PAMBUNGAD NA PANALANGIN PAMBUNGAD NA PANALANGIN ENERGIZER AGADOO DANCE FOOD FOR THOUGHT Ang Panitikan ng ating mga Katutubong Pilipino bago dumating ang mga dayuhan ANO ANG PANITIKAN? Ang panitikan ay kapatid na babae ng kasaysayan. Ang panitikan, tulad ng kasaysayan, ay nagtataglay ng mga ulat ukol sa mga naganap sa isang lahi at mga naisip na dakila at marangal ng lahing ito. Samantalang ang kasaysayan ay tukuyan at naglalarawan ng hubad na katotohanan, ang panitikan ay nagagayakan ng magagarang damit ng pagpapahayag at nakukulayan ng malikhaing guni-guni ng mga akda. Wika nga ni Long, ang panitikan ay âmga naisulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.â Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban ANG PANITIKAN ay ang magandang pag-aaral na pansemantika ng salitang panitikan. Ang salitang panitikan aniya, ay binubuo ng pangâ na unlapi, ng salitang ugat at ng âan na hulapi. Nagiging pan- ang pang- kung inuunlapi sa salitang nagsisimula sa mga titik na t, d, l, r, at s, karaniwang ding kinakaltas ang titik na t kung saklaw ng tuntuning nabanggit. SARILING PANITIKAN BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA Ang ating mga ninuno ay may sarili ng panitikan bago pa man dumating sina Magallanes sa Pilipinas. Nagtataglay ang panitikang ito ng kasaysayan ng ating lahi â mga kuwentong bayan, alamat, epiko, kantahing bayan, karunungang-bayan: salawikan, kasabihan, bugtong, palaisipan, at iba pa. ANG PANITIKANG PILIPINO: Ang panitikang Pilipino ay katulad din ng panitikan ng alinmang bansa sa daigdig na sumasaklaw sa pasalita o pasulat na nagpapahayag ng mga damdaming ukol sa mga gawi at kaugaliang panlipunan, paraan ng pamumuhay, kaisipang pampulitika, at mga kapaniwalaang panrelihiyon, ang kanilang mga adhikain, ang kanilang mga pangarapâ mula pa sa bukangliwayway ng kanilang mga kabihasnan hanggang sa kasalukuyan. DALAWANG URI NG PANITIKAN Nasusulat Pagsasaling-bibig PAGSASALING-DILA NASUSULAT Pagsunog sa ating matatandang panitikan sa Pilipinas Nguniât ang di nasunog ay ang mga kantahing bayan, mga bugtong, mga salawikain, at kasabihan, at iba pa, sapagkat ang mga itoây nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao. MGA UNANG TAO SA PILIPINAS ANG MGA ITA Ang mga negtritong kilala sa tawag na ita, ayta, o agtas ay siyang mga unang nanirahan sa ating mga pulo. Sila ay abalang lagi sa paghahanap ng iakabubuhay sa tulong ng pana at buslo. Palipat-lipat sila ng tirahan kayaât di sila nagkapanahon sa sining nang lampas sa mga bulong at kasabihan. ANG MGA INDONES Nakarating sa Pilipinas may 8,000 taon na. Nang sumapit sila ritoây may malalaking pangangatawan, maitim na balat, makapal na labi, malaking ilong at pangahan. May kabihasnan silang higit sa mga Negrito. -may pamahalaan -Nagsusuot ng damit -nagluluto ng pagkain -nagsasaing sa tukil -marunong magpanginas ng apoy. Mayroon silang alamat at mga epiko, mga pamahiin at mga bulong na pangmahiya. ANG MGA Intsik na manggugusi Tinawag na mga âmangugusiâ ang mga intsik na lahing Hakka na nagbuhat sa Fukien (Tsina) sapagkaât kanilang inilagay sa gusi ang bangkay ng isang magulang o nunong namatay at ibinabaon doon din sa kanilang kalooban. Ang salita nating âgusiâ ay galing sa kanila. Sumapit sila rito mula noong 300 hanggang 800 A.D. Nanirahan