group 4 in ap

May 3, 2018 | Author: Anonymous | Category: Documents
Report this link


Description

Slide 1 Ang Rebolusyong Siyentipiko at ang panahon ng Enlightenment Introduksyon: Ang Scientific Revolution na nagwakas sa mga paniniwalang namayani sa Middle Ages na walang matibay na batayang siyentipiko. Ang rebolusyong siyentipiko ay tumutukoy sa panahon ng malawakang pagbabago sa pag-iisip at paniniwala na nagsisimula sa kalagitnaan ng ika-16 hanggang sa ika-17 siglo. Samantala,nakabuo ang ilang mga iskolar ng mga teorya sa pilosopiya na naging batayan ng konsepto ng pamahalaan ,demokrasya,at edukasyon sa modernong panahon. Introduksyon: Ang panahong kinapalooban ng mga nasabing iskolar ay nakilala bilang Age Of Enlightenment o panahon ng kaliwanagan. ibig sabihin,ginamit ang katuwiran at siyentipikong pamamaraan sa lahat ng aspekto ng buhay. Tinawag din itong Age of Reason dahil sa paniniwalang sa paggamit ng pangangatuwiran matutugunan ang mga suliranin sa lipunan at bubuti ang pamumuhay ng tao. Ang rebolusyong siyentipiko at ang bagong pagtingin sa kalikasan: Si Ptolomy ay nagsabing ang daigdig ang sentro ng kalawakan at ang ibang mga heavenly body ay umiikot dito sa pabilog na pagkilos. Ang Geocentric view ang teoryang ito ni Ptolomy ay nagtaguyod ng paniwalang Kristiyano na dinisenyo ng Diyos ang kalawakan para sa mga tao. Ang ambag ni aristotle sa teorya ni Ptolmy ay ang komposisyon ng mga bagay sa kalawakan at sa daigdig. Ang rebolusyong siyentipiko at ang bagong pagtingin sa kalikasan: Ayon sa kanya,malaki ang pagkakaiba ng komposisyon ng mga bagay na matatagpuan sa kalangitan at sa daigdig. Ang una ay binubuo ng puro at espiritwal sa elementong tinatawag na ether,samantala ang huli ay binubuo ng apat na elemento ---- Lupa,tubig,apoy,at hangin. Hindi katulad ng Ether,ang apat na elemento ay nagbabago. Ang rebolusyong siyentipiko at ang bagong pagtingin sa kalikasan: matatagpuan sa kalangitan at sa daigdig. Ang una ay binubuo ng puro at espiritwal sa elementong tinatawag na ether,samantala ang huli ay binubuo ng apat na elemento ---- Lupa,tubig,apoy,at hangin. Hindi katulad ng Ether,ang apat na elemento ay nagbabago. Sinasabing si Aristotle ay isa sa magagaling na Philosopher na maraming naiambag sa larangan ng scientia at isa sya sa nagbigay ambag sa teoya ni Ptolemy na ayon sa kanya malaki ang pagkakaiba ng komposisyon ng mga bagay na matatagpuan sa kalangitan at sa daigdig. Mga pagtingin sa kalawakan: Ang Geocentric view sa kalawakan ay hinamon naman ni Nicolaus Copernicus. Isa siyang astronomer mula sa Poland. Ayon sakanya,hindi daigdig ang sentro ng kalawakan kundi ang araw. Ang kanyang teoryang Heliocentric view ay nagsasabing ang araw ang nasa gitna at hindi ang daigdig. Mga pagtingin sa kalawakan: Si Galileo Galilei ay isa sa mga nagpatunay o sumuporta sa teoryang ito. Sa pamamagitan ng kanyang naimbento na Largavista kanyang napagtanto na ang araw ang sentro ng lahat at napatunayan rin niya na hindi patag ang buwan sapagkat meron itong crater. Mga pagtingin sa kalawakan: At may iba pang mga siyentipiko ang nag sasama sama upang maghayag ng kanilang sari-sariling teoryo ukol sa kalawakan. Iba pang pag-unlad sa Agham Si Isaac Newton ang nakatuklas sa Law of gravity habang si Andres Vesalius naman ang nanguna