aaral upang maiparating ang kahalagahan ng kanilang suporta upang maging matagumpay ang mga mag-aaral sa kanilang mga pagpupunyagi. 5. Mahalagang ituon ng mga guro ang kanilang oras sa pagpapabuti ng mga gawaing pampaaralan lalo pa‟t may kaugnayan ito sa pagpapataas ng antas ng kanilang kaalaman. 59 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo 6. Ang pamunuan ng paaralan ay dapat maging kaagapay ng guro at magulang sa pagpapaunlad ng antas ng kaalaman ng mga mag-aaral. 7. Kailangang bigyang pansin ng mga guro ang kahinaan ng mga magaaral sa pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula. 60 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Apendiks A Ang bahaging ito ay naglalaman ng talatanungan na ginamit ng mga mananaliksik upang masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng maikling kwento at tula at ang persepsyon nila hinggil sa paggamit ng metodo ng mga guro. Bahagi I. Pakisagutan ang mga sumusunod na batay sa hinihinging impormasyon. (Mananatili pong pribado ang inyong mga kasagutan.) Pangalan : _________________________ Edad : ________Kasarian : ____________ Buwanang Kita ng Mgulang: ____________ Antas ng Edukasyon na natapos ng Magulang : (Lagyan ng tsek ang napiling kasagutan.) Nanay ______ Elementary Graduate ______ ______ ______ ______ ______ ______ Tatay _______ _______ _______ _______ _______ _______ Elementary Undergraduate High School Graduate High School undergraduate College Graduate College Undergraduate Vocational _____ 61 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Apendises: Pangalan : _____________________________________ Seksyon / Paaralan : _____________________________ Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang pangalan ng pangunahing tauhan na kilala bilang si “Layo”? a. Atty. Arellano Tolentino b. Atty. Jaime Cansicio c. Cong. Francisco De Pedro d. Atty. Pedro Enriquez 2. Ano ang dahilan kung bakit ayaw bumalik ni Layo sa sariling bayan? a. dagok ng buhay b. malupit na karanasan c. kabiguan sa pag-ibig d. masayang ala-ala 3. Pang ilang panauhan ang paningin ang kwento? a. unang panauhan 62 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo b. pangalawang panauhan c. pangatlong panauhan d. pag apat na panauha 4. Sino ang nag sasalaysay ng maikling kwento? a. Tiyo Julio b. Ising c. Layo d. Ben 5. Paano sinimuln ang Kwento? a. Forshadowing b. Dayalogo c. Madulang pagpapahayag d. Paglalarawan sa tagpuan 6. Saan inilibing si Layo? a. San Isidro b. San Roque c. San Pedro 63 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo d. Sta. Maria 7. Sino ng napangasawa ni Layo? a. Sedes b. Iska c. Carlota d. Ising 8. Ano sa buhay ni Layo si Mang Ben? a. Ama-amahan b. Kapatid c. Anak d. Bilas 9. Ano ang Teyoryang nakapaloob sa kwentong “Sa Lupa ng Sariling Bayan”? a. Humanismo b. Realismo c. Naturalismo d. Eksistensyalismo 64 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo 10. Ano ang mensahe na nais iparating ng kwento? a. walang hindi nagmamahal sa sariling bayan b. pagkapoot sa sariling bayan c. walang hindi uuwi sa sariling bayan d. pagmamahal sa ating sariling bayan 11. Saan inihahalintulad ang tulang “Ang Guryon”? a. Sa mga laruan b. Sa mga halaman c. Sa buhay ng tao d. Sa mga hayop 12. Ano ang teyoryang nakapaloob sa nabasang tula? a. Sosyolohikal b. Imahismo c. Klasismo d. Romantisismo 65 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo 13. Anu-ano ang mga katangian ng guryon na nabanggit sa tula? a. Marupok at mataas b. Masipag at mabait c. Matulungin at matapat d. Mapagmahal at mahabagin 14. Ilang saknong ang bumubuo sa tula? a. Apat b. Lima c. Anim d. Pito 15. Anong uri ng tugma ang ginamit sa tulang “Ang Guryon”? a. A-b-c-d b. Tugmaan c. Karaniwan d. Ganap 16. Sino ang nagsasalita sa tula? a. Tatay 66 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo b. Nanay c. Anak d. Kuya 17. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng ika-3 saknong ng tula? a. Pagsisikap sa buhay b. Tibayan ang loob sa anumang pagsubok c. Pagpapahalaga sa magulang d. Pakikibaka 18. Anong uri ng tula ang tulang “Ang Guryon”? a. Tulang liriko b. Tulang Narativ c. Tulang pantanghalan d. Tulang patnigan 19. Ilan ang sukat ng tula? a. Lalabindalawahin b. Lalabing-animin c. Lalabing-waluhin 67 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo d. Wawaluhin 20. Anong uri ng taludtod ang ginamit? a. Tradisyunal b. Berso blangko c. Malayang taludturan d. Balagtasan “PAGPALAIN NAWA KAYO NG POONG MAY KAPAL” 68 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Panuto: Lagyan ng tsek ang bawat kolum na naayon sa inyong persepsyon. Leyenda:  L - Lagi  M – Minsan  PM- Paminsan-minsan  MD- Madalang-dalang  H – Hindi Mga Persepsyon 1. Paggamit ng aming guro ng pangganyak bago simulan ang talakayan. 