sila sa pulo ng Batangas at Babuyanes, sa hilagang tabing-dagat ng luson, sa Tayabas, Sorsogon, Silangang Mindanaw at Selebes, Samar, Marinduque. Timog Mindoro, mga pulo ng Kalamyanes at Palawan hanggang Borneo ANG MGA BUMBAY Ay nakarating sa Pilipinas noong ika-12 dantaon. Ang unang sapit ng mga Bumbay ay nanggaling sa Borneo at silaây nagdala ng pananampalatayang Budismo, Epiko at Mahika. Ang Ikalawang sapit ay nanggaling sa Java at Borneo din noong ika-13 na siglo, nagdala sila ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang epiko, awiting bayan at liriko. Marami ding mga salitang Bumbay o Hindu na bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga itoây, guro, bansa, mukha, likha, hukom, dukha at iba pa. ANG MGA arabe at persyano Dumating ang mga Arabe sa Pilipinas noong 890 A.D. hanggang ika- 12 siglo, ngunit ang nagdala ng pananampalatayang Muslim ay ang tinatawang na âHadramaut Sayyidâ mga misyonerong Arabe na nanggaling sa Malaysia at dumating sa Pilipinas noong ika 16-siglo. Kasama nila ang maraming mangangalakal na Arabe at Persiyano, silaây nanirahan sa Mindanao at Sulu. Nagdala rin sila ng mga Epiko, Kuwentong Bayan, Dula at Alamat. ANG MGA malay Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa Pilipinas 1. (kumulang humigit sa 200 taon bago namatay si Kristo at 100 taon pagkamatay ni Kristo.) Ang mga Malay na itoây nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano at mga awiting pangrelihiyon. Silaây nangagtira sa kabundukan ng Luzon at sila ang mga ninuno ng mga Igorot, Bontok at Tinguianes. 2. (200 hanggang 1300 taon pagkamatay ni Kristo.) mga ninuno ng mga Tagalog, Bisaya, Ilokano at mga iba pa. Silaây may dalang wika, alpabeto (alibata), awiting bayan, kuwentong bayan, mga alamat at mga karunungang bayan. Ang mga ito bagamaât mga tubong Malaysia ay kung saan-saan nanggaling na mga kalapit bansa gaya ng Borneo, Malacca at Indonesya at pagdating sa Pilipinas ay kumalat sila sa ibaât ibang lalawigan ng Luzon at Visayas. Sila ang nagdala ng Baranggay. 3. (1300 hanggang 1500 dantaon) ito ang ikatlong sapit na dumating sa ating bansa at sila ay nagkaanak at ang mga ito ay ang mga Maranaw at Muslim. GALING SA TATLONG URING ITO ANG MGA MALAY ANG ATING MGA PANITIKAN BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA ANG MGA malay Ang mga alamat ng Kombodya (Indo-Tsina) ay may mga katangiang matatagpuan sa matandang tradisyon at talaalamatan ng Palawan at Mindoro at sa mga ilang pulo sa Sula. May mga alamat sa Sulu na bumabanggit sa bayaning Orang-Dampuan, bayaning Siamese noong uanag panahon. Katulad ng mga silabaryo sa peninsula ng Indo-Tsina ang matandang alpabeto ng mga taga-Palawan at Mindoro kahit na alam nating itoây galling sa mga Indo-Malay ng Sumatra at Borneo. ANG MGA madyapahit Ang Imperyo ng Madjapahit na ang pinaka sentro ay Java sa Indonesya ay naging napakamakapangyarihan at maraming mga kalapit bansa ang nasakop. Kabilang dito ay Indo-Tsina, Cambodia, Siam, Anam, Tonkin at Pilipinas. Kayaât ang Pilipinas ay nagkaroon ng impluwensiya ng mga bansang nabanggit lalo na sa panitikan. Ang mga kuwentong bayan ng Cebu, Panay, Negros at Palawan ay katulad ng mga kuwentong bayan ng mga nabanggit na mga bansa. ANG MGA intsik Ang mga Intsik ay nakarating sa Pilipinas sa pagitan