Inobasyong Pangwika sa Filipino tungo sa Inklusibong Edukasyon ﻫSheila D. Dotimasa, Carren Mae R. Marañob, Mary Ann P. Pitasb, Jonabeth L. Polidob& Kristine L. Seniob Introduksyon Ang wika ay instrumento sa paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip. Ang tao ay nakalilikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip sapagkat pinapagana nito ang kanyang imahinasyon. Dahil sa imahinasyon kaya maraming nabubuo, nalilikha at naiimbentong pinakikinabangan ng sangkatauhan sapagkat ang wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga nalikom na tala: pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika o panlipunan, pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang disiplina (Pineda, 1978). Samakatuwid, dito makikita ang mga simbolo o tanda na nagkakaroon ng kahulugan ang mga pahayag ng tao. Sa wika nakabubuo ang tao ng mga gabay at mga imbensyong magagamit niya sa kanyang pakikitungo sa kanyang kapwa tao o sa lipunang kanyang ginagalawan. Sa kabilang dako, ang tao sa tulong ng wika ay nakabubuo ng mga kaparaanan upang makaangkop sa kanyang kapaligiran. At sa pamamagitan din ng wika ay nakagagawa ang tao ng mga pamantayang magsisilbing gabay sa pakikitungo sa kapwa at sa institusyon o lipunan. Nakabubuo rin sila ng mga dapat sundin at paniwalaang alituntuning nakatutulong sa kanilang pagkilos, asal at pagtingin sa gawain. Ang wika rin ang nagbibigay ng mga palatandaan kung paanong ang tao ay nag-iisip at naniniwala (Kessing, 1994). Ayon pa rin kay Kessing (1998), ang komunikasyon at pakikipagtalastasan ang pangunahing tungkulin ng wika at nagiging daan sa pagkakaroon ng magandang ugnayan at mabuting samahan. Ipinapahayag ng taosa pamamagitan ng wika ang damdamin, kuro-kuro at saloobin. Ayon naman kay Lachica (1998), hindi sapat ang senyas, guhit, kulay at ingay upang magkaintindihan ang mga tao, kinakailangan niya ang wika upang sila’y magkaunawaan. Sa ganitong kadahilanan ay makikita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng inobasyon sa wika. Ang wika at inobasyon ay hindi pwedeng mapaghiwalay. Sinasabing ang wika ang nagbibigay ng kahulugan sa mga ideya, ito man ay pasalita, pasulat, o mga simbolo. Sinasabing ang inobasyon ay imposibleng mangyari kung walang wika. Nakatutulong din ito sa pagsasaayos ng pag-iisip at pagpoproseso sa mga ideya ng tao. Bago magkaroon ng inobasyon ay kinakailangang isaisip ang malikhaing katangian nito at mahalagang dapat ay lubos na nauunawaan ng kung sinumang magsasagawa ng inobasyon (Smith, 2011). Napakahalaga kung gayon ang gampaning papel ng wika sa pagtatamo ng hangaring inklusibong edukasyon ng Paaralan ng Edukasyong Pangguro ng Saint Louis University. Makatutulong din ito upang labanan ang mga hadlang sa Abstrak Maraming mga pagbabago ang nagaganap sa sistema ng edukasyon sa kasalukuyan. Isa ang inklusibong edukasyon sa isinusulong ng UNESCO na nagbibigay diin sa pagtanggap sa lahat ng uri ng indibidwal upang malinang ang kanilang kakayahan gayundin ang kanilang pagganap sa lipunang kinabibilangan. Dahil mahalaga ang ginagampanan ng wika bilang daluyan sa pagsasakatuparan ng mga pagbabagong ito sa edukasyon, nararapat ding umagapay ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng inobasyon tungo sa inklusibong edukasyon. Binigyang tuon sa pag-aaral na ito ang mga Inobasyong Pangwika sa Filipino na ginagamit ng mga guro sa inklusibong edukasyon gayundin ang mga salik na nakakaapekto sa paggamit ng Inobasyong Pangwika. Sinuri ang mga talatanungang ipinamudmod sa labing-anim na mga guro ng Paaralan ng Edukasyong Pangguro na siyang dumaan sa palarawang pagdulog. Lumabas sa resulta ng pagaaral na madalang lamang ang paggamit ng mga Inobasyong Pangwika sa Filipino sa inklusibong edukasyon at nakaugat ito sa mga tiyak na nakikita. Natuklasan ding bahagyang nakakaapekto ang mga salik sa paggamit ng Inobasyong Pangwika sa inklusibong edukasyon. Naging batayan ang pagsusuri sa mga tugon ng mga guro upang makagawa ng pamantayan hinggil sa pagpapatupad at paggamit ng Inobasyong Pangwika sa Filipino tungo sa ganap na inklusibong edukasyon. Keywords: Inklusibong Wika, Inobasyong Pangwika, Inklusibong Edukasyon a b Faculty, School of Teacher Education Student, School of Teacher Education pagpapairal ng konsepto ng inklusibong edukasyon at sa pagpapaigting pa ng nasabing programa. Batay sa UNESCO (2003), ang inklusibong edukasyon ay isang programa o proseso na may hangaring hubugin ang mga mag-aaral na may pagsasaalang-alang sa kanilang indibidwal na katangian. Isang mahalagang sistema nito ay ang pagtanggap sa lahat ng uri ng indibidwal at malinang ang magandang samahan o pakikitungo na umaayon sa natatanging katangiang taglay ng bawat isa. Hangarin ng programang ito na magkaroon ng interaksyon ang mga kabilang sa iba’t ibang kultura, tradisyon, kasarian, relihiyon, antas sa buhay (mahirap o mayaman) at iba pa. Layunin din nitong magkaroon ng mga pagbabago sa sistema ng edukasyon upang mas magiging angkop ang pagtuturo sa sinumang nais matuto. Nakapaloob din dito ang tungkol sa pagkilala at pagtanggal sa mga