PAGSULAT SA Iba’t-ibang disiplina PAGSULAT Ang pagsulat ay lundayan ng lahat ng iniisip, nadarama, nilalayon at pinapangarap ng tao dahil nakapaloob dito ang aspetong kognotibo, sosyolohikal, linggwistikal, atb. Ang pagsusulat ay isang prosesong sosyal o panlipunan at bunga ng interakayon ng taong sumulat ng taong tumanggap ng mensahe mula sa pinadalang tekstong isinulat. PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA Kahulugan at kalikasan ng pagbasa Ang pagsulat ay paraan ng interkomunikasyon ng tao sa pamamagitan ng arbitraryong simbulo na minamarkahan upang makabuo ng isang sistema. Maaaring makabuo ng isang sulatin sa pamamagitan ng masistemang paraan, maaaring sa sistemang limitado o sa sistemang buo at ang paraang ito ay magaganap sa pamamagitan ng pagpapahayg ng anumang koneptong nabubuo ng sumulat sa tulong ng wika . Dahil ang pagsulat ay isang sistema ng pakikipagtalastasan ng tao sa pamamagitan ng simbulong biswal o marka, maituturing na ang kaunaunahang antas ng pagsulat o pagmamarka ng mga bagay ay nagsimula sa mga unang panahon ng pagkakalikha ng mga tao. Magkagayunman, ang kaunaunahang sistema ng pagsulat na nalinang ay may 5,500 taon na ang nakaraan . SOSYO-KOGNOTIBONG PANANAW Ayon kay Royo (2001), malaki ang naitutulong ng pagsusulat sa paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, naipapahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsusulat, nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang tayog at lawak ng kanyang kaisipan at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan. Naniniwal si Hugney, (1983) na nakatutulong ang pagsusulat sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa lohikal na pagiisip, pagpapasya at paglutas ng suliranin. Napauunlad din nito ang iba pang mga kasaayang pang wika ng mga mag-aaral gay a ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng ng mahahalagang ditalye,pakikipagtalakayan, pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga datos. Iba-iba ang naging fokus ng pagtuturo ng pagsulat sa mga nakaraang panahon produkto, proseso, konteksto at kognitibo. Sa kasalukuyang pananaw, mapagsasama-sama at mapag-uugnay-ugay ang mga pananaw na ito tungo sa tinatawag na SOCIO COGNOTIVE THEORY ni Freeman(1987) o iyong tinatawag na sosyo-kognotibong teorya ng pagsulat. Iba-iba ang naging fokus ng pagtuturo ng pagsulat sa mga nakaraang panahon produkto, proseso, konteksto at kognitibo. Sa kasalukuyang pananaw, mapagsasama-sama at mapag-uugnay-ugay ang mga pananaw na ito tungo sa tinatawag na SOCIO COGNOTIVE THEORY ni Freeman(1987) o iyong tinatawag na sosyo-kognotibong teorya ng pagsulat. Ayon kay Lalunio (1990), isinasaad sa teoryang sosyo kognotibo na ang pagkatuto ay may batayang panglipunan at ito ay isang prosesong interaktibo. Nangangahulugan ito na ang kognisyon o pagunawa ay naaapektuhan ng maraming salik gaya ng iskema ng mga mag-aaral at ng konteksto. Naniniwala si Royo na ang pagkatutong sumulat ay hindi lamang aplikasyon ng mga natamong kasanayan kung hindi pagpasok sa isang diskursong pang komunidad. Nagpapahiwatig ito na sa silid aralan, higit na magkakaroon ng motibasyon ang mga mag-aaral na matutong sumulat kung may layunin ang mga gawain o alam ng mga mag-aaral kung bakit sila sumusulat, at kung sino ang kanilang target na mambabasa. Ang prosesong kognotibo sa pagsulat, sa makatuwid, ay nakaaapekto sa layunin at itsura ng mga gawain ng mga mag-aaral, ang kanilang gulang, katayuan sa buhay at kapaligirang sosyal at kultura. PAGSULAT BILANG MULTI-DIMENSYONAL NA PROSESO Ang pagsulat ay hindi hiwalay kundi kaugnay ng iba’t-ibang gawaing pangkomunikasyon, gaya ng pakikinig, pagsasalita at pagbasa. Samantala, integrayon at aplikasyon naman ang mga sangkap ng pagsulat ng komposisyon ang sinusunod ng mga naniniwala sa organisasyong GRAMMAR-SINTAX. Ito ay dahilang para sa kanila, ang pagsulat ay hindi binubuo ng magkakahiwalay na kasanayan. Ayon kay Smith (2001), sa nagdaang apatnapung taon, ang pagtuturo ng pagsulat ay nagsimula sa produkto patungo sa proseso. Ipinaliwanag naman ni Athur Applebee (1986) na ang pagtuturo ng pagssuulat noon ay “prescriptive and product-centered” na nagfocus ay wastong gamit ng mekeniks ng pagsulat sa moda ng diskurso(paglalahad, paglalarawan, eksposisyon, persuweyson at kung minsan ay patula). Noong nga taong 1970-1980, sinuportahan ng mga edukador, partikular na ang mga guro at manunulat ang prosesong pagdulog sa pagkatuto upang makasulat. Sa kasalukuyan, ang prosesong pagsulat ay maluwag na tinatanggap ng nakararami, kasama ng mga magkakaugnay na gawain gaya ng “brain storming”, pagsulat ng“journal”, kumperensyang guro / mag-aaral at focus sa maraming borador. Dahil ang pagsulat ay isang prosesong multi-dimensyonal, ito’y binubuo ng iba’t ibang elemento gaya ng iminodelo ni Villafuerte. EKSPRESIV- Ang pangunahing layunin niya sa pagsulat na maipahayag niya ang kanyang niloloob at nadarama. At dahil sa pagsulat ay isang paraan ng paghahatid o paglilipat ng impormassyon, ideya o kaalaman ng isang tao sa kanyang kapwa, may layuning maging “transakyonal” ang pagsulat ng manunulat. Nagsusulat sya para makipagtalastasan sa ibang tao , para maghatid ng mensahe o makipagpalitan ng mga ideya, inpormasyon at karanasan. May gusto siyang sabihin. May gusto siyang ibahagi sa kanyang mga mambabasa. At dahil sa pagsulat ay isang paraan ng paghahatid o paglilipat ng impormassyon, ideya o kaalaman ng isang tao sa kanyang kapwa, may