ng ikatlo hanggang ikawalong siglo. Ang mga Intsik ay nagdala ng kanilang wika- kayaât mahigit sa 600 salitang Intsik ay bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga salitang gusi, susi, mangkok, talyasi, kawali, kawa, bakya, tingi, Ingkong, Impo, bayaw, inso, kuya, diko, sangko at mga iba pa ay nanggaling sa Intsik. Ang ilang kaugaliang sosyal ay galing din sa kanila. Ang Pilipinas ay nasakop ng mga Intsik noong taong 1405 hanggang 1417 noong panahon ni Yonglo. ANG MGA malacca Sinakop ng kahariang Malacca, na mula sa Borneo, ang mga pulo sa timog natin hanggang Luson sa palibot ng mga dagatna tulad ng Lanaw, Bumbon, (Taal) at Bai (Laguna). Nagpalagap ng Mahometanismo ang pinuno ng kahariang ito. Karaniwan nang bigkasin ng mga taga-Batanggas ang salitang âAl-la eh!â o âAla naman!â Al-la, isusumbong kita!â ANG MATATANDANG PANITIKAN NG MGA PILIPINO Kuwentong-bayan Mayaman ang ating mga ninuno sa mga kuwentong bayi ng binubuo ng mga kuwento sa buhay. Ang kuwentong pinagmulan ng mga lahi, kauna-unahang lalaki at babae sa daigdig, ang kuwento tungkol sa buwan at sa araw at iba pa ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao. Hindi pinagsasawaan ang mga kuwentong-baying pamana sa atin ng ating mga ninuno. 1. Ang Pinagmulan ng Lahi (Bisaya) 2. Si Malakas at si Maganda (Tagalog) 3. Naging Sultan si Pilandok (Maranaw) 4. Ang Batik ng Buwan (Bisya) Epiko Kung nais nating mabakas ang kasaysayan may kaugnayan sa kalinangan ng ating lahi at nais nating matagpuang muli ang ating mga sarili ay napapanahon na upang pagbalikan ang ating mga epiko. May mga ilang siglo bago dumating ang mga Kstila sa Pilipinas ay may marami nang kalipunan ng panulat ang mga Pilipino. Ayon kay Padre Chirino, isang manananaysay na Heswita, ang lahat ng tag-islang Pilipinas ay mahilig sa pagbabasa at pagsulat maging babae o lalaki. Mga Epiko ng mga Ipugaw: a. Ang âHudhudâ b. Ang âAlimâ Ang âDaraganâ ng mga Muslim: a. Ang âDaranganâ b. âIllad at Odysseyâ k. Ang âBantuganâ d.Ang âDaramoke-a-Babayâ e. Ang âIndarapatra at Sulaymanâ g. Ang âBidasariâ Mga Epikong Bisaya: a. Ang âMaragtasâ b. Ang âHarayaâ k. Ang âLagdaâ d. Ang âHinilawodâ e. Ang âHari sa Bukidâ Ang Epiko ng mga Tagalog: a. Ang âKumintangâ b. Ang âMandukit at Dikyawâ Ang Epiko ng mga Bikol: a. Ang âIbalonâ Ang Epiko ng mga Iloko: a. Ang âBiag ni Lam-angâ Ang iba pang Epikong Pilipino: a. Ang â Dagoyâ at âSudsudâ (Tagbanwa) b. Ang âParang Sabirâ (Sulu) k. Ang âKabunianâ (Bagobo) d. Ang âKabunyianâ at ang âBedianâ (Ibaloy) e. Ang âUlaginganâ at âSelchâ (Manobo) Alamat Ang ating kalinangan at kabihasnan ay malinaw na nasasalamin sa mga alamat. Karamihan sa mga alamat ay hindi nasusulat at kung nasusulat maây nito na lamang mga huling panahon. Ang mga itoây nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga magulang at mga anak, ng mga nuno at mga apo. Ang isang alamat, sa bawat pagkakasalin sa bawaât bibig na pagdaanan ay nagkakaroon ng kaunting pagbabago subalit karaniwang nagdaragdag ng kariktan at kagandahan sa salaysay subalit naroon din ang diwa at kasaysayan ng alamat. Ang kapaligirang nag-aangkin ng alamat ay maliwanag na nababakas sa hibla ng mga pangyayari hindi lamang sa ngalan ng mga pook at mga tauhan kundi sa mga tagpo na napapaloob sa alamat. Dahil diyaây parang