suliraning nagiging sagka sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang inklusibong edukasyon ay tumutukoy sa partisipasyon ng mga magaaral sa proseso ng pagkatuto sa akademik at sa komunidad (Barton, 1997), gayundin ito ay proseso ng paghahanap ng mga kasagutan sa mga problema o pangangailangan ng bawat isa at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral upang mas umangat ang partisipasyon sa pagkatuto at upang mabawasan ang diskriminasyon sa edukasyon (Both, 1996). Sang-ayon din kay Ulep (2009), ang inklusyon ay ang daan patungo sa kinabukasan lalo pa kung isaalang–alang na isang pundamental na karapatan ng mag-aaral na makikilahok sa mga anumang gawaing pampagkatuto sa paaralan. Itinatakda na dapat tanggapin ang lahat ng uri ng mga mag-aaral at maprotektahan ang kanilang mga karapatan upang makamit ang tunay na kahulugan ng pagiging inklusibo. Ito ay tungkol sa pagkilala at pagbibigay halaga ng mga guro sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapalawak sa partisipasyon ng bawat isa at pagpapabuti sa iba’tibang kakayahan ng mga mag-aaral. Tumutukoy rin ito sa pagbabawal sa pagbubukod-bukod ng edukasyon sa mga mag-aaral ayon sa kanilang kakayahan, kasarian, wika, nasyonalidad, kapansanan at relihiyon. Maituturing din ito bilang instrumento tungo sa pagsulong sa mga iba’t ibang istilo ng pagtuturo upang ang bawat tao ay maging kapaki-pakinabang sa kanyang lipunang kinabibilangan. Isang mahalagang kaisipang nakapaloob dito ang konsepto ng pagkapantay-pantay. Ang mga suliranin at kaisipang nailahad ay maaaring masolusyunan sa pagsulong ng mga iba’t ibang istilo ng pagtuturo sa mga mag-aaral. Ang bawat magaaral ay dapat na aktibong kasangkot at mapabilang sa isang kapaki-pakinabang na uri ng edukasyon na magsisilbing daan upang makamit ang tagumpay sa kanikanilang mga pangarap sa buhay at magkaroon ng magandang kinabukasan. Kaakibat ng pagpapatupad sa iba’t ibang istilong ito ang paggamit ng wika ng mga guro kasama rito ang pagkakaroon ng inklusibong pagtingin sa edukasyon. Ang wika ng karaniwang tao ang nagiging tunay na wika ng pagbabago. Ang wika ng masa ang nagiging wika ng pakakaisa, sumususo sa pambansang kasaysayan at karanasan, at ito’y isang buhay na bagay, tumutubo mula sa puso ng isang tao o bayan (Santos, 2003). Hangarin ng pag-aaral na ito paigtingin ang pagkakaroon ng inobasyon sa wika para sa inklusibong edukasyon. Malaon nang usapin sa edukasyon kung ano nga ba ang pinakamabisang wikang gagamitin sa pagkatuto? Mahalagang instrumento ang wika sa pagkatuto ngunit hindi rin maikakailang ang wika pa minsan ang nagiging sagka sa pagkamit nito. Ang inobasyong pangwika ay nakatutulong sa pagpapalawak ng partisipasyon ng mga mag-aaral sa proseso ng kanilang pagkatuto. Dahil dito, maaari silang makalikha ng bagong kaalaman na magagamit nila sa paglutas ng mga suliranin na hadlang sa kanilang pagkatuto. Paglalahad ng Suliranin: Ang kasalukuyang pag-aaral ay naglalayong tuklasin ang mga kasagutan sa mga sumusunod na suliranin: 1. Ano-ano ang mga inobasyong pangwika na ginagamit sa inklusibong edukasyon? 2. Ano-ano ang mga salik na nakakaapekto sa paggamit ng mga nobasyong pangwika sa inklusibong edukasyon? 3. Ano ang pamantayang gagamitin sa pagpapatupad ng inobasyong pangwika sa inklusibong edukasyon? Konseptuwal na Balangkas Sa bahaging ito nakapaloob ang mga iba’t ibang kaisipan o teorya na nagmula sa mga kilalang nagpapakadalubhasa sa larangan ng wika at inklusibong edukasyon. Tumatalakay ito samga suliraning may kaugnayan sa inobasyong pangwika sa inklusibong edukasyon. Ang mga iba’t ibang teoryang nakalap ay may malaking gampanin upang mabigyan ng tiyak na tunguhin ang pag-aaral na ito. Wika at Inobasyon Taglay ng wika ang mga salita na pwedeng maging instrumento sa pagbabago ng pananaw ng kapwa lalo na kung maayos itong nagagamit. Tinuranni Lakoff ayon kay Fortunato (1995), na ang mabisang pagkakagamit nito ay nakakaapekto, nakapagpapakilos, at nakapagpapabago sa iba’t ibang paraan. Sa teoryang Sociolinguistic theory of Language Codes ni Bernstein (1971), sinabi niyang sa paggamit ng tao ng wika ay nahuhubog ang relasyon sa isang pangkat na maaaring makaapekto sa paraan ng paggamit ng wika. Inilahad niya ang mga sumusunod na epekto ng paggamit ng wika sa proseso ng pagkatuto: (1) nagdudulot ng pagkakaisa sa mga mag-aaral sa loob ng paaralan, (2) nagpapasimula at nagpapatibay ng relasyon, (3) nakalilikha ng isang diwa na ang pakiramdam ng bawat isa ay kasama sa pangkat, at (4) napapansin ang pagiging bukas ng bawat isa. Ayon kay North (2010), teacher see their students as a “whole” person where their feelings, intellect, interpersonal relationships, protective reaction and desire to learn are addressed and balanced.May kaugnayan ang “whole” sa Whole Language Theory ni Peterson (1997), kung saan nabanggit niyang learning is social interactions are important that the multiple perspective encourage better understanding and provoke additional learning (therefore diversity within classroom is important). Ipinakita naman ni Vygotsky (1978), sa kanyang teoryang