layuning maging “transakyonal” ang pagsulat ng manunulat. Nagsusulat sya para makipagtalastasan sa ibang tao , para maghatid ng mensahe o makipagpalitan ng mga ideya, inpormasyon at karanasan. May gusto siyang sabihin. May gusto siyang ibahagi sa kanyang mga mambabasa. Transaksyonal na layunin ng pagsulat, dapat maisaalang-alang ang apat nitong katangian: 1. akto, kaganapan at kilos 2. Integral na elemento 3. nagbabago 4. kumikilos ang taong kasangkot Kabilang sa maituturing na transaksyonal na pagsulat ay ang ulat, liham pangalakal, memorandum, proposal adbertisment, plano ,atbp. MGA HAKBANG SA PAGSULAT 1.Paghahanda sa pagsulat-kailangan dumaan sa isang proseso ang baguhang mga manunulat upang makapaghanda siya sa kanyang susulatin, maging ito ay sulatin o teksto. a. Layunin sa pagsulat b. Ukol sa paksang susulatin c. Mahalaga ang diskusyon o pagpapalitan ng kaisipan d.Magkaroon ng direksyon sa pagsulat 2. Aktuwal na pagsulat a. Itsura at organisasyon o kaisahan. Ang intr0daksyon o panimula ng susulating teksto ay dapat na maging malinaw, organisado at lohikal b. Ang nilalaman ay kailangang tumutugon sa layunin ng pagsulat, sa paksa / tema at sa presentasyon ng datos. 3. Pageedit at pagrerebisaIpokus ng manunulat ang kanyang sulatin sa nga sumusunod: 1. Interes 2. Kaisahan 3. Paguugnay-ugnay MGA URI NG PAGSULAT 1. AKADEMIK Ang akademikong pagsulat ay yaong ginagamit sa mga kursong komposisyon o sa malikhaing pagsulat na kalimitan’y sariling opinyon, ideya o karanasang isinulat dito, bagama’t maituturig din itong akdemiko ang pagsulat ng reaksyon sa sinulat ng iba gaya ng pagsulat sa takdang aralin. Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. - kritikal na sanaysay - lab report- eksperimento - term paper o pamanahong papel 2. TEKNIKAL Ayon kay Ponciano B.P. Pineda , dating punong komisyoner ng komisyon sa Wikang Filpino (KWF), ang teknikal na Filipino ay isang linggwistikong phenomenon na sumibol sa puso ng baryedad ng wikang Filipino na lalong kilala sa tawag na “Taglish”. Ang wikang ito, ayon sa formulasyong kalalahad ay bunga ng isang komposisyong linggwistiko na sa kabuuan ay konsepto pa lamang. Idinagdag pa nyang ito’y hindi ebulusyon manapa’y isang natatangaing wikang may adoptibong vokabularyo. Ito’y binunuo ng syentifik / teknikal leksis batay ang English at ipinahahayag ng Filipino sa kapantayang subsyentifik at subteknikal. Anu pa’t ito’y pinaglakip na Tagalog at English na likha ng inhenyerong linggwistiko. 3. JORNALISTIK Ang dyaryo ay pahayagan , maging “broad sheet o tabloid” ay nagtataglay ng mga sulating iba sa nilalaman at paraan ng pagsulat ng mga sulating malikhain. Hindi mabubuo ang dyaryo o pahayagan kung walng balita, editoryal, lathalain, at iba pang sulating pampahayagan. 4. REFERENSYAL Sa pag-aaral at / o pananaliksik ay mahalagang makangalap ng mga datos mula sa iba’t ibang sanggunian bal do, masaklaw at efektibo ang isinusulat maging ito’y tisis o pamanahong papel. Bukod sa pagbasa sa nilalaman ng babasahing aklat, polyeto, brochure, magasin, dyaryo, atbp., mahalagang makapagtala muna ng listahan ng mga sangguniang gagamitin. Ex: Bibliography, index, note card 4.MALIKHAIN Ayon kay Genoveva Edroza Matute, kilalang manunulat ng literaturang Filipino, ang malikhaing pagsulat ay nagsisimula sa wala, patungo sa mayroon at patuloy sa pagunlad. Sa uring ito, masining ang paglalahad ng naisip o nadarama ng sumulat. Kalimitang ang pinagtutuunan ng pansin sa uring ito ay ang paglalarawan o paglalahad ng manunulat gamit ang salitang maituturing na masining at malikhain. Ex. - pagsulat ng tula -nobela - maikling katha-dula -sanaysay MGA BAHAGI NG TEKSTO 1.PANIMULA-Sa pagpili ng paksang susulatin ay dapat maisaalang-alang ng manunulat ang dalawang pangunahing pamatnubay na simulain: a) kawili-wili at (b) may sapat na malilikom na datos. 2.NILALAMAN: Itsura 3. WAKAS:Paglalagom at konklusyon Ang wika ay isang musika at ang musika raw ay buhay. Kung gayon, dahil sa ang wika ay mahalagang elemento ng musika, masasabi na ang wika ay ating buhay. Maraming mga awitin na pinagtutuunan ng pansin. Sa isang pangkaraniwang tagapakinig, maaring ang mga awiting ito ay isa lamang tagapaglibang. Maaari rin namang nakakaaiw at nakakaindak dahil sa ganda at bilis na tugtog. Sa kabila nito, ilan kaya ang makakapagsabi na “Napakaganda ng musika dahil sa taglay nitong wika?” Marahil ay may makakapuna subalit, nabibigyan nga kaya ng tunay na nagpapahalaga? Lohikal at Mapanghikayat na pagsulat Katangian: 1. May malinaw na kaisipan 2. Nililinang ang kasanayang metakognitibo 3. Nagagamit ang pagsulat sa pagpapaliwanag, paglalahad at pagsusuri. Ang Pagsulat ng Pangangatwiran Ang pangangatuwiran ay tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon. Ito ay sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang pagpapatunay na tinatanggap ng nakararami. Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang katotohanan Ito ay isa ring paraang ginagamit upang mabigyang katarungan ang mga opinyon at mapahayag ang mga opinyon ng iba. Paano ang pagsulat ng pangangatuwiran? 1. Ayon kay Villafuerte (2002) nakasalalay ang pangangatuwiran sa pagkaunawa at pagtanggap natin sa mga ideyang ating itinataya. Mayroon itong dalawang pangunahing elemento: Kombinasyon Perswasyon 2. Ayon kay Langan (1992) ang esensya ng mahusay na pagsulat ng pangangatuwiran ay: Gagawing punto Sumusuportang punto Bilang mambabas ng pangangatuwiran ay mahalagang makilala ang punto at makilala ang sumusuportang punto. 