Ang Plano Ng Dios Tungkol Sa Kaligtasan Nakasaad sa Bibliya na iisa lamang ang daan patungo sa langit Sinabi ni Hesus: “Ako ang daan,at ang katotohanan,at ang buhay:sinoman ay di makaparoroon as Ama,kundi as pamamagitan Ko.” (Juan 14:6) Ang mabubuting gawa ay hindi makakapagligtas sa iyo. “Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya;at ito’y hindi sa inyong sarili,ito’y kaloob ng Dios.Hindi sa pamamagitan ng mga gawa,upang ang sinoman ay huwag magmapuri.” (Efeso 2:8-9) Manampalataya ka sa Panginoong Hesu Kristo ngayon!Ito ang dapat mong gagawin: 1. Aminin mo na ikaw ay makasalanan. “Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga,at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios.” (Roma 3:23) “Kung sinasabi nating tayo’y hindi nangagkasala,ay ating ginagawang sinungaling Siya,at ang Kanyang Salita ay wala sa atin.” (I Juan 1:10) 2. Naisin mong iwan ang kasalanan (magsisi) “Sinasabi ko sa inyo,Hindi:datapwa’t,malibang kayo’y mangagsisi,ay mangamamatay kayong lahat.” (Lucas 13:5) “Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng Dios;datapwa’t ngayo’y ipinag-uutos Niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako.” (Mga Gawa 17:30) 3. Manampalataya ka na si Hesu Kristo ay namatay para sa iyo,inilibing,at nabuhay muli. “Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan,na ibinigay Niya ang Kanyang Bugtong na Anak,upang ang sinomang sa Kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak,kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16) “Datapwa’t ipinagtatagubilin ng Dios ang Kaniyang pag-ibig sa atin,na nang tayo’y mga makasalanan pa,si Kristo ay namatay dahil sa atin.” (Roma 5:8) “Sapagka’t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Hesus na Panginoon,at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay Siyang mag-uli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka.” (Roma 10:9) 4. Sa pamamagitan ng panalangin,anyayahan mo si Hesus sa iyong buhay upang maging iyong Panginoon at personal na manliligtas. “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid;at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.Sapagka’t ang lahat na nagsisitawag sa Pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.” (Roma 10:10,13) Panalangin para sa kaligtasan: Panginoong Hesus,naniniwala ako na Ikaw ay namatay upang ako ay matubos.Patawarin Mo ako sa aking mga kasalanan.Tinatanggap kita bilang aking Dios at Tagapagligtas.Mag hari Ka sa aking puso at patnubayan Mo ako sa tamang landas. “Datapwa’t ang lahat ng sa Kaniya’y nagsitanggap,ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios,sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa Kaniyang Pangalan.” (Juan 1:12) “Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Kristo,siya’y bagong nilalang:ang mga dating bagay ay nagsilipas na;narito,sila’y pawang naging mga bago.” (II Corinto 5:17) Kung tinanggap mo si Hesu Kristo bilang iyong Tagapagligtas,bilang Kristiyano kailangan mong: 1. Basahin ang iyong Bibliya araw-araw upang mas lalo mong makilala si Kristo. “Mag-aral kang masikap upang humarap na subok sa Dios,manggagawang walang anomang ikahihiya,na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.” (II Timoteo 2:15) “Ang Salita Mo’y ilawan sa aking mga paa at liwanag sa aking landas.” (Awit 119:105) 2. Makipag-usap sa Dios araw-araw sa pamamagitan ng pananalangin. “Ang lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin,na may pananampalataya,ay inyong tatanggapin.” ( Mateo 21:22) 3. Magpabautismo,makiisa sa pagpupuri sa Panginoon kasama ang mga kapatiran sa pananampalataya sa isang simbahan na nagtuturo ng buong katotohanan ng Dios. “Magsiyaon nga kayo,at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa,na sila’y inyong bautismuhan sa Pangalan ng Ama,ng Anak,at ng Espiritu Santo.” (Mateo 28:19) “Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon,na gaya ng ugali ng iba,kundi mangag-aralan sa isa’t isa;at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.” (Hebreo 10:25) 4. Ibahagi mo sa iba ang kaligtasan. “At sinabi Niya sa kanila,Magsiyaon kayo sa buong sanlibutan,at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng mga tao.” (Marcos 16:15) “Sapagka’t hindi ko ikinahihiya ang evangelio;sapagka’t siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa’t sumasampalataya.” (Roma 1:16) Kung nais mo pang matuto ng tungkol kay Hesu Kristo at nais mong magkaroon ng Bible Study sa inyong tahanan,ikinalulugod namin na kayo ay gabayan sa inyong paglagong espiritwal. Maari kayong dumalaw sa: Revelation Ministry Inc., Worship Center 196 J.P. Rizal St. Brgy 7,Mendez Cavite 4121 Philippines