Interactionist na ang pagkatuto ng wika ay naiimpluwensiyahan ng kanyang kagustuhang makipagugnayan sa kanyang kapwa. Sa gayon, ang kaalaman sa paggamit ng wika o pabagobagong gamit nito ay nakatutulong sa isang kolaboratibong gawain sa pagkamit ng bagong kaalaman na maaaring ibahagi sa iba. Tulad nga ng sinabi ni Schumpeter (2006), na ang pagkakaroon ng inobasyon ay nagdudulot ng pagiging malaya sa isa’t isa at nakalilikha ng mga makabagong pamamaraan upang mas mapaunlad ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Kung kaya’t nararapat na ang guro ay magtaglay ng mga bagong karanasan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga magaaral gaya ng kakayahang lumikha o inobatibo at gumawa ng mga matatalinong desisyon na magdudulot nang malaking benepisyo sa indibidwal. Ayon kina Thorsen, Don, Becker at Vickie (1998), inclusive language is a matter of conscience because the words we choose to use have a tremendous impact upon treating one another with mutual respect. Idinagdag pa nilang ang inclusive language also refers to the intent of not using any words, phrases and concepts that stereotype or discriminate against someone because of race, culture, nationality or religion as well as gender.Sumang-ayon ito sapahayag ni Santos (2003), na “Ang kapangyarihan ng wika ay maging wika ng pagkakaisa”. Nangangahulugang ang wika ay mabisang instrumento ng pagbubuklod-buklod.Ang wika kung gayon ay maituturing na isang likas na kayamanan dahil ito ang pinakamabisang paraan kung saan nagkakaunawaan ang lahat ng taong gumagamit nito (Oras, etal., 1978). Binigyang diin naman ng mga nagpapakadalubhasa sa asignaturang sosyolohiya na ang pagkamalikhain ng isang tao lalo na sa paggamit ng wika sa komunikasyon ay nakalilikha ng magandang samahan sa lipunan maging sa paaralan at tinatawag nila ang katangiang ito na Symbolic Interactionism. Naniniwala sila na ang samahan ng pangkat ng mga mag-aaral ay mananatiling matatag sa pamamagitan ng mga pamamaraan na naayon sa batas. Maging mga guro ay maaring lumikha at baguhin ang kanilang pamamaraan sa paggamit ng wika at mga simbolong nakalimbag upang lahat ay maging kasali o kalahok sa pangkat. Pinalawak din ni Sapir (1961), sa kanyang pag-aaral na ang wika ay isang panlipunang pananaw at sinasabi niyang ang wika ay isang kasangkapan ng sosyalisasyon. Ibig sabihin hindi iiral ang relasyong sosyal kung walang wika. Sa pamamagitan ng sosyalisasyon ay nagkakaroon ng magandang samahan o pakikitungo sa kapwa.Ito ang nagging batayan kung bakit nalinang ang konseptong inklusibo na dapat magamit at maipasok sa bawat paaralan. Inklusibong Edukasyon at Karapatang Pantao Hangarin ng UNESCO (2003), sa larangan ng edukasyon na ang lahat ng uri ng indibidwal ay magkaroon ng magandang samahan o pakikitungo ayon sa mga natatanging katangiang taglay ng bawat isa. Upang malinang at mahubog ang bawat indibidwal sa kani-kanilang pangangailangan ay nagtalaga sila ng isang programa na magpapatibay sa pag-unlad ng sangkatauhan. Dito pinairal ang hangaring inklusibong edukasyong may layuning magkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon upang mas matuto ang mga mag-aaral hinggil sa kanilang natatanging katangian. Inilahad ni Dewey (2007), na ang lahat ng mga mag-aaral ay dapat na nagkakaroon ng interaksyon sa kanilang kapwa. Sinasabi rito na ang mga mag-aaral na may iba’t ibang wika, kultura, pamumuhay, kawilihan at paraan ng pagkatuto ay may kakayahang makisalamuha sa kanilang kapwa. Sa gayon, nagkakaroon ng kapaki-pakinabang na pagkatuto ang mga mag-aaral kahit pa sila ay may kanikaniyang katangiang taglay. Pinagtibay lalo ito ng UNESCO (2003), na nagsasabing dapat magkakaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa edukasyon ang bawat isa at dapat ding ay mabigyan ang bawat isa ng seguridad na panlipunan na siyang inilalahad sa Unibersal Deklarasyon ng Karapatang Pantao. Hindi maikakailang may katotohanan ang pahayag ni Piaget sa pagbanggit nina Corpuz at Lucas (2007), na ang mag-aaral ay isang aktibong kalahok sa proseso ng pagkatuto ng mga kaalaman sa pamamagitan ng asimilasyon at akomodasyon at may pagsasaalang-alang sa pagkatutong naaayon sa kanilang kakayahan, kalakasan at kahinaan. Sinusuportahan ito ni Gardner (1983), sa kanyang paglalarawan sa konsepto ng maramihang intelihensya na may malaking kaugnayan sa istilo ng pagkatuto ng isang indibidwal. Nabanggit ni Taclawan (2010), sa kanyang pag-aaral na ang bawat indibidwal ay may taglay na walo o mahigit pang intelihensya bagaman walang dalawang tao ang nagtataglay ng magkatulad na magkatulad na antas ng dami nito. Sa pamamagitan ng maramihang intelihensya, ang mga guro ay nakalilikha ng isang silid-aralan kung saan ang mga mag-aaral ay nakikibahagi sa pagtuklas ng kanilang mga talento at interes. Pinatunayan ni Hufana (1999), na ang silid-aralan na kumikilala sa maramihang intelihensya ay nangangailangang gamitan ng maraming paraan, istilo ng pagtuturo upang mapaunlad at malinang ang pag-unawa ng mga mag-aaral. Ang pinakatunguhin nito ay gawing kaakit-akit ang pag-aaral at ang lahat ay magkaroon