3. Gawing malinaw ang ihahaing mga punto at tiyaking may sapat na ebidensyang maipakikita na magbibigay suporta sa susulating pyesa. Paglalatag ng Ebidensya Mahalagang makapaglatag ng mga ebidensya ang sumusulat ng pangangatuwiran. Paggamit ng opinyon -Sa pagsulat ng pangangatuwiran, mahalaga ang paglalatag ng isang ideya. Isang mabisang salik ang pangangatwiran upang mabigyangkatarungan ang mga opinyon at maipahayag ang mga opinyong ito. Lohikal na Pangangatwiran (pasaklaw/pabuod)-Ang pangangatwiran ay anyo ng komunikasyong instrumental at ebidensyang nakaiimpluwensya sa ibang tao. Pasaklaw na Lohikal- nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Tuntunin: Sa pagpili ng mga mambibigkas sa sabayang pagbigkas, dapat makabuo ng isang koro ang tagapagsanay. Halimbawa: Nakasalalay sa dalawang uri ng tinig ang pipiliing mga mambibigkas: Mataas/matinis Karaniwan/mababa Lihis na Pangangatwiran (Falasi)-Mahalagang maisaalang-alang dito hindi lamang ang mga ebidensyang nangalap kundi mahalaga rin masusi kung wasto, kongreto at malinaw ang kanyang pangangatwiran. Hulwaran ng mga organisasyon ng teksto Kahulugan (Definisyon) -isang uri ng diskursong ekspositori na pinaka madalas gamitin. -maaring maibigay ang kahulugan na isang bagay o salita sa tulong ng ibang salitang kasing kahulugan nito. -maari ring magbigay kahulagan sa isang salita tulad ng una, ibibigayang pangkat na kinabibilangan nito at pangalawa ang ikinaiiba nito sa mga kasamahan sa pangkat na kinabibilingan, maari ring sundan ito ng mga halimbawa. -sa pagbibigay ng definisyon, tinatalakay din ang isang bagay o paksa kasama ang mga pagkakatulad o pagkakaiba nito sa ibang bagay. -maaring ito ay pormal o di-pormal 1. Pormal o Maanyo – kapapansinan ng tatlong bahagi. a. salita o katawan (term) b. pangkat na kinabibilangan o kaurian (genre) c. kaibahan (difference) Halimbawa: Ang kasal (salita) ay isang sakramentong (kaurian) nagbubuklod sa dalawang pusong nagmamahalan.(kaibahan) 2. Di- Pormal o Malaya -nagbibigay kahulagan sa paggamit ng mga salitang nakapukaw ng damdamin at hindi tuwirang sumusunod sa kaayusan ng pangungusap sa pormal na pamamaraan. Halimbawa: Ang kasal ay bunga ng pagmamahalan ng dalawang pusong umiibig sa isa’t-isa na dumaan sa maraming oras ng pagliligawan bilang panagko ng lalake sa babae. *Dalawang dimensyon ng definisyon. 1. Denotasyon – karaniwang kahulugang dala ng diksyunaryo o salitang ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag. 2. Konotasyon – di tuwiran ang kahulugan, nagkakaroon ng ikalawang kahulugan ang salita o pahayag. Sinasabi rin ito ay pansariling kahulugan ng isang tao. Hal: Berde ang utak niya. Pag iisa-isa (Enumerasyon) -Pag aaus ng mga detalye ayon sa pagkakasunod-sunod mula sa hanggang huli -kailangan, tiyakin kung dapat na magkakasunod ayon sa inilalahad na aytem o maaari na mang hindi magkakasunod sapagkat hindi naman ito isang proseso. Pagsusunod - sunod - Sa hulwarang ito ng mga organisasyon ng teksto, nagbibigay ng pagtataya o ebalwasyon ng isang mambabasa kung alam niya kung papaano pagsusunod sunurin ang mahalagang pangyayari. Tatlong uri ng pagsusunod sunod: 1. Sekwensyal 2. Kronolohikal 3. Prosejural 1.Sekwensyal- pag susunod-sunod ng mga pangayayri sa isang kwento, nobela, talambuhay, dula, balita at iba pa na hahantong sa isang kongklusyon. Karaniwang ginagamit ito ng mga salitang una, pangalawa, pangatlo, susunod at iba pa. 2. Kronolohikal - pagsusunod – sunod ng mahahalagang impormasyon at mahalagang pangyayari ayon sa kung kailan nangyari ito.. karaniwang ito ay may petsa gaya ng tiyak na araw o taon upang malaman kung kailan nangyari ang kasaysayan. 3. Prosejural - ang pagsusunod-sunod ay prosejural kung may hakbang o prosesong isinasagawa. Maari ito ay kung paano gawin ang isang bagay, pagluluto at pagsunod sa direkyon. Paghahambing at Pagkokontras - ginamit sa pagpapahayg, mga kahigitan o kalamangan ng isang bagay sa iba ang hulwarang paghahambing at pagkokontras..sa hulwarang ito, maaring gumamit ng mga graphic organizer tulad ng Venn Diagram at payak na habi. Problema at Solusyon - isang normal na pangyayari ang pagkakaroon ng problema sa buhay at kasunod naman ng pagbibigay dito ng solusyon. Sa isang tekstong binasa lalo na’t kung ito ay akdang pampanitikan, umiikot ang kwento sa tinatawag na tungkulin o suliranin patungo sa resulosyon o kakalasan kung saan binibgyan ng kalutasan ay naging problema sa kwento.- ang resolusyon ang elementong nagbibigay ng kalutasan sa problema o suliranin ng isang kwento. Sanhi at Bunga - ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaring humantong sa isang bunga.- may mha palatandaang salita na dapat alamin sa mga pangungusap / pahayag ng sanhi at bunga. Ang mga salitang ito ay ang kaya, dahil sa, nang, buhat, at iba pa. Mga kasanayan sa akademikong pagbasa 1. Pag-uuri ng mga ideya / detalye Ang ideya ay ang kaisipan na nalilinang sa talata. Ito ang nagsasabi kung ano ang pangunahing kaisipan na inihahatid ng talata. Karaniwan na ang pangunahing ideya ay tuwirang inilalahad sa pamaksang pangugusap na maaring matagpuan sa simula, gitna o huling bahagi ng talata. May mga pagkakataon naman na ang pangunahing ideya ay hindi tuwirang’nakalahad sa talata.Samantalang ang detalye naman ang sumusuporta sa pangunahing ideya upang lubusang maunawaan ang talata. Ayon kay Badayos(2000), mahalaga ang pagkilala at pag unawa sa mga detalyeng nagbibigay ng suporta sa pangunahing ideya sapagkat : 1. Ito ay susi sa lubusang pag-unawa ng pangunahing ideya. 