nagkaroon ng tatak ang bawaât alamat bagay na ipinakikilala ng pinagmulan o pinanggalingan. Ang uring ito ng matandang panitikan ay oamanang pangkalinangang hindi maililibing ng panahon kalian man. Ang Alamat sa Pampanga: a. Bakit Maliwanag ang Araw kaysa sa Buwan Ang Alamat sa Bikol: a. Alamat ng Bulkang Mayon Ang Alamat sa Bisaya: a. Alamat ng Bundok Kanlaon Mga Lumang Tula Mababakas sa mga unang kantahing-bayan ang ating kalinangan at kabihasnan. Sa mga damdamin at diwang nakapaloob sa mga ito ay maaaninag natin ang mga gawi at kaugalian ng ating mga ninuno. May ibaât ibang uri tayo ng kantahing bayan. Ang mga Unang Kantahing Bayan: a. Ang âOyayiâ o âPagheleâ b. âSa Kabukiranâ k. Ang âSoliraninâ d. Ang âTalindawâ e. Ang âMaluwayâ g. Ang âKumintangâ o âTagumpayâ h. Ang âKundimanâ g. Ang âDalitâ Karunungang Bayan Kasama sa kabang-yaman ng karunungan bayan ng ating matatanda bago dumating ang mga Kastila ay ang alawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, at kasabihan. 1. Ang mga Salawikain o Sawikain: Ayon kay Lope K. Santos ang salawikain ay isa sa mga karunungang napag-aralan ng tao hindi sa mga kasulatan at aklat na limbag kundi sa mga aklat ng karanasang nababasa sa bibig ng matatanda. Ito ang salitang nakaugalian na at lalong angkop na namang ipamagat sa mga kasabihang man-manahang hiyas ng wika, simulaât batas ng mga kaugalian, at patnubay ng kabutihang asal, na pasalin-salin sa bibig ng madla. Karaniwang patalinghaga ang salawikain at sa talinghaga kung iisiping mabuti ay ay may ibig sabihin o kahulugang nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat nang may sukat at tugma kaya masarap pakinggan. Ang mga ito ay bukal na mapagkukunan ng magagandang aral sa buhay. Halimbawa: 1. Pag ang tubig ay magalaw ang ilog ay mababaw. 2. ang magtanim ng hangin bagyo ang aanihin. 3. Mahirap nang mauna ang damo kaysa palay. 4. Anoât magpapayong ka pa kung ang ulaây nakaraan na? ang sakit ng kalingkingan damdamin ng buomg katawan. 5. Habang maigsi ang kumot magtiis kang mamaluktot. 6. Aanhin pa ng Damo kung patay na ang kabayo. 2. Ang Bugtong: Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipanang bugtong).[1] May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot. Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong nagiging isang palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata. . 1. Sa araw ay bubong, sa gabi ay dahon: banig 2. Maikling landasin, di maubos lakarin: Anino 3. Kung kalian mo pinatay, saka pa humaba ang buhay: kandila 4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay: Ilaw 5. Nakayuko ang reyna, di nalaglag ang korona: bayabas 6. Isang Prinsesa nakaupo sa tasa: kasoy 7. Heto si kaka, buka-bukaka: gunting 8. Dalawang batong itim, malayo ang nararating: mata 9. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan: kamiseta 10. Butoât balat lumilipad: saranggola 2. Ang Palaisipan: Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito. Sa karaniwang palaisipan, inaasahan na lutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon. Kadalasang nililikha ang mga palaisipan bilang isang uri ng libangan, ngunit maaari rin namang magmula ito sa seryosong matematikal at lohistikal na suliranin â sa mga ganitong kaso, ang kanilang matagumpay na pagkalutas ay isang mahalagang