ng puwang sa talakayan. Ang popularidad ng teoryang maramihang intelihensya sa mga guro ay siyang nakadaragdag ng magandang hangarin sa pagtatamo ng pandaigdigang layunin ng edukasyon (Gutierrez, 2006). Sa kabilang dako ay nakikilala na rin ang 21 st century skills na kung saan ang awtentikong edukasyon ay natututuhan sa pamamagitan ng pagpapaloob nito sa mga kurikulum na siyang batayan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang kurikulum ay konektado sa interes, karanasan, talento at sa totoong mundo ng mag-aaral. Nalilinang din ang mga kakayahan ng mga mag-aaral na hindi lang umaasa sa mga itinuturo ng guro kung hindi natututuhan o napauunlad pa ang mga ito sa pamamagitan ng aplikasyon sa mga gawain sa loob ng paaralan. Idinagdag ni Both (1996), na nagkakaroon ng wastong pagkatuto ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang partisipasyon sa loob ng paaralan. Tunay na napakahalaga ng wika sa karunungang pantao at ang karunungang pantao ay napakahalaga sa buhay ng tao dahil ito ang instrumento ng paglikha nang makabuluhan at malikhaing pag-iisip (Pineda, 1978). Samakatuwid upang magamit sa pinakamataas na pagkakagamitan ang wika, dapat itong mahawakan nang buong husay at maangkin nang ganap para sa pangangailangan ng pagbubuklod o pagkakaisa. Sa gayon, kinakailangang ang guro ay magtaglay ng malawak na kaalaman sa paggamit ng wika upang epektibo niya itong magamit sa pagsangkot sa mga magaaral sa iba’t ibang disiplina ng pagtuturo at pagkatuto nang sa gayon ay matamo ang pagkakapantay-pantay na pagtingin sa mga mag-aaral na siyang hangarin ng inklusibong edukasyon. Sa pagtuturo ng guro, ang katutubong kaugaliang inobatibo ay mahalagang nagagamit upang malayang maiaangkop ang pagtuturo sa pangangailangan ng kanyang mga mag-aaral. Metodolohiya Sa kabanatang ito tatalakayin ang mga pamamaraan ng pagtitipon ng datos sa pananaliksik na ginamit sa pag-aaral, mga kasangkapan at mga populasyon o mga kalahok na nagsasagawa ng inobasyong pangwika sa inklusibong edukasyon. Disenyo ng Pananaliksik Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng kwantitatibo at nakatuon sa deskriptibong estilo ng pananaliksik sapagkat ang inilarawan dito ang mga ginagamit na inobasyong pangwika sa inklusibong edukasyon gayundin ang salik na nakakaapekto sa inobasyong pangwika. Lugar at Respondente Ang pananaliksik ay isinagawa sa Paaralan ng Edukasyong Pangguro ng Saint Louis University. Ito ang napiling unibersidad dahil hindi maikakailang ito ang nangungunang unibersidad sa larangan ng akademikong pag-aaral at isa sa layon nito ay makamit ang transpormasyon bilang mission-vision kaya ninais din ng mga mananaliksik na magkaroon ng transpormasyon sa larangan ng pagtuturo sa antas tersyarya upang lalong makamit ang mataas na kalidad na edukasyon. Sa pananaliksik na ito, ang mga kalahok ay ang mga gurong nagtuturong mahigit na tatlong asignatura sa Paaralang Edukasyong Pangguro na may kabuuangdalawampu’t walo ngunit labing–anim lang ang bumalik na talatanungan.Sila ang napiling mga kalahok sapagkat sila ang direktang nakikipagugnayan sa mga mag-aaral lalo pa’t bahagi ng bisyon-misyon ng paaralan ang inklusibong edukasyon. Kasangkapan at Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos Ang pinakasangkapan ng mga mananaliksik sa pagkalap ng mga datos ay mga talatanungang inihanda na ibinatay sa Without Prejudice: Guidelines for Inclusive Language at sa Do’s and Don’ts of Inclusive Language ng Department of Education ng Tasmania. Nahahati ang talatanungan sa dalawang bahagi na naaayon sa suliranin. Ang unang bahagi ay ang pag-alam sakadalasang ng paggamit ng mga guro sa mga inobasyong pangwika at ang ikalawang bahagi ay ang mga salik na nakakaapekto sa paggamit sa inobasyong pangwika sa inklusibong edukasyon. Upang makakalap ng mga impormasyon, humingi muna ang mga mananaliksik ng pahintulo mula sa Dekana ng Paaralan ng Edukasyong Pangguro upang makuha ang listahan at iskedyul ng mga gurong nagtuturo sa paaralan. Ang mga mananaliksik mismo ang nagbigay at nagpaliwanag ng nilalaman ng talatanungan sa mga respondente upang matiyak ang katotohanan ng mga kasagutan. Binigyan ng mga mananaliksik ang mga guro ng sapat na panahon upang masagot ang mga talatanungan. Pagsusuri ng Datos Upang masuri ang sagot sa antas ng kadalasan sa paggamit ng inobasyong pangwika sa inklusibong edukasyon at antas ng kalubhaan ng suliraning kinakaharap ng mga guro sa paggamit ng inobasyong pangwika, gumamit ang mga mananaliksik ng frequency counts, weighted mean at pagraranggo. Resulta at Diskusyon Ipinakikita sa bahaging ito ang resulta at diskusyon sa mga nakalap na datos. Nahahati sa tatlong bahagi ang pagtalakay sa resulta pananaliksik batay sa inilahad na mga suliranin ng pag-aaral. Sa unang bahagi, ipinakita ang antas ng kadalasan sa paggamit ng mga inobasyong pangwika sa inklusibong edukasyon. Ipinakita naman sa ikalawang bahagi ang mga salik na nakakaapekto sa paggamit ng inobasyong pangwika sa inklusibong edukasyon. Nasa ikatlong bahagi naman ang mga pamantayang binuo hinggil sa epektibong paggamit at