2. Nakakatulong ang mga pansuportang detalye para madaling matandaan ang mahahalagang impormasyon sa isang talata. 3. Ang pagtukoy sa mga pansuportang detalye ay makakatulong din upang maunawaan ang pagkakabuo ng isang talata. 4. Ang ilang mga katanungan sa mga pagsusulit ay karaniwang nakabatay sa mga pangunahing detalye. 2.Pagtukoy sa Layunin ng Teksto Tumutukoy ang layunin ng teksto sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa kanyang mambabasa. -Makikita mo ito sa mga salitang ginagamit sa teksto at sa paraan ng pagkakaorganisa nito. -Ito ay maaring manlibang, manghikayat, magpaliwanag, magbigay ng impormasyon, magbigay ng kuro-kuro. Magturo ng isang paraan, magtanggol sa isang paniniwala, magbigay ng katotohanan, magpakilala ng kaugalian, kultura at iba pa. 3.Pagkilala sa pagkakaiba ng opinyon sa katotohanan Katotohanan - Patotoo sa isang bagay. Mapatunayan ito sa pamamagitan ng pagsusuri at paghahambing sa mga karanasan o pangyayari sa paligid Opinyon -Isang kuro o hakang personal. Sariling paniniwala ng isang tao tungkol sa isang bagay. Kaya’t walang maling opinyon. Maari itong ibatay sa isang katotohanan o karanasan. 4. Pagtukoy sa Hulwaran ng Organisasyon Ayon kay Badayos (2000), ang hulwaran o istilo sa pagsulat ay isang sistema o kaparaanan kung paano binubuo at inilalahad ng awtor ang mga impormasyon o ideya sa mga teksto o babasahin. Kahalagahan ng Hulwaran ng orginasasyon sa Mambabasa 1. Nasusuri agad ng mambabasa kung anong impormasyon ang maaring kasunod na ilalahad ng awtor. 2. Nakapagbibigay ng prediksyon sa babasahing teksto at maaring matiyak kung tama o mali ang prediksyon. 3. Ang pagkilala sa mga hulwaran ay makakatulong sa lubusang pag-unawa ng isang teksto. 4. Ang mga impormasyong inilahad sa isang sistematikong paraan ng pagbubuo ay madaling matandaan o maalala. 5. Nakakatulong din sa mambabasa upang maalala ang mga impormasyong nabasa. 6. Higit sa lahat, di magtatagal matutuklasan ng isang tagabasa na nagagawa na rin niyang tularan o gayahin ang hulwaran ng organisasyon o istilo ng isang awtor sa kanyang isinusulat. 5. Pagsusuri kung Valid o hindi ang Ideya o pananaw --May pagkakataon na nagkakaroon ng kontradiksyon ang mga ideyang alam na ng mambabasa sa mga ideya na kanya pa lamang babasahin.Sa puntong ito, dapat na linangin ang kasanayang pagsusuri kung valid o hindi ang isang ideya o pananaw. -Paano ba gawin ang pagsusuri ??--Una tignan kaagad kung anu ang kaugnayan ng pamagat sa mga bahagi ng binabasang teksto. May kaugnayan ba ito sa panimula, gitna o pangwakas na bahagi ng teksto.Ikalawa, upang mabago ang istilo ng paglalahad, may isiningit bang pahayag na makapagpapalito sa pag-unawa ng mambabasa. Ikatlo, bagama’t ang mga ideya o pananaw ay itinuturing na walang mali, may mga batayan ba na naging daan upang ipahayag ang ideya o pananaw. Halimbawa, sinong tao ang nagsabi ? Saan kinuha ang istadistika? Ibig lamang sabihin, gano katotoo ang mga ginamit na batayan. Ayon kay Rufino Alejandro, may ilang paraan upang matukoy ang dapat na nilalaman ng isang teksto. makakatulong ang mga paraang ito upang masuri kung valid o hindi ang ideya o paniniwala sa tekstong binasa. 1. Paliwanag. Ito’y isang paglalahad ng kaugnayan ng mga bagay sa kabuuan o paglinaw sa kahulugan ng isang pananalita o ng isang bagay. 2. Paghahambing o pagtutulad. Dito’y ipinakikilala ang mga pagkakahawig ng isang bagay na kilala na o mauunawaan at pinaniniwalaan. Ang buong layunin ay naging malinaw sa pang-unawa ng bumabasa ang mga ideya. Datapuwa’t ang paghahambing upang maging mabisa bilang patotoo ay dapat magkaroon ng matitibay na batayan. 3. Paghahalimbawa. Ito’y parang pagkukwento. Dalawa ang uri nito ang halimbawang palagay lamang at halimbawang hango sa tunay na pangyayari. Mangyari pa, itong huli ang higit na mabisa. 4. Pagbanggit sa mga tunay na pangyayari. Ang mga ito ay hindi na ikinukwento, sapat na ang banggitin na lamang. 5. Istadistika. Sa paggamit ng istadistika, tiyaking ang mga numero o bilang na gagamitin ay may mahalagang kaugnayan sa kaisipang pinatibayan o may tiyak na kahulugang ipinakikilala. 6. Pag hihinuha at paghula sa kalabasan ng pangyayari Ano nga ba ang paghinuha ?-Ito ay kakayahang maipaliwanag o mabigyang-kahulugan sa tulong ng mga pahiwatig (clues) o ng sariling kaalaman ang pangyayari sa kwentong binasa. Paano naman ito naiiba o natutulad sa paghula ?--ang paghula o prediksyon ay kasanayang ang layon ay hulaan ang ilang pangyayari o maaring kalalabasan ng isang kwento. Malaya ang mambabasa na hulaan ang maaring mangyari sa tauhan ng kwento o daloy nito o kaya nama’y ang pagwawakas ng isang kwento. 7. Pagbuo ng lagom at konklusyon -Ang lagom o buod ay pinakapayak o pinakasimpleng anyo ng paglalahad o diskurso. Ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng lagom/buod. 1. Basahin munang mabuti ang buong akda upang makuha at maunawaan mabuti ang mga panggitnang kaisipan. 2. Hanapin din ang pangunahing kaisipan at pamuno o katulong na kaisipan. 3. Malaya. Nakakatayo sa kanyang sarili at taglay lamang ang pangunahing ideya o kaisipan ng orihinal na teksto. 4. Matapat na kaisipan. Malinaw na matutunghayan dito ang intensyon o hangarin na awtor. 5. Konklusyon - Mahalaga ang komprehensyon o pag-unawa para makabuo ng isang konklusyon sa isang seleksyon o akdang binasa.Ang konklusyon ay ang paglalagom at pagbibigay-diin sa mga ideya na inilahad sa kabuuan ng teksto. 