sa pag-aaral ng anatomiya ng tao sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga bangkay at kalansay ng tao. Si Willian Harvey ay isang doktor na English,ang nakatuklas at nakapagpaliwanag sa sirkulasyon ng dugo. Iba pang pag-unlad sa Agham Si Andreas Vesalius ang nanguna sa pag-aaral ng anatomiya ng tao sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga bangkay st kalansay, isang pagsasanay na ipinagbabawal sa kanyang panahon Iba pang pag-unlad sa Agham William Harvey Isang Dektor na Ingles. Sya ang nakatuklas at nakapag-paliwanag sa sirkulasyon ng dugo at mga bagay na may kinalaman sa puso sa pamamagitan ng pagaaral ng puso ng hayop. Iba pang pag-unlad sa Agham Antoine Van Leeuwenhoek Isang Dutch. Nakatuklas sa daigdig ng mga Singled-Celled na organismo sa pamamagitan ng Microscope. Iba pang pag-unlad sa Agham Carolus Linnaeus Isang Botanistang Swedish. Nanguna sa pagaaral ng halaman at hayop. Ang akdang inilathala niya noong 1753 ay nakapagpaunlad ng sistema ng pagppangalan at pagkaklasipika ng mga halaman at hayop. Ang paghihikayat sa Siyentopikong Pag-aaral: Nakatulong din sa pagsulong ng rebolusyong siyentipiko ang suporta ng mga pilosopo tulad nina Sir Francis Bacon at Rene DesCartes Ang paghihikayat sa Siyentopikong Pag-aaral: Si Rene Descartes ay isang pilosopo at mathematician na French. Ipinaliwanag niya ang mga suliranin sa agham at pilosopiya gamit ang pamamaraang matematikal. Isinantabi niya ang sistema ng scholasticism at napagtantong isang bagay lamang ang hindi dapat pagdudahan---ang pagdududa mismo. Ang paghihikayat sa Siyentopikong Pag-aaral: Sir Francis Bacon Isang ingles na nagsimula bilang abogado subalit mas nakilala bilang pilosopo at bilang tagapagtanggol ng Rebolusyong Siyentipiko. Ang paghihikayat sa Siyentopikong Pag-aaral: Ambag niya sa agham ang pamamaraang Baconian kung saan tuon ay sa Inductive Method sa siyentipikong pag-aaral Panahong Enlightenment: Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle ages. Ang Philosophe o ang grupo ng mga interlektwal na humikayat sa paggamit ng katuwiran,kaalaman, at edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan. Mga pananaw ukol sa Pamahalaan: Si Thomas Hobbes ay tinalakay niya ang kalikasan ng tao at estado. Si John Locke ay binigyang diin ang paniniwalang mahalaga ang gitnang uri at ang kanilang karapatan sa pagmamay ari,pananampalataya sa agham at paniniwala sa kabutihan ng sangkatauhan. Jean Jacques Rousseau ay pinaliwanag ang Social Contract ay isang kasunduan ng mga malayang mamamayan na lumikha ng isang lipunan at isang pamahalaan. Mga pananaw ukol sa Pamahalaan: Si Francois Marie Arouet ay nag sabing na ang demokrasya ay lalo lamang nagtataguyod ng pagiging mangmang ng masa Baron de Montesquieu ay nagsabing nakabase sa klima ang ugali ng tao o maaaring maka impluwensya ang klima sa kalikasan ng isang tao. Thomas Hobbes John Locke Jean Jacques Rousseau François Marie Arouet Baron De Montesquieu Mga puna sa Lipunan: Si Denis Diderot ay nagtipong ng lahat ng mahahalagang manunulat nna French sa panahon ng Enlightenment upang mag ambag sa encyclopedie. Naging patnugot ng Encyclopedie. Mga puna sa Lipunan: Encyclopedie Koleksiyon ng mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang tema , partikular sa agham at