Si Pinkaw Isabelo S. Sobrevega Dulang Isahang Yugto Mga Tauhan: Pinkaw Mga Bata Kapitbahay Poray Basing Takoy Doktor Tagapagsalaysay Intsik Magulang at Anak Panimula: Bakit kaya rito sa mundong ibabaw Marami sa tao‟y sa salapi silaw Kaya kung isa kang kapus kapalaran Wala kang pag-asang umangat sa lipunan Mga mahihirap lalong nasasadlak Mga mayayaman lalong umuunlad Maykapangyarihan, hindi sumusulyap Mga utang na loob mula sa mga mahihirap Kung may taong sadyang nadarapa Sa halip tulungan tinutulak pa nga Buong lakas silang dinudusta-dusta Upang itong hapdi‟y lalong managana (sa parteng ito, ilagay ang panimula ng seksyon, kung maaari ay gawin ito sa pinakamasining na paraan) Tagpo 1 – Ang Baliw sa Lansangan (Magsisimula ang dula sa pamamagitan ng isang baliw na naglalakad sa lansangan at hinahabol-habol siya ng mga batang naglalaro rito.) Tagapagsalaysay: Pinkaw ang tawag ng lahat sa kanya. Ayon sa kanya, balo na raw siya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit na epilepsy habang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang kanayang bunsong anak, kung kaya‟t mag-isa niyang itinaguyod ang buhay nila kasama ang kanyang tatlong anak. May karga-karga siyang kung ano at pasayaw-sayaw na naglalakad. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang beses nang natagpian. Bata 1: Baliw! Baliw! Bata 2: (kukuha ng kahit ano at ibabato kay Pinkaw) Hoy, baliw kumanta ka nga! Pinkaw: Sinong baliw? Ako? Hindi ako baliw! Bata 3: Anong hindi? Baliw ka ano, baliw ka! Pinkaw: Hindi ako baliw, hindi! (tatakbo siya papalayo, hahabulin ng mga bata) Bata 2: Hoy, kumanta ka sabi e. Bata 3: Sige na baliw kumanta ka na ng blak is blak. Pinkaw: Ayoko nga, nahihiya ako. Bata 1: Kung ayaw mo, sige ka kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo. Bata 3: Oo, kukunin namin ang anak mo. (magtatawanan) Pinkaw: Huwag! Huwag niyong kunin ang anak ko. (iiyak) Isusumbong ko kayo kay mayor. (hahagulgol na si Pinkaw) Kapitbahay: Hoy mga bata, mga salbahe kayo. Tigilan niyo na iyang panunukso sa kanya. Sige na, umalis na kayo. (aalis ang mga bata lalapitan ni Pinkaw ang kapitbahay) Pinkaw: Meyor, kukunin na nila ang anak ko. Kapitbahay: Sige na, sige na. Umuwi ka na, hindi na nila aagawin ang anak mo. (aalis na si Pinkaw, ngunit habang naglalakad ay sumasayaw at kumakanta siya habang inihehele ang kargang lata na binihisan na parang bata) Kinakanta – “tulog na beybi, bumabait.” Tagpo 2 – Monologo ni Pinkaw Tagapagsalaysay: Mahal na mahal ni Pinkaw ang kanyang mga anak. Sa tambakan, makikita mong sinasaktan ng mga ina ang kanilang anak. Ngunit, hindi mo man lang makikitang inamban ni Pinkaw ang kanyang mga anak. Isang araw, habang bumibili si Pinkaw ng tuyo sa tindahan. (sa di kalayuan, makikita at maatanaw ang isang inang pinapalo at pinanapagalitan ang anak) Pinkaw: Ang mga bata, hindi kailangang paluin. Sapat nang sabihan sila ng malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang bata kung saktan, susunod siya sa iyo ngunit magrerebelde at magkikimkim ng sama ng loob. Tagpo 3 – Lunas sa Sakit Tagapagsalaysay: Minsan, nagkasakit ng El Tor ang sunging anak ni Pinkaw. Nagtungo siya sa suking Intsik. Pinkaw: (kakatok sa bahay, papasukin, luluho sa Intsik) Ser, ser maawa na po kayo sa akin. Nagmamakaawa po ako sa inyo. Intsik: Ano ang problema mo Pinkaw? Pinkaw: Ser, may sakit po ang anak ko. Kung maari po sana e, pautangin niyo po sana ako kahit kaunti po lamang. Parang awa niyo na po. Intsik: Hindi naman ako madamot! Hahaha! Papautangin kita, ngunit sa isang kundisyon. Pinkaw: Kondisyon? Ano po iyon? Kahit ano po gagawin ko basta‟t may pampagamot lamang po ako sa aking anak. (lalapitan ng Intsik si Pinkaw at tatangkaing halikan, parang gusto nitong gahasain si Pinkaw, mgsisigaw si Pinkaw) Pinkaw: Huwag po! Huwag po! Intsik: Hindi ba‟t