6. Pagbibigay ng interpretasyon sa mapa, tsart, grap at talahanayan. -Malaki ang naitutulong ng mapa, tsart, grap at talahanayan upang makatawag pansin sa mag detalyeng ibig bigyang diin sa nabasa, narinig at namasid. Ang mga impormasyong ibinibigay ng mga grapikong larawan ay karaniwang sa maikling talata. Para sa mabisang pagbuo bg paglalahat ng mga grapikong larawang ito, maaring tandaan ang mga sumusunod: 1. Pag-aralang mabuti ang nakalarawan sa tsart, mapa, tlahanayan o grap. 2. Bigyang-pansin ang nilalamang impormasyon sa tsart at grap. Sa mapa naman ay pag-aralang mabuti ang direksyon o lugar na katatagpuan ng mga lalawigan, o bayan. Mapa-Malawak ang impormasyong ibinibigay ng mapa. Ipinapakita nito ang hugis at nilalaman sa loob at paligid ng isang lugar, saklaw at ayos nitong pook, bayan, lalawigan, bansa o maging sandaigdigan. Tsart -Ipinapakita sa tsart ang dami ng hanay ayon sa impormasyong ininigay o hinihingi. Talahanayan -Sa garpikong ito, inilalahaf ang datos na tabular ang anyo. Sistematikong inilalagay sa mga hanay at kolum ang mga nilikom na datos. Grap -Maraming klase ang grap. May pie o circle grap,bar grap at pictograp. Bar grap -nagpapakita ng iba’t ibang kantidad sa pamamagitan ng haba ng bar. Pictograp -Tunay na larawan ang ginagamit sa pictograp upanh ipahayag ang mga datos. ‘Mga Bahagi ng teksto’ Panimula: Paksa at Tesis Sa pagpili ng paksang susulatin ay dapat maisaalang-alang ng manunulat ang dalawang pangunahing pamatnubay na simulain a.) kawili-wili b.) may sapat na malilikom na datos Kapag sa palagay ng manunulat ay kawili-wili ang paksa na kanyang susulatin at marami na ring datos ang kanyang nakakalap , pwede na siyang gumwa ng panimula gaya nito: Nilalaman:Istruktura BATAYANG KONSEPTUWAL NG PAG-AARAL Layunin ng pag-aaral -> ang pag-aaral na ito ay nauukol sa wikang ginagamit sa kontemporaryo at tradisyunal na musika .Layunin din ng pag-aaral na ito na matuklasan ang wikamg ginagamit sa mga awiting Filipino at pati na rin ang mga kahulugan nito. -> sa pagkakataon ring ito maihahambing ang pagkakaiba ng kontemporaryong musika sa tradisyunal na mga gawain . Kahalagahan ng pag-aaral -> sa pamamagitan ng pag-aaral nito , mabubuksan ang isipan ng mga mambabasa sa epektong dulot ng pagbabago sa wika ng mga awiting Filipino. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral -> sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa mga awitin sa bagong panahon .Naging fokus ng pag-aaral ang mga musikang nagtataglay ng mga salitang makabago at ang kahulugan ng mga ito. Katuturan ng mga katawagan 1.Awiting Bayan (folksong) 2.Kontemporaryong Awiting pilipino 3.Pinoy Pop (Popular) 4.Kultura- salamin ng kaugalian at paniniwala at damdamin ng mga tao sa isang lugar. “PAMAMARAANG GINAMIT AT PINAGKUNAN NG DATOS “ Sa pananaliksik na ito, ginamit ang deskriptibong paglalarawan ng mga datos .Nagsagawa rin ng impormal na interbyu ang mga mananaliksik ng mga datos sa ilang mga kabataan .Ginamit din nila ang “internet” sa pag-aaral. _” PAGHAHAMBING NG MGA AWIT ”_ Ang mga awitin ,moderno man o hindi , ay nahahati pa rin sa iba’t ibang kategorya at may layunin . Ito’t maaaring nangangaral,nanunudyo,naglalarawan o nanlilibang… Kontemporaryo Tradisyunal Cool ka lang (Prettier than pink) Anak (freddie Aguilar) Buhol-buhol ang traffic Nagdaan pa ang mga araw Kinat ka pa ng jeep At ang landas mo’y naligaw Minura pa ng driver Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo Ang ulo’y umiinit At ang una mong nilapitan Kumukulo na ang dugo mo Ang iyong inang lumuluha Kaya’t sundan mo aking payo At ang tanong “anak, ba’t ka nagkaganyan? Problema’y lilipasna lang “Mga kasanayan sa akademikong pagsulat” Pagbuo ng konseptong papel ->ayon kay Badayos(2000). Ang konseptong papel ay isang paglalagom ng kabuuang ideya o kaisipan na tumatalakay sa ibig tuklasin , linawin o tukuyin.Ito ang makatutugon sa mga tanong na anu,bakit, at paano. "Katangian at simulain" Ang konseptong papel ay mahalagang bahagi ng proseso sa paglalapat o aplikasyon upang mautuhan ang mga saklaw na programa ng mga pangunahing interes ng isang aplikante, at mapalawak ang kanyang napapanahong ideya. Ang konseptong papel ay dapat magtaglay na mga sumusunod; 1.)Pabalat- ito ay naglalaman ng ….. a.) pamagat na naglalarawan ng ipanukalang proyekyo. b.) Pangalan at adres ng organisasyon – o indibidwal na nagsumite ng papel, c.) Pangalan ,titulo,adres, bilang ng telepono ng taong makapagbibigay ng informasyon tungkol sa papel , d.) Pangalan o bilang ng ipinagkaloob na programa , e.) Estimang haba ng ipinanukalng proyekto , f.) at petsang sisimulan ang proyekto. 2.) Narativ ng programa – mailkli lamang ang nakapaloob na narativ sa konseptong papel; at kung pwede hindi ito lalagpas ng 8 ½ x 11 ang pagkakalimbag sa bawat letra o bilang .Sa bandang ito dapat ay ilahad ng sumulat ang ….. a.) ang dahilan ng isasagawang proyekto at ang mga benefisyong maibibigay nito sa kinauukulan, b.) ang mga hakbang na isasagawa , kung maipagkakaloob ang hinihinging panukalang proyekto, c.) ang epekto at kalidad ng proyekto d.) at ang magiging resulta nito. 3.) Bajet / Budyet - nakapaloob dito sa bajet ang ilang informasyon kabilang ang personal na serbisyo,benefisyong salapi at di salapi. 4.) Liham ng pagsuporta - nakasaad dito ang liham na humihingi ng suporta sa iba’t ibang ahensya na makatutulong sa pagtatagumpay ng panukalang proyekto. 