pagpapatupad ng inobasyong pangwika tungo sa ganap na inklusibong edukasyon. Kadalasan sa paggamit ng mga guro sa Inobasyong Pangwika sa Inklusibong Edukasyon Mahalagang bigyan ng pansin ang kadalasan ng paggamit ng mga guro sa inobasyong pangwika dahil nakapagbibigay ito ng impormasyon hinggil sa kanilang paraan ng pagpapatupad sa nasabing mga inobasyon. Inilalahad sa Talahanayan 1 ang antas ng kadalasan sa paggamit ng mga mga guro sa inobasyong pangwika sa inklusibong edukasyon. Talahanayan 1: Antas ng kadalasan sa paggamit ng mga Inobasyong Pangwika sa Inklusibong Edukasyon. Tradisyunal Mga Inobasyong Pangwika sa Inklusibong Edukasyon taong may kapansanan sa paningin 1. Bulag taong may kapansanan sa pananalita 2.Pipi taong may kapansanan sa pandinig 3.Bingi taong may kapansanang maglakad 4. Lumpo taong may kapansanan sa paglalakad 5. Pilay taong may kahinaan sa pag-unawa 6.Bobo taong may kakulangan sa pag-unawa 7.Tanga taong hidi kagandahan 8. Pangit taong hindi produktibo 9.Tamad 10.Matanda taong may edad taong malusog 11.Mataba taong balingkinitin 12.Payatot taong may kapansanan sa paningin (cross13.Duling eyed) taong may pagitan ang hita sa paglalakad 14.Sakang taong nagkakasundo ang mga tuhod sa 15.Piki paglalakad Kabuuan 3.25- 4.00 – Palaging Ginagamit (PG) 2.50 – 3.24 – Madalas na Ginagamit (MsG) 1.75 – 2.49 – Madalang na Ginagamit (MnG) 1.00– 1.74 – Hindi Ginagamit (HG) Nangangahulugan lamang na ang nakakuha ng mataas na ranggo ay ang madalas na ginagamit dahil ito ang karaniwang napapansin sa pisikal na katangian ng tao samantalang ang may mababang ranggo ay nangangahulugang hindi ginagamit dahil ito ay hindi karaniwang napapansin at hindi itinuturing na kapansanan. Sa kabuuan, mapapansin na madalang lamang na gumagamit ang mga guro ng Inobasyong Pangwika sa Inklusibong Edukasyon. Ibig sabihin, nakasanayan pa rin nilang gamitin ang tradisyunal kaysa sa paggamit ng mga inobasyon. Sa gayon, ang inobasyong pangwika sa inklusibong edukasyon ay hindi pa masyadong ginagamit ng mga guro sa pamantasan at maaaring sa Pilipinas. Dahil batay sa isang mahalagang kaisipang nakapaloob sa konsepto ng inklusibong edukasyon ay ang igalang ang isang tao sa pamamagitan ng pagtukoy muna sa kanya bilang isang tao bago isunod kung ano man ang kanyang kapansanan, kahinaan at kakulangan ito ay ayon kina Johnson (2005). Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng tuon ang kanyang pagiging tao na siyang dapat na mahalagang pagtuunan at hindi ang anupaman. Sa ganito rin umiikot ang naging ideya nina Thorsen, at Becker (2006), sa kanilang pahayag na the words we choose to use have a tremendous impact upon treating one another with mutual respect. Likas na sa isang taong magkaroon ng hangarin siya ay igalang ng kapwa. Bawat isa ay naghahangad, anumang ang kalagayan sa buhay na siya ay tanggapin ng lipunang kinabibilangan niya.Sa isang pag-aaral na isinagawa nina Espique, et al. (2009), kaugnay sa usapin ng Multicultural Education ay nabanggit nila ang kaisipan ni Nieto (1996), na ang pangunahing layunin ng Multicultural Education is to promote the education and the achievement of all students, particularly those who are traditionally dismissed and undeserved in our educational system.At hindi maikakailang ang mga taong nabanggit sa itaas ay nabibilang sa dismissed and undeserved na binabanggit ng pag-aaral. Sa pahayag naman ni Bicker (2006), kanyang nasabi na:One of the ways of showing compassion is being sensitive to the feelings of other human beings. Let’s not contribute to the marginalization of others by our careless and inappropriate use of words. At bagaman sa pag-aaral ay lumalabas na walang pumili ng palagiang paggamit sa anumang pagpipiliang naibigay ay masasabi pa ring isa na itong magandang indikasyon sapagkat marami naman ang pumili ng Madalas na Ginagamit at Madalang na Ginagamit. Masasabing kulang ang kamalayan ng mga guro kaugnay ng usapin ng Inobasyong Pangwika na maaaring magpahiwatig na ang mga tuntuning kalakip ng pagpapairal ng Inklusibong Edukasyon ay maluwag ding natatanggap ng mga guro. Ayon kay Pearson (2006), if your purpose is to be an effective, caring, just person, that is to have an open heart, then, open your words as well lalo pa kung isaalang–alang na sinasabi sa ating Code of Ethics (Art. VIII, sec. 3) ng mga guro na ang guro sa kahit anumang sitwasyon at pagkakataon ay hindi dapat na magdriskima o manghusga ng kahit sinumang mag-aaral. Mga salik na nakakaapekto sa paggamit ng mga Inobasyong Pangwika sa Inklusibong Edukasyon WM 2.94 2.88 2.88 2.31 2.44 2.5 2.25 2.31 2.06 2.19 2.38 2.13 2.16 1.56 1.56 2.3 I MsG MsG MsG MnG MnG MsG MnG MnG MnG MnG MnG MnG MnG HG HG MnG R 1 2.5 2.5 7.5 5 4 9 5 12.5 10 6 11 12.5 14.5 14.5 Gaya ng makikita sa resulta sa talahanayan, nangunguna sa ranggo ang salitang taong may kapansanan sa paningin na nakakuha ng weighted mean na 2.94 habang ang salitang taong may kapansanan sa pananalita at ang salitang taong may kapansanan sa pandinig ay may weighted mean na 2.88 at ang salitang taong may kahinaan sa pag-unawa ay nakakuha ng 2.5 na weighted