ambag sa pagsaliksik sa matematika a. Sa paglakad ng isang mangangaso sa kagubatan ay nakakita siya ng isang puno ng bayabas na hitik na hitik sa bunga. Nais niyang kumuha ng bunga nito ngunit ang punoay binabantayan ng matapang na at mabangis na matsing. Tanong: Paano nakakuha ng bayabas ang mangangaso na hindi siya sinaktan ng mga matsing? Sagot: Pinagalit niya ang matsing at dahil sa walang maibalibag sa kanya. Itoây nagsipitas ng mga bayabas at siyang inihagis sa kanya. Salu siya ng salo sa bawaât bayabas at ang mga itoây naging kanyang lahat. 2. Ang mga Panunudyo: Patula ang pagkakabuo ng mga panudyo. Ito ay mga bigkasin maging ang mga bata at matatanda. Narito ang mga halimbawa ng mga panudyo o pamangalan: a. Pedro Penduko b. Bata, batuta Matakaw ng tuyo nagsuot sa lungga Nang ayaw maligo hinabol ng palaka kinuskos ng gugo. a. Bata batuta b. Tawa ng tawa panu ka ginaw? Ibig mag-asawa. k. May dumi sa ulo d. Isa, dalawa, tatlo ikakasal sa linggo ang tatay mong kalbo. e. Tiririt ng ibon tiririt ng maya kaya lingon ng lingon hanap ay asawa. 2. Ang Tugmang Walang Diwa: Itoây mga patulang may tugma ngunit walang diwa at ang nagbibigay halaga rito ay ang nakatutuwang tunog na napaglalaruan ng dila o ng kapilyuhan at paglalaro sa salita. 1. Hala, ulan, pantay kawayan Hala takbo, bayo, pantay kabayo! 2. Kililing, kililing, kililing namatay si Tandang Gusting saan ililibing sa puno ng saging 3. Akoây nakahiga sa kamang malambot, ako ay kinagat ng isa pong surot ako ay nabigla at tuloy nautot kaawa-awang surot, namatay sa angot. 2. Ang mga Kasabihan: Ang mga kasabihan ay naiiba sa salawikain sa dahilang itoây hindi gumagamit ng mga talinhaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabi9han. Naisalin sa atin ng ating mga ninuno ang mga kasabihang sumusunod: 1. Utos na sa pusa, utos pa sa daga 2. Malakas ang loob, mahina ang tuhod. 3. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. 4. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad 5. Ubus-ubos biyaya, bukas nakatunganga. 2. Ang mga Unang Tula: kabilang sa mga unang tula ang mga nabanggit nang salawikain, bugtong, at kasabihan. May mga palaisipan ding nasusulat na patula. Ang mga kantahing bayan ay pawing patula. Tayong mga Pilipino ay ipinaghele sa tula ng mga ninuno. Maaaninag natin sa mga halimbawa na mayaman sa damdamin pilosopiya at haraya ang mga ito. Ang mga unang tulang nabanggit ay dating sa wikang Arabe o Malay subaliât napasalin sa ibaât ibang wika ng mga pulo sa pag-uulit-sabi ng mga Matatanda sa kanilang mga Inaanak. 2. Ang mga Unang Dula: Nang dunamting ang mga Kstila sa Pilipinas, inabutan na nilang ang mga Pilipino ay may sariling dula. Itoât itinatanghal sa liwasang bayan o sa malawak na looban. Sa isang damuhan sa tahanan ng maharlika, kung minsaây sa tabing ilog o dagat ay sa katutubong temple o dalanginan. Ang karaniwang pinapaksa nila ng dula ay ukol sa pag-ibig, sa pakikidigma, sa alamat, ukol sa mga anito, o Diyos nial, parangal sa mga ala-ala ng mga yumao at sa pagbubunyi sa mandirigmang nagtagumpay sa labanan. Mga Uri ng Matatandang Dula: 1. Ang âWayang Orangâ (Bisaya) 2. Ang âEmbayokaâ at âSayatanâ (Muslim) 3. Ang mga âBulongâ VIDEO PANITIKAN WAKAS
Comments
Report "Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Alexis D. Trinidad"