5.) Limitasyon ng pahina - kung hindi rin lang mahalaga o kailangan sa liham ang isang impormasyong nakalap, mas makabubuting wag na lang isama sa konseptong papel. "Bahagi" Sa ibang aklat ay isinasaad na ganito ang dapat na maging bahagi ng konseptong papel: 1.) Rasyunal - sa bahaging ito ay inilalahad ang kaligiran o pinagmulan ng ideya kung bakit pinili ang isang partikular na paksa. hal. Hinihingi ng nirestrukturang kurilulum sa batayang edukasyon ang higit na pag-bibigay tuon sa paglinang ng mga kasanayan at kakayahang makatutulong sa mga mag-aaral upang higit na maging produktibng indibidwal at magkaroon ng masaya at makahulugang buhay sa hinaharap. Matutukoy mo ba ang piniling Ideya ? 2.) Layunin – nakapaloob dito ang dahilan ng pananaliksik o kung anu ang gustong matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa piniling paksa .Ito ay pwedeng …. Panlahat na layunin = ito ay nagpapahayg ng kabuuang layon o nais matamo , sa pananaliksik . Tiyak na layunin = ay nagpapahayag ng partikular na pakay sa pananaliksik sa paksa . Sa aklat nina Price at Nelson (1999) ay naglahd sila ng (5) paksang maaaring maisulat sa konseptong papel; A. kahulugan ng konsepto B. talaan ng mga kritikal na atribyuts na mapagkikilanlanbilang larawan o katangian. C. talaan ng di-kritikal na atribyuts. D. talaan ng mga halimbawa E.talaan ng walang mga halimbawa. "Pagbabalangkas" -- Sa isang mag-aaral ,lalo’t sa panahon ng kanyang pananaliksik ay kailangang gumugol siya ng mahabang oras ng pagsulat . Para mapadali o mapabilis ang kanyang pagtala sa mga detalyadong pangyayari ,kailangan niyang magbalangkas. Uri at katangian Ang pagbabalangkas ay ang pagsasaayos ng mga ideyang nakalap mula sa inisyal na naghahanap ng datos. Sa simpleng salita, ang balangkas ay larawan ng pangkalahatang hakbang. May iba’t ibang uri ng balangkas ; a.) Pamaksang Balangkas - sa uring ito ,ang pang-ulong pamagat ay mga pangalan o mga salitang ginagamit na pangalan. hal. Ang telebisyon ;midyum sa bagong milenyo a.) Ang kahinaan ng programang pantelebisyon . b.)Ang pagsasabatas ng mga programang pantelebisyon. b. ) Pangungusap na Balangkas – sa uring ito ,ang pang-ulong pamagat ay buong pangungusap.Dahil buo ang diwa ng isang pangungusap kung kaya’t higit na maraming impormasyong makukuha rito. hal. Mahalaga ang buhay ng tao kayat dapat na mag-ingat lalo na sa panahon ng bagy a.)maging mahinahon sa lahat ng oras b.)makinig sa radio o manood ng telebison para sa mga babala. c.) iwasan ang paglabas ng bahay o pamamasyal sa ilog,dalampasigan o baybaying dagat. d.) tanggalin sa mga saksakan ang mga dekoryenteng Kasangkapan. “Pananaliksik” Ang lahat ng nakikita at nararanasan nating pagbabago o pag-unlad sa kasalukuyan ay bunga ng walang hanggang pananaliksik. Sa panahon ng informasyon, higit sa anupamang panahon, ang pananaliksik ang maituturing na pinakamahalagan kasangkapan na dapat matutuhan ng kahit na sinumang mag-aaral para mapaunlad ang sarili tungo sa anumang propesyong kanyang hinahangad. Marami ang patunay na sa tulong nang malawakang pananaliksik, nagkaroon ng kabuluhan ang maraming bagay sa buong mundo… -Lumago ang kabuhayan -kalakalan -bumilis ang takbo ng buh -paggamit ng makabagong teknolohiya -teknolohiya na nagpalapit sa mga tao san mang parte nang mundo.(internet) -gumaan ang gawain ng mga tao sa mundo -lumakas ang agrikultura -lumakas ang industriya .. Ang lahat ng ito’y bunga ng PANANALIKSIK.. -Ang pananaliksik ay isang pang-akademikong gawain. Ito ay maaring pang indibidwal at panggrupong Gawain na nangangailangan ng ibayong kasanayan, tiyaga, sipag at disiplina. Samakatuwid, kailangan munang maunawaan ang mga batayang kaalaman sa pananaliksik upang higit na maging kapakipakinabangan ang pag-unawa sa mga kursong pandisiplina na may kaugnayan sa tutuklasing mga paksa, datos o metodohiya. PANANALIKSIK: Katuturan, Katangian at Layunin Katuturan Ang pananaliksik ay pagtuklas ng isang teorya, pagsubok sa teoryang iyon at paglutas sa isang suliranin. Ito ay isang masusing pagsisiyasatat pagsusuri sa mga ideya, konseptobagay,, isyu, tao at iba pang nais bigyang linaw, patunayan o pasubalian Ayon kay Good -- Ang pananaliksik ay: -isang maingat –mapanuri -didisiplinadong pamamaraan Sa kaliwanagan o kalutasan ng suliranin Ayon kay Parel --Ang pananaliksik ay:-sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat tungkol sa isang bagay sa layuning sagutin ang ilang katanungan ng pananaliksik. Ayon kina Treece at Truce -- Ang pananaliksik ay:-pagtatangkang makakuha ng kalutasan sa mga suliranin. Kung susuriin ang maga pinahayag ng mga mananaliksik, maaaring buudin ito sa mga sumusunod na kategorya: -MAINGAT-MASUSI-SISTEMATIKO-MAPANURI-TIYAK-KONTROLADO Katangian Ang pananaliksik tulad ng nabanggit na ay isang kursong akademiko at nangangailangan ng ibayong paghahanda upang maisagawa nang maayos, sistematiko at epektibo ang hinaharap na kalutasan sa isang suliranin o paksa. Upang maisakatuparan ang hangaring ito, ang pananaliksik ay kinakailangang: - OBHEKTIBO, isang maka agham na pamamaraan na kung saan lahat ng mga hakbang ay nakaplano. MAYAMAN SA MGA GIANAGAMIT NA DATOS- iba’t ibang reference/sanggunian ANGKOP NA PAMAMARAAN O METODOLOHIYA- sa bahaging ito ipinaliliwanag ang partikular na instrumentong ginamit na makakatulong sa ikahuhusay ng sulating pananaliksik. DOKUMENTADO- ang mga patotoo at ang validiti ng sulating pananaliksik SUMUSUNOD SA TAMANG PROSESO NG PAGSULAT- ang sistimatekong pananaliksik ay dumaraan sa masalimuot na yugto ng pagsulat: -Nagsisimula sa pagtukoy ng suliranin -Pag-uugnay ng suliranin sa mga umiiral na teorya -Pagbuo ng mga konklusyon at rekomendasyo MASURI O KRITIKAL- Magiging balido lamang ang isang pananaliksik kung ang mga inilahad na ideya ay mapapanaligan at mapapatotohanan sa tulong ng mga ginamit na datos. Layunin: Sa tulong ng mga gawaing pananaliksik, higit na lumalawak ang kakayahan at kasanayan ng tao upang magamit ang kanyang mga natutuhan sa isang makabuluhang pag-aaral. -Higit pa sa anupaman, ang gawaing pananaliksik ay nakatutulong sa mga mag-aaral na: 1. Makatuklas ng mga bagong ideya, konsepto at impormasyon. 