Isang Pagkilala sa Aking Kristiyanong Pagtubo Konteksto Kalagayan ng pananampalatayang Pilipino Tatlong “elemento” Doktrina (isip) Moral (buhay) Pagsamba(puso) Dalawang Dimensyon Personal Komyunal Binyag, Kumpil at Misa Ang mga Sakramento ng Pagsilang sa Simbahan “Tinanggap ang Espiritu Santo sa Binyag” Pagsilang sa isang gampaning panghabambuhay Hindi lamang sa natututunan natin ang kwento ng pananampalataya Kaisa at kasama na tayo sa kwento na ito… Ang Kumpil Sakramento ng Pagpapatatag ng Pananampalataya, Pag-ibig at Pag-asa na tinanggap sa Binyag. Kumpirmasyon sa binyag. Pagpapatatag sa biyaya at bunga ng Espiritu Santo. Pagiging alistong mag-aaral sa paaralan ng espiritu. Tatlong Kilos ng Kumpil Paglukob ng kamay. Panalangin ng pagpapala ng Espiritu Santo (Klero). Pagpapahid ng Krisma Tanda ng Espiritu Santo. Tatlong Misyon: Pari, Hari, Propeta Tanda ng Kapayapaan Tanda ng Pakikiisa ng kumpilan sa bawat kasapi ng Simbahan. Pagiging saksi / sundalo ni Kristo kaisa ng Simbahan. Ang mga Bunga ng Espiritu Santo Pag-ibig (love) Kagalakan (joy) Kapayapaan (peace) Pagtitiyaga (patience) Kabaitan (kindness) Pagbubukas-palad (generosity) Katapatan (faithfulness) Pagkamahinahon (gentleness) Pagtitimpi (self-control) Kristiyanong Galing Ang mga Bunga ng Espiritu Santo ay tinatawag ding Eskatolohikal na mga Kristiyanong Galing: mga kaloob na mula sa Diyos ngunit dapat linangin ng bawat Kristiyano sa gawain niya ng pagsasabuhay at pagsasapraktis nito Hamon ng Panahon natin Ang pagsasabuhay ng mga Kristiyanong galing at paglilinang ng mga Bunga ng Espiritu Santo ang tugon ng Katolikong Kumpil sa kalagayan nating nilalarawan bilang: “pamumuhay sa mundong laging maaaring magtaksil ang tao sa kapwa niya tao sa anumang panahon at pamamaraang magagawa niya iyon” Panalangin ng Pakukumpil Ang mga kaloob ng Espiritu Santo na iyong tinanggap ay magiging mga tandang spiritwal na gagawin kang mas lalong kawangis ni Kristo at mas ganap na kasapi ng Simbahan…. Marapat kang maging saksi sa buong sandaigdigan sa Kanyang pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay; ang iyong pamamaraan ng pamumuhay at marapat lamang sa lahat ng panahon ay ipabatid ang kabutihan ni Kristo Ang mga Handog ng Espiritu Santo Kabatiran (knowledge) Pag-unawa (understanding) Karunungan (wisdom) Tamang pagpapasiya (counsel) Katatagan (fortitude) Paggalang sa banal (piety) Takot sa Diyos (fear of the Lord) Nagbibigay saksi ang Espiritu Santo…. Takot sa Diyos ay paggalang at pagsamba; Kabatiran ay pag-alam sa mga itinuturong katotohanan; Pag-unawa ay ang pagkakita ng lalim, kahulugan at mga implikasyon ng mga katotohanan na ating pinanghahawakan; Karunungan ay may kinalaman sa pagmamahal natin sa ating nalalaman [o mas tamang sabihing pagmamahal sa ating nakikilala]. Tungkulin ng Espirtu Santo.. Ang turuan ang mga tagasunod ni Hesus Nazareno at ipaalala ang lahat ng sinabi niya sa kanila [Juan 14, 26] Espiritu Santo samakatuwid ang nananahang ginhawa, lakas, pag-unawa at pag-asa ng mga deboto ng Panginoong Hesus Nazareno Samakatuwid mauunawaan lamang ang mga Handog ng Espiritu Santo katangitangi sa loob ng tungkulin niyang ito. Bawat Kristiyano ay Liham ng Espiritu Santo…. Kayo ang maliwanag na liham ni Kristo, ang sulat na ipinadala sa pamamagitan namin [mga apostol]. Nasusulat kayo hindi sa pamamagitan ng tinta kundi ng Espiritu Santo ng Diyos na buhay, at hindi sa mga tapyas na bato kundi sa puso ng tao [2Kor 3, 3] Sabi ng Panginoong Hesus Nazareno: “Nagbibigay saksi ang Espiritu Santo para sa akin; marapat lamang na kayo rin” [Jn 15, 26] Ang Maging Kumpilang Saksi Saksi sa ibang salita ay martyr pamumuhay sa hiwaga ng Diyos. Nangangahulugan ito “Hindi iyon tungkol sa maraming salita at pakikipagdebate, hindi rin upang bulabugin ang kapwa tao…. Ang maging saksi ay ng isang buhay na walang saysay kung hindi totoo na Merong Diyos.” Cardinal Suenens