mean ngunit ang lahat ay may interpretasyong Madalas na Ginagamit (MsG). Samantala, kung titingnan pa rin ang resulta, nahuhuli sa ranggo ang salitang taong may pagitan ang hita sa paglalakad at ang salitang taong nagkakasundo ang mga tuhod sa paglalakad na may weighted mean na 1.56 na may interpretasyong Hindi Ginagamit (HG). Mahalagang tingnan ang mga salik dahil ito ay nakakaapekto sa paggamit ng Inobasyong Pangwika dahil nakapagbibigay ito ng impormasyon hinggil sa kanilang paraan ng pagpapatupad sa nasabing mga inobasyon. Inilalahad sa Talahanayan 2 mga salik na nakakaapekto sa paggamit ng mga Inobasyong Pangwika sa Inklusibong Edukasyon Talahanayan 2: Mga salik na nakakaapekto sa paggamit ng mga Inobasyong Pangwika sa Inklusibong Edukasyon. Nilalaman WM 1. Ang iba’t ibang kinagisnang kultura at relihiyon ng bawat mag2.87 aaral. 2. Ang kalakasan at kahinaan ng isang mag-aaral sa paggamit ngwika. 2.68 3. Ang kawilihan o interes ng mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto. 4. Ang paraan ng pakikisalamuha ng isang mag-aaral sa kanyang kapwa. 5. Kawalan ng partisipasyon ng mga mag-aaral sa akademik. 6. Ang pagkakaiba-ibang ng kasarian ng mga mag-aaral. 7. Ang pagkakaiba-iba sa kanilang Intelehinsiya. 8. Antas ng pamumuhay ng mga mag-aaral. 9. Taglay na kakayahan at talento ng mga mag-aaral. 10. Pagkakaiba-iba ng “Learning Styles” o estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral. 11. Sariling paraan ng pagpapahayag ng kanilang mga kaisipan oideya. 12. Ang unang wika (first language) na ginagamit ng mga mag-aaral batay sa lugar Na kanilang pinanggalingan. 13. Ang pagkakaiba-iba ng wika ng mga mag-aaral. 14. Ang hindi angkop na paggamit ng mga salita ng mga mag-aaral. 15. Ang pagkakaiba-iba ng edad ng mga mag-aaral. 16. Kaalaman ng guro sa Inklusibong edukasyon. 17. Pagpapahalaga ng guro sa Inklusibong Edukasyon. 18. Kalikasan ng asignaturang itinuturo. 19. Pagdalo sa mga pagsasanay (workshop) sa Inklusibong Edukasyon. 20. Pagdalo sa mga seminar tungkol sa Inklusibong Edukasyon. Kabuuan 3.25- 4.00 – Lubos na Lubos na Nakakaapekto (LLN) 2.50 – 3.24 – Lubos na Nakakaapekto (LN) 1.75 – 2.49 – Bahagyang Nakakaapekto(BG) 1.00– 1.74 – Hindi Nakakaapekto (HN) I LN LN LN LN LN BN LN BN BN BN BN BN R 1 4 7 8 4 20 11 19 15.5 13 17 13 2.62 2.56 2.68 1.87 2.5 1.93 2.31 2.37 2.25 2.37 2.37 2.68 2.06 2.68 2.68 2.31 2.56 2.56 2.45 BN LN BN LN LN BN BN BN LN 13 4 18 4 4 15.5 9 9 Makikita sa talahanayan 2 ang mga salik na nakakaapekto sa paggamit ng mga Inobasyong Pangwika sa Inklusibog Edukasyon, ang nangunguna sa ranggo ay ang iba’t ibang kinagisnang kultura at relihiyon ng bawat mag-aaral na may weighted mean na 2.88, nangangahulugan lamang na talagang hindi maihihiwalay ang wika sa kultura o kultura sa wika, habang ang kahinaan at kalakasan ng isang mag-aaral sa paggamit ng wika, kawalan ng partisipasyon ng mga mag-aaral sa akademik at ang hindi angkop na paggamit ng mga salita ng mga mag-aaral ay nakakuha ng weighted mean na 2.69 ngunit ang lahat ay may interpretasyong Lubos na Nakakaapekto (LN) habang ang pangatlong ranggo ay ang kawilihan o interes ng mga mag-aaral sa paggamit ng wika at pagpapahalaga ng guro sa Inklusibong Edukasyon ay nakakuha ng weighted mean na 2.63 na may interpretasyong Lubos na Nakakaapekto (LN). Samantala kung titingnan pa rin ang resulta nahuhuli sa ranggo ang pagkakaiba-iba ng kasarian ng mga mag-aaral na may weighted mean na 1.88 na may interpretasyong Bahagyang Nakakaapekto (BN). Sa kabuuan ang talahanayan na ito ay nakakuha ng weighted mean na 2.41 na may interpretasyong Bahagyang Nakakaapekto (BN). Ito ay bahagyang nakakaapekto sa mga guro sa paggamit ng mga Inobasyong Pangwika sa Inklusibong Edukasyon dahil hindi mulat ang mga guro na may ipinatupad na Inklusibong Edukasyon dito sa Pilipinas. Sa talahanayan na ito ang pangunahing salik na nakakaapekto sa paggamit ng Inobasyong Pangwika ay ang mga iba’t ibang kinagisnang kultura at relihiyon ng bawat mag-aaral, ang kalakasan at kahinaan ng isang mag-aaral sa paggamit ng wika, kawalan ng partisipasyon ng mga mag-aaral sa akademik, ang hindi angkop na paggamit ng mga salita ng mga mag-aaral, ang kawilihan o interest ng mga magaaral at pagpapahalaga ng guro sa Inklusibong Edukasyon. Sa isang aklat na pinamagatang Guidelines for Inclusive Language (1998), sinasabing Studies indicate that while language reflects reality, language also has an impact on reality.Lalo na kung pinag-uusapan ay mga salik na nakakaimpluwensya sa pananalita ng isang tao. Malaon nang usapin ang tungkol sa kultura, binigyang kahulugan ng Encyclopidia Britannica (2001), ang kultura bilang magkakahalong kabuuan kasama ang mga kaalaman, paniniwala, sining, moralidad, batas, kaugalian at iba pang kakayahan at kinasanayan ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Mahihinuhang isa itong napakahalagang bahagi na bubuo sa pagkatao ng isang indibidwal kung kaya’t nararapat lamang isaalang-alang ng guro sa pagtuturo upang maging kapakipakinabang at makatotohanan ang pagkatuto. Sa pagtalakay naman ni Andres (1999), sinabi niya