2. Makapagbigay ng bagong interpretasyon o pagpapakahulugan sa dating ideya. 3. Makapaglinaw sa isang usapin o isyung pinagtatalunan at tuloy makapagbigay ng inaakalang solusyon sa problema. 4. Makapagpatotoo o makapangatwiran sa tulong ng mga mapapanaligang mga materyales o dokumento hinggil sa mga paksang nangagailangan ng paglilinaw. 5.Makapagbigay ng mga ideya o suhestiyon batay sa historical na perspiktibo para sa isang pangyayari o senaryo. Halimbawa,ang pagtatalakay sa ibubunga ng kung sakaling magpalit ng porma ng gobyerno mula sa presidensyal tungo sa parlimentaryo or bise bersa (vise versa). Ang Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik Ang pananaliksik ay isang unibersal na gawain. Hindi ito kailangang mahadlangan ng anumang wikang magpapahina sa hangaring makatulong sa pagpapaunlad ng kaalaman at kamalayan ng sangkatauhan. Subalit anumang Gawain ay lagging may kaakibat na tungkulin at responsibilidad. May mga pagpapahalaga at konsiderasyong dapat malaman at mabigyang halaga ng mananaliksik. - Pagkamatiyaga - Pagkamaparaan - Pagkamasistema sa Gawain- Pagkamaingat - Pagkamapanuri o kritikal - Pagkamatapat - Maging Responsable Simulain sa Pagbabalangkas • Malaki ang naitutulong ng pagbabalangkas upang maliwanagan ang kabuuan ng binasa. • Ang mga pangunahing kaisipan at mga detalye ng balangkas ay maaring ilahad sa anyong parirala o sa anyong pangungusap. Hakbang ng pagbabalangkas Limang hakbang ang dapat maisagawa sa pagbabalangkas ayon kay Badayos(2001) 1. Ayusin ang tesis na pangungusap o pahayag. Ang tesis na pangungusap ang pinakabuod na nagpapahayag ng kabuuan ng ideya. Ito ang magiging gabay sa pagbuo ng buong balangkas. 2. Ilista ang mga susing ideya na nakapaloob sa tesis na pangungusap. Ang susing ideya ay ang salitang “May laman” sa isang pahayag, gaya ng mga konsepto, teorya, katawagan at iba pa. 3. Tiyakin kong paano ilalahad ng maayos ang mga ideya. May iba’t ibang paraan ng paglalahad ng mga ideya para sa isang balangkas. Nasa mananaliksik ang kapasiyahan kung anong karapat-dapat na paraan ng paglalahad batay sa mga materyal at mga paksa. Ang pag-aayos ay maaring kronolohikal, heyograpikal atb. 4. Pagpasiyahan ang uri o libel ng nagbabalangkas. Balikang basahin ang dalawang pangkalahatang uri ng pagbabalangkas para sa pananaliksik sa nakaraang aralin. Ang balangkas sa paksa at balangkas sa pangungusap. 5. Iayos ang porma. May mga panandang ginamit sa nag-aayos ng mga nilalaman ng balangkas. Katunayan, may dalawang pormat ang balangkas; Ang pormat na desimal at ang pormat na may magkahalong bilang at letra. Kronolohikal: Ang sining ng pagsasaling-wika Katuturan ng Pagsasaling-wika 1. Ang pagsasaling wika ay isang paraan ng pagpapalit ng diwang inihahayag sa isang wika ng katapat na diwa sa ibang wika. 2. Ang pagsasaling wika ay paglalahad ng ibang wika ng katumbas na kahulugan sa isang wika. 3. Ang pagsasaling wika ay isang sining ng pagpapahayag ng isang orihinal na akda nang hindi nagbabago ang diwa at kaisipang ipinahahayag nito tungo sa ilang wika. Apat na kategorya ng pagsasalin 1. Saling nagbibigay ng kabatiran gaya ng anunsyo, patalastas at paunawa. 2. Saling sapat o yaong saling halos hindi mapagpasyahan para sa karaniwang mambabasa. 3. Saliw na sumasaklaw sa iba’t-ibang porma gaya ng tuluyan sa tula, tula sa tuluyan, tula sa tula. Atbp. 4. Saling syentipiko o teknikal. Pag-aayos ng mga datos Konsiderayson sa pangangalap at pag-gamit ng mga datos. Karamihan sa mga proyektong naisusulat o pag-aaral na bunga ng pananaliksik ay tao ang malimit gamitin paksa. Dahil dito, kung gagamit ng tao ang mananaliksik para makakuha o maka-ngalap ng mahahalagang informasyon ay dapat siyang makapaghanda ng mga tanong para sa kanyang isasagawang pag-aaral. Ngunit bago siya maghanda ng mga tanong ay dapat tanunging muna niya ang kanyang sarili. 1. Ano ang layunin ng aking pag-aaral? 2. Ano ang inaasahan kong matutuklasan sa aking pag-aaral? 3. Gaano kalaki ang kapakinabangang makukuha ko sa aking pag-aaral? Direktang sipi Sa pagbasa ng artikulo, kailangan maging alerto ang mag-aaral para sa mga direktong sipi (quotations) na magiging makabuluhan sa paghahanda ng babasahing literatura para sa tesis o ano mang uri ng isasagawang pananaliksik. Kung gagamit ng direktang sipi, ang materyal na sisipiin ay dapat maging malinaw, may mga bantas at ang pahina na pinagkunan ng sipi. May tatlong layunin ang pag-gamit ng mga direktang sipi. 1. Makapaghatid ng informasyon. 2. Mapatunayan ang puntong nilalahad sa pamamagitan ng pag-gamit ng mga salitang nagmula sa may awtoridad. 