2. Naiuugnay sa aming buhay ang tinalakay na tula at maikling kwento.. 3. Pagkakaroon ng palitan ng ideya o opinion sa paksang tinalakay. 4. Gumagamit ng konkretong halimbawa ang aming guro sa pagtalakay ng tula at maikling kwento. L M PM MD H 69 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Apendiks B Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga instrumentong ginamit upang masuri ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng maikling kwento at tula. Tulang ginamit : "Ang Guryon" Ni: Ildefonso Santos Tanggapin mo, anak, itong munting guryon na yari sa patpat at papel de Hapon; magandang laruang pula, puti, asul, na may pangalan mong sa gitna naroon. Ang hiling ko lamang, bago paliparin ang guryon mong ito ay pakatimbangin; ang solo't paulo'y sukating magaling nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling. 70 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas at sa papawiri'y bayaang lumipad; datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak, at baka lagutin ng hanging malakas. Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw ay mapapabuyong makipagdagitan; makipaglaban ka, subali't tandaan na ang nagwawagi'y ang pusong marangal. At kung ang guryon mo'y sakaling madaig, matangay ng iba o kaya'y mapatid; kung saka-sakaling di na mapabalik, maawaing kamay nawa ang magkamit! Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, dagiti't dumagit, saanman sumuot... O, paliparin mo't ihalik sa Diyos, bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob! 71 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Maikling Kwentong ginamit: Sa Lupa ng Sariling Bayan Tagpuan: San Roque, Quezon City, San Fernando, Tauhan: Layo - Atty. Pedro Enriquez - Naulila ng Maaga sa magulang at inampon ng kanyang malupit at kuripot na Amain na kapatid ng kanyang Ama. - Nagsumikap at nagging isang tanyag na abugado sa Lungsod. Tiyo Julio - Ang natitirang kamag-anak ni Layo Ben - Ang Anak ni Tiyo Julio Ising - Ang asawa ni Layo Fe - Ang Anak ni Layo at Ising Tata Indo - Kapatid ng Ama ni Layo. Ang malupit at kuripot na Amain na nag ampon sa kanya. Gallego - Pinaka mayaman sa San Roque at nagmamay -ari ng isang poultry. 72 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Buod: Bata pa lamang ay naulila na ito sa magulang. Kaya't Inampon ito ng kanyang tiyuhin na si Tata Indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng kanyang Amain. Kaya't siya'y nagsumikap na abutin ang kanyang pangarap. Naging manunulat siya sa isang pahayagan sa kanilang bayan at sa gabi naman ay nag aaral siya. Hanggang sa makatapos siya ng pag aaral at naging topnotcher. At naging isang tanyang na abugado sa Maynila at nagkaroon ng isang malaking bahay sa quezon City. At napangasawa niya si Ising na taga San Fernando at nagkaroon sila ng Anak. Sa kabila nang kanyang katanyagan ay hindi nya pa rin malimutan ang sakit at sama ng loob na dinanas nya sa san roque kahit na nangamatay na ang mga gumawa nito sa kanya. At loob ng mahabang panahon ay hindi siya pumunta umuwi doon upang dalawin ang puntod ng kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay lumapit sa kanya ang Tiyo Julio niya upang magpatulong ukol sa lupa. Hindi naman ito nabigo sa paghingi ng tulong kay Layo. Ikinagulat ng lahat nang malaman na mayroon siyang kanser. Labis ang kalungkutang nadarama ng kanyang pamilya. Itinatago niya ang takot na nararamdaman. Ipinipilit niya na huwag siyang ilibing sa san roque dahil sa galit at poot na nararamdaman niya. Ngunit pinayuhan ito ni Tiyo Julio na sa kalaunan din ay naintindihan niya at napatawad niya ang mga taong nagpahirap sa kanya noon. At Iniuwi rin ang kanyang katawan sa San Roque at doon na rin inilibing. 73 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Talasanggunian: Villafuerte V., Panunuring Pampanitikan (Teorya at Pagsasanay), MEGAJESTA PRINTS,INC. 9 Guyabano St., Antonio Subdivision, Dalandan Valenzuela City, p. 35. E. T. da Silva, M. de Fátima Nunes, L. B. Santos, M. G. Queiroz, C. R. Leles Article first published online: 29 DEC 2010 DOI: 10.1111/j.16000579.2010.00669.x Adu EO, Olatundun SO 2007. Teachers‟ Perception of Teaching as Correlates of Students‟ Academic Performance in Oyo State Nigeria. Essays in Education, 20: 57-63. 74


Comments

Copyright © 2024 UPDOCS Inc.