na ang kulturang Pilipino ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino kasama na rito ang kanyang iniisip, sinasabi at ginagawa. Maging ang kaugalian, tradisyon, wika at paniniwala, pag-uugali, konsepto sa sarili, moralidad, mga ritwal at asal ng mga Pilipino.Samakatuwid kultura ng isang tao ang magiging susi upang higit na maunawaan ang mamamayan ng isang pamayanan (Ferrer, 2000). Mahalaga ring usapin ay ang mga salik na may kaugnayan sa mga magaaral na kung saan nakita ang kawalan ng interes ng mag-aaral at ang hindi paggamit ng mag-aaral ng angkop na salita ay nakakapekto. Maaaring may kaugnayan ito sa tinatawag nilang tamang Motibasyon. Sa Webster Dictionary 2010 binigyang kahulugan ang motibasyon bilang puwersang nagbubunsod sa isang taong kumilos. Dahil dito kailangang isaalang-alang din ng guro ang mga bagay na may kaugnayan sa paggising ng interes ng mga mag-aaral sa pamamagitan na rin ng pagbabago niya ng istratehiya hindi lamang sa pagtuturo ngunit sa paggamit din ng wika.Sa bahagi ng wika ay maaaring mahinuha na isang kadahilanan ay kung ang wikang nagagamit ay ang una o pangalawang wika ng isang bata. Sa isang kumperensyang naganap kaugnay sa usapin ng Multilingual Education sa Iloilo City nitong Feb. 2012 ay ipinakita ang nagagawa ng Unang Wika sa paglinang ng tiwala at kagalingan ng mga mag-aaral. Sinasabi pa rin na ang mga suliranin kaugnay sa pag-aalinlangan at pagkakamali ng isang mag-aaral na magpahayag hinggil sa isang mahalagang usapin ay mababawasan kung ang wikang nagagamit niya sa pagpapahayag ay bihasa siya. Bagaman lumabas sa pag-aaral na salik na bahagyang nakakaapekto ang unang wika ng mga mag-aaral. Nandiyan din ang tungkol sa mga guro at ang kaalaman hinggil sa usapin ng Inklusibong Edukasyon. Bagaman sa SLU matatagpuan ng Institute of Inclusive Education at may asignatura ang mga mag-aaral hinggil dito ay hindi pa rin masasabing sapat ito. Isaalang-alang din na sa STE may mga gurong nagmumula sa iba-ibang Paaralan (school) na maaaring masabing salat pa sa kaalaman hinggil dito. Ang mga ilang pagsasanay o seminar ay hinggil sa Inklusibong Edukasyon ay madalas sa STE lamang naibibigay at hindi sa lahat ng Paaralan (school) na nasa loob ng Unibersidad. Gayundin namang kahit pa ang ilang mga guro ay nakadalo na sa ilang mga pagsasanay at seminar ay lumabas parin sa pag-aaral na ito ay bahagya lamang nakakaapekto sa kanila. tungo sa Inklusibong Edukasyon. Hindi rin matatawaran ang kahalagahan ng paggamit ng inobasyong pangwika ng mga guro ng inklusibong edukasyon para sa mas malawakang pagkatuto ng mag-aaral, at upang labanan ang mga hadlang sa pagpapairal ng konsepto ng inklusibong edukasyon at sa pagpapaigting pa ng nasabing programa ay mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod na pamantayan: 1. 2. Para hindi makasakit ng damdamin ng taong may kapansanan ay tawangin muna bilang isang tao bago ang kanyang kapansanan. Iwasan ang paggamit ng mga salita na tumutukoy sa tiyak na pagkatao, ugali ng isang tao at katangian ng tao halimbawa ang salitang bobo, tanga at pangit. Respetuhin din ang pagkakaiba-iba ng bawat indibidwal, ang kanilang taglay na kalakasan at kahinaan. Bawat tao ay may kanya-kanyang intelihensiya, kaya mas angkop na pag-ibayuhin ang pagtuturo upang maangkupan ang maramihanh intelihensiyang taglay ng bawat isa. 3. 4. Konklusyon at Rekomendasyon Batay sa mga kinalabasan ng pag-aaral ay may Inobasyong Pangwika na ginagamit sa Paaralan ng Edukasyong Pangguro bagaman Madalang lamang ang Paggamit nila ng mga ito gaya ng taong may kapansanan sa paningin sa halip na bulag, salitang taong may kapansanan sa pandinig sa halip na bingi, at salitang taong may kapansanan sa pananalita sa halip na pipi. Karamihan sa mga guro ay mas gugustuhin nilang gamitin ang mga tradisyunal na mga salita para sa mga taong may kapansanan dahil ito ang kanilang mas nakasanayan at marahil ay hindi pa gaanong kilala ang programang Inklusibong Edukasyon para sa kanila. Sa kabila ng pagsasagawa ng Inobasyong Pangwika sa Filipino tungo sa Inklusibong Edukasyon ay may mga salik na nakakaapekto rito. Ang kinagisnang kultura ng bawat mag-aaral ay may malaking kaugnayan sa paggamit ng Inobasyong Pangwika. Gayundin, ang kalakasan at kahinaan ng isang mag-aaral sa paggamit ng wika, ang kawalan ng partisipasyon ng mga mag-aaral sa akademik, ang kaalaman at pagpapahalaga ng guro sa Inklusibong Edukasyon ay mga salik na Lubos na Nakakaapekto sa paggamit ng Inobasyong Pangwika. Ang paggamit ng Inobasyon ay napakahalagang angkinin ng isang guro sa maraming aspekto ng pagkatuto lalo na sa wika bilang kasangkapan sa lahat ng asignatura. At dahil hindi matatawaran ang kahalagahan ng paggamit ng Inobasyong Pangwika ng mga guro ng inklusibong edukasyon para sa mas malawakang pagkatuto ng mag-aaral, at upang labanan ang mga hadlang sa pagpapairal ng konsepto ng inklusibong edukasyon at sa pagpapaigting pa ng nasabing programa ay mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod na pamantayan: Pamantayang magagamit sa pagtataya sa Inobasyong Pangwika sa Inklusibong Edukasyon: Mula sa resulta ng pag-aaral na ito ay napansin na Madalang lamang ang Paggamit ng Inobasyong Pangwika sa Inklusibong Edukasyon na nangangahulugan na kulang ang kamalayan ng mga guro kaugnay ng usaping Inobasyong Pangwika. Dahil napakahalaga ang gampaning papel ng wika sa pagtatamo ng hangaring Inklusibong Edukasyon ng Paaralan ng Edukasyong Pangguro ng Saint Louis University ay kailangang umagapay ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng inobasyon tungo sa Inklusibong Edukasyon. At dahil hindi matatawaran ang kahalagahan ng paggamit ng Inobasyong Pangwika ng mga guro ng Inklusibong Edukasyon para sa mas malawakang pagkatuto ng mag-aaral, at upang labanan ang mga hadlang sa pagpapairal ng konsepto ng Inklusibong Edukasyon at sa pagpapaigting pa ng nasabing programa ay mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod na pamantayan: Mula sa resulta ng pag-aaral na ito ay napansin na madalang lamang ang paggamit ng inobasyong pangwika sa inklusibong edukasyon na nangangahulugan nakulang ang kamalayan ng mga guro kaugnay ng usaping inobasyong pangwika. Dahil napakahalaga ang gampaning papel ng wika sa pagtatamo ng hangaring inklusibong edukasyon ng Paaralan ng Edukasyong Pangguro ng Saint Louis University, kailangang umagapay ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng inobasyon 1. Ang aktibong pagdalo ng mga guro ng isang Inklusibong Edukasyon sa mga pagsasanay (workshop) na ibinibigay ng kolehiyo ng Edukasyon ukol sa tamang pagtrato sa isang Inklusibong klase. 2. Ang pagiging malikhain ng mga guro sa larangan ng kanilang pagtuturo bilang tulong sa pagpapatupad ng inobasyong pangwika sa Inklusibong Edukasyon at upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa proseso ng kanilang pagkatuto. 3. Ang pagkilala sa kultura/komunidad ay may malaking gampaning papel sa paggamit ng isang tao sa wika sapagkat sa pamamagitan nito ay kinikilala ang pagkakaiba-iba ng bawat isa na hindi magsisilbing sagka sa pagtatamo sa layunin ng Inklusibong Edukasyon. 4. Ang kaalaman sa paggamit ng wika at kalikasan nito. Sa ganitong paraan ay maiwasan ang paggamit ng wika sa anyong nakasakit ng damdamin. Mga Sanggunian: Bernstain, B. (2002). Sociolinguistic Theory of Language Codes. Retrieved August 13, 2011, 10.AM from the World Wide Web: http://www.doceo.co.yk/language_codes.htm Concepcion, L. Q. et al. (2004). Layag ng wika sa Batis ng Komunikasyon Pangkolehiya. Philippine Educational Publisher’s Association: D’ALCO Printers. Corpus, B. and Lucas, M.R. (2007).Facilatiting Learning: A Metacognitive Process. Quezon City: Lorimar Publishing Inc. Department of Education. (2003). Guidelines for the use of nondiscriminatory language–language matters. Retrieved January 17, 2012, 10.30 AM from the World Wide Web: staffcms.education.tas.gov.au/hr/conduct/guidelines_langu age/languagematters.doc Dewey, J. Proponents of Theories of Inclusive Education. John Dewey Integration Theory. Retrieved July 15, 2011, 5.00 PM from the World Wide Web: http://www.ehow.com/info_8498143_theories-inclusiveeducation.html Fortunato, T. and Valdez, M. (1995). Pulitika ng Wika. Malate Maynila: Dela Salle University Press, Inc. Gutierrez, J. C. (2006). Ang Pagsasakatuparan ng Multiple Intelligences sa Pagtuturo ng Filipino sa Laboratory Elementary School at Preparatory High School ng University of Baguio, Saint Louis University. Lachica, V.S. (1998). Komunikasyon at Linggwistika. 1756 Almeda Street, Sta. Cruz Maynila: MK Imprint. Orasa, E., et al.(1978). Ang Wika ta Edukasyon sa Makabagong Mamamayang Pilipino. Manila: Rex Bookstore. Owens, R.E (1999). Language Developtment. State University of New York: Genese, New York Proponents of Theories of Inclusive Education.Sociological Perspectives and Societal Relations. Retrieved July 15, 2011,5.00 PM from the world wide web: http:// www.aiis.edu/ict/vol_10/02cc_075-094.htm Santos, B. (2003). Ang Wikang Filipino sa Labas ng Akademya’t Bansa. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino-Diliman. Saqib, A. Community Language Learning. Retrieved January 17, 2011, 10.30 AM from the World Wide Web: ezinearticles.com/?Community-LanguageLearning&id=5949660 Schumpeter, Z. (2006). Innovation Retrieved August 13, 2011, 11.00 AM from the World Wide Web: http://innovationzen.com/blog/2006/07/29/innovationmanagement-theory-part-1/. Smith, K. (2011). Cultivating Innovation Learning and Teaching Cultures: A Question of Garden Design. Journal Article; Reports-Research, 427-438. Retrieved July 4, 2011. From Eric Database Taclawan, C. D. (2010). Correlation of Multiple Intelligence and Academic Performance of Students with Visual and Hearing Impairements. SLU (hindi nalathalang Tesis). p.19 Ulep, Lilian, T. (2009). Inclusive Education in the Elementary level, Division of Benguet. A Thesis presented to the faculty of Graduate School, College of Education University of the Cordilleras, 6-15. United Nations Educational Scientific and cultural Organization. (2005). Human Rights. Retrieved August 17, 2011, 10.30 AM from the World Wide Web: http://www.un.org/en/documents/udhr