gusto mong ipagamot ang anak mo? Pinkaw: Hayop! Lapastangan! Barumbado! Walang hiya! Animal! Peste! (ihahagis ni Pinkaw ang palayok sa ulo ng Intsik. Mahihimatay ito, dali dali namang lumabas si Pinkaw) Tagpo 4 – Pananghalian Tagapagsalaysay: Kadalasan, oras na nang pananghalian kung siya ay umuwi mula sa tambakan. Ang kariton niya‟y puno ng mga bote, papel at iba pa. At sa bag na buri na nakasukbit sa gilid ng kariton, makikita ang kanilang pananghalian. Pinkaw: Poray, Basing, Takoy! Mga anak, nadito na ako. Poray:` Inay!! (tatakbo at yayakapin ang ina, susunod naman ang tatlo) Basing: May dala po ba kayong bitsukoy? Pinkaw: Aba anak, siyempre naman. Hindi ko makakalimutan ang paborito mo. Takoy: Nay, nay, meron po ba akong istretsibol na jeans? Pinkaw: Anak, pasensiya ka na ha, hindi ako nakakuha e. Hayaan mo, ikukuha kita sa susunod. Poray: Nay, gutom na po ako. Ano po ba ang pananghalian natin? Pinkaw: Iyan ang sorprese ko sa inyo mga anak. Meron akong nakitang sardinas. Mga bata: Yehey!!! Tagpo 5 – Pagdurusa, Pasakit ng Isang Inang Nagmamahal Tagapagsalaysay: Masayang kumain ng pananghalian ang mag-anak. Pagkatapos ng pananghalian... Poray: Araay!!! Inay ang sakit ng tiyan ko! Basing: Ako rin po Inay! Takoy: (namimilipit sa sakit) Araay!!Ang sakit na po talaga ng tiyan ko. Pinkaw: Ha? (matataranta) Halika kayo, mgapatulong tayo sa mga kapitbahay. Diyosko, mga anak ko! (isasakay sa kariton ang mga anak, lalapitan at mangangatok sa mga bahay ng kapitbahay) Pinkaw: Mga kapitbahay, tulong! Tulungan niyo kami! Tulong! Kapitbahay: Pinkaw, alam mo namang pare-pareho tayo dib a? Itakbo mo na sila sa ospital. Pinkaw: Ospital? Haynaku diyos ko, malayo pa „yon. Paano na ito? Mga anak: Araaaaaaaaaaay!!! Pinkaw: Kunting tiis na lang mga anak ha. Malapit na tayo. Tagapagsalaysay: Dahil walang ni isang sasakyang nais tumulong kay Pinkaw, napagpasyahaan nitong sa kariton na lamang isakay ang kanyang mga anak. Kumaripas siya ng takbo habang tinutulak ang kariton. Meron na sigurong natakbong tatlong kilometro ng makarating siya sa kalsadang patungong bayan. Ngunit nang tignan niya ang kariton. Pinkaw: Poray, Poray anak, Poray walang ganyanan. Poray huwag mo kaming iiwan! Poraaaaaaaaaaaaaay! (iiyak, hahagulgol at sisigaw si Pinkaw dahil sa kalungkutan.) Tagapagsalaysay: Maraming tao ang nagmamasid lamang sa kanya ngunit nakapagtataka kung bakit wala ni isa man lang tumulong sa kanya. Tumatalbog-talbog ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton sa tuwing meron silang madaanang lubak sa daan. Nakatakbo ulit sila ng tatlo pang kilometro nang makarating sila sa ospital ng bayan. Pinkaw: (sasalubungin ng doktor ngunit hindi papansinin) Doktor, doktor, parang awa niyo na po. Tulungan niyo po ako. Doooooooooooooktor! Tagapagslysay: Pagkatapos ng pagturuturuan ng mga nars at doktor, na ang binibigyang pansin lamang ay ang mga mayayaman, ay nalapatan din ng gamot ang dalawa niyang anak. Ngunit kinagabihan….. Pinkaw: (hahagulgul na at magsisisigaw) Mga anak, mga anak ko. Bakit niyo ako iniwan? Bakit niyo ako nagawang iwan? Bakit? Mga anak kooooo! Anaaaaak!! (sa parting ito ay namatay na yung mga anak ni Pinkaw) Tagapagsalaysay: Sa kwento ni Pinkaw, nakita natin kung gaano naghihirap ang mga kababayan nating kapus kapalaram. Nakita rin natin ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Ang pagmamahal na ito ng isang ina ay kailanmay hindi mapapantayan ng kahit ano pa man. Mawalan ka na ng yaman, ngunit ang pagmamahal pa rin ng isang ina ay nandiyan. Talikuran ka man ng mundo, ang ina mo pa rin ay nandiyan, nakahandang umagapay. Sanay nakapag-iwan sa inyo ng aral ang kwento ni Pinkaw. (Sa parteng ito, maaring ipakilala ang mga nagsipaganap at dito na ibigay ang pansariling paglalahat sa kwento. Kailangan ay orihinal ang pansariling paglalahat sa kwento.)