teknolohiya. Naging daan ito upang maipahayag ng mga batikang pilosopo ang kanilang puna at hinaing sa lipunan. Mga puna sa Lipunan: Cesare Bonesana Beccaria Tumuligsa sa parusang kamatayan sa kanyang akdang Of Crimes and punishment. Mga kaisipan ukol sa Edukasyon: Malaki ang ambag ni Jean Jacques Rousseau at John Locke sa ideya tungkol sa edukasyon. Tinalakay ni John Locke ay konsepto ng tabula rasa . Ipinihayagn ni Rousseau ay kanyang ideya tungkol sa edukasyon sa kanyang akda na Emile. Mga kaisipan ukol sa Edukasyon: An Essay Concerning Human Understanding ( 1690 ) Ayon dito, Ang utak ng tao ay parang blangkong papel na magkakaroon lamang ng laman sa pamamagitan ng paggamit ng limang pandama. Mga kaisipan ukol sa Edukasyon: Kung ang tao ay likas na mabuti , maari siyang maging masama kung hindi maayos ang pagpapalaki sa kanya,Mali ang edukasyon na nakukuha niya at hindi maayos ang pamumuno sa pamamahalaan. Mga kaisipan ukol sa Edukasyon: Emile ( 1762 ) Tinuligsa ang tradisyonal na ideya na ang edukasyon ay pagtuturo ng katotohanan ,ito ay pagpapalabas o pagpapalitaw ng ung anuman ang naroon na. Mga kababaihan sa panahon ng Enlightenment: Salon Tagpuan ng mga manunulat ,pilosopo at mga alagad ng sining upang magsagawa ng mga talakayang intelekwal o ipamalas ng galing sa sining. Mga kababaihan sa panahon ng Enlightenment: Si Mary Wollstonecraft ang tumalakay para sa karapatan ng mga kababaihan sa kanyang “A Valedication of the rights of Women” (1792). Sa kanyang akda sinasabing dapat magkaroon ang kababaihan ng karapatang bumoto at magkaroon ng posisyon sa pamahalaan. Itinuring siya bilang unang peminista o tagapagtaguyod ng pantay na karapatan sa pagitan ng lalaki at mga babae. Ang Panahon ng Enlightenment at ang Sining Hinikayat noong panahon ng Enlightenment ang muling pagbabalik sa istilong Greek at Roman at simula ng pagkakaroon ng interes sa ordinaryong mamamayan sa arkitektura ginamit ang neoclassical na isitilo. Pinahahalagahan ng mga alagad ng sining ng enlightenment ang pag gamit ng ideya sa katwiran at ang kanilang mga akda na sumasalamin sa ideya ng demokrasya. Si Haydn ay isa sa mga pangunahing kompositor sa klasikal sa panahon at itinuturing na “Ama ng Symphony” at “Ama ng String Quartet”. Ang Panahon ng Enlightenment at ang Sining Si Mozart ay bihasa sa halos na lahat ng uri at anyo ng musika,maging ito ay religious,hymns,chamber musics,solo piano,symphony o opera. Si Beethoven ay kompositor sa musikang klasikal. Itinuturing na isa siya sa mga pinakamagaling na kompositor at nagsilbing inspirasyon ng mga sumunod na musikero at kompositor Pamana ng rebolusyong siyentipiko at panahon ng enlightenment: Sa panahon ng Enlightenment,tinangka ng mga siyentipiko na ihayag sa mga katauhan ang ibig sabihin ng mga bagay sa paligid at sa daigdig. Nabuwag ng mga siyentipiko ang paniniwala na ipinalaganap ng Simbahan dati. Pamana ng rebolusyong siyentipiko at panahon ng enlightenment: Ang Robinson Crusoe (1719) ni Daniel Defoe at The Adventures of Nicolas Experience (1776) ni Ignacy Krasicki ang mga panitikang naisulat sa panahong ito. Higit sa lahat, ang panahon ng ito ang nagluwal sa “naliwanagang pamumuno” at sa dalawang dakilang republika ( France at U.S ) THANK YOU VERY MUCH 


Comments

Copyright © 2025 UPDOCS Inc.