3. Mapasimulan ang diskosyon sa pamamagitan ng paglalabas ng mga kaispiang nakakatulad o naiiba sa siniping informasyon. Sinopsis(buod) Napakahalaga ng pagsulat ng buod sa alinmang isinasagawang pag-aaral o pananaliksik. Ang mga paraan sa pagsulat ng sinopsis o buod ay ang mga sumusunod: 1. Tiyaking nabasa nang buod ang tekstong lalapatan ng buod. 2. Itala ang mahahalagang detalye. i-highlight ang mga ito o gumawa ng sariling pagmamarka sa mga ito sa pamamagitan ng pagsulat sa mga palugit(margins). 3. Isulat ang sariling pangungusap ang mga naitalang detalye. 4. Isulat ang unang draft rebisahin pagkatapos mabasa ng makailang ulit, at muling sulatin sa malinis na papel. 5. Isulat ang pangwakas na draft. Presi (Precis) Itinuturing ding isang bersyon ng pinakamaikling sinopsis o buod ang presi o precis, bagamat bihira itong gamitin at isama sa pag-aaral ng wika. Higit na gamitin ang paggawa ng sinopsis o buod sa loob at labas ng klasrum kaysa sa (precis). Parapreys(hawig) Ayon kay Sternglass(1991), ang parapreys ay pagsasabing muli ng informasyong naitala ng mananaliksik mula sa pinanggalingang sanggunian na gamit sa kanyang sariling pangungusap. Para naman kay Spatt(1987), ito’y punto-sa-puntong pagbubuod ng ideya ng ibang tao na ipinapahayag ang sariling pangungusap. Ayon naman kay Larkin(1985), sa pagpaparapreys ay dapat maging maingat ang nagtatala ng informasyon sa pagpapalit ng orihinal na wika sa paggamit niya ng sariling pangungusap. Ang mga hakbang sa pagsasagawa ng parapreys: 1. Basahing mabuti ang orihinal na teksto. 2. Iparapreys nang literal ang mga salitang mahirap unawain. Kung wala, ipagpatuloy ang istruktural na pagpaparapreys. 3. Isantabi ang orihinal na teksto. Ipahayag sa sariling pangungusap ang mga ideyang nakapaloob sa literal/ istruktural na parapreys, gamit ang sariling bokubularyo at istilo ng pagsulat. 4. Tiyaking naitala ang informasyon nang wasto mula sa pinanggalingang singgunian. Abstrak Kalimitang mababasa ang abstrak sa mga unang pahina ng tesis o disertasyon. Ito’y kabuuang informasyon sa isinasagawang pag-aaral. Ang abstrak ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi: 1. Pangalan ng Mananaliksik - Nakasulat ang buong pangalan ng mananaliksik. Ito’y madalas na nakasulat sa malalaking titik. 2. Pamagat ng tesis – Ang buong pamagat ng tesis ay dapat na nakasulat nang buo at malinaw. Ito’y dapat na aprobado ng mga tagapayo at panelists. 3. Pangalan/Mga pangalan ng Tagapayo – Ang buong pangalan ng mga tagapayo ay dapat nakatala ayon sa pagkakasunod-sunod. Ang punong tagapayo ang siyang dapat na nasa unahan ng talaan. 4. Mga layunin – Ang layunin ng pagaaral ay nahahati sa dalawa: pangkalahatan at tiyak. Ang pangunahing layunin ng pagaaral ay nakasulat sa tiyak na bahagi. 5. Metodolohiya – Nakalahad sa bahaging ito ang uri ng pananaliksik na ginamit sa pagaaral, gayundin ang paraan/pamaraan kung paano naisagawa ang pagaaral. Maging ang instrumentong ginamit ay dapat ding nakatala nang buong linaw sa bahaging ito. 6. Resulta – Ang buod ng kinalabasan ng pagaaral ay nakalahad sa bahaging ito. Metodolohiya Ang pagaaral na ito ay ginagamitan ng paraang palarawan ng pananaliksik. Ginamit din ang mga sumusunod na pamamaraan: 1. Talatanungan ng Informasyon – Personal na naglalaman ng mga aytem personal ng mga respondente nang naayon sa hinihingi ng pagkakataon, gaya ng edad, kasarian, hanapbuhay o profesyon. 2. Pamaraan Sarbey – Ginamit ang pamaraang sarbey, partikular sa higit na pinipili/higit na tinatanggap na salin sa Filipino ng mga katawagang ginagamit sa broadcast media, at ang mga pagsusulit na nangangailangan ng matalinong pagsagot at pagtanggap ng mga isinaling diskurso sa Filipino sa mga nagaganap na pagdinig sa pagbabalita at usapan. Sintesis Ang sintesis ay ang pag-uugnay ng iba’t-ibang informasyon upang makalikha ng bagong kaalaman. Ang mga kasanayang nakapaloob dito ay ang paglikha, pagbuo, pagbalangkas, pagplano at pagsulat. Sa paglikha ay maaring nauukol sa bagong kurikulum, proyekto, programa, komposisyon, artikulo, atbp. Anumang uri ng sulatin at anuman ang balak at gustong sulatin ay nasa ilalim ng kategoryang pagsulat. PANANALIKSIK 1.Ito ay ang paraan ng pangangalap o paglikom ng impormasyon upang dagdagan ang kaalaman sa iba’t ibang paksa. 2. Ito ay sistematikong pag-uusisa upang patunayan ay makuha ang anumang kabatirang hinahangad natin.(mercene, 1983) 3. Mapanuri at kritikal na pag-aaral ukol sa isang isyu, konsepto at problema; ganyan ang pananaliksik (Sermorian, 1999) 4. Ito ay ang puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga hindi pa nalalaman. (Parel, 1973) 5. Ang pananaliksik ay pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin.Ito ay pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.(E. Trece at J.W. Trece,1993) KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK Ayon sa libro nina Ordonez et.al. (2007), may apat na pangunahing kahalagahan ang pananaliksik: 1.Pampayaman ng kaisipan.-yumayaman ang kaisipan ng mananaliksik dahil patuloy siyang nagbabasa. Patuloy siyang nag-iisip sa panunuri at pagbibigayinterpretasyon ng resulta ng kanyang pag-aaral. 2.Lumalawak ang karanasan.-Sa maraming nakakasalamuha sa pangangalap ng mga datos, sa maraming nababasa at sa mismong pagbuo ng pag-aaral, naiibang karanasan ang nadarama ng mananaliksik. 3.Nalilinang ang tiwala sa sarili.-Ang sinumang tao,kapag maayos na nagampanan ang tungkuling hinarap at ito’y naaayon pa sa tamang resulta, nakasisigurong nalilinang ang pagmamalaki at tiwala sa sarili. 4.Nadaragdagan ang kaalaman.-Bagong kaalaman ang dulot sa mananaliksik ng gawaing pananaliksik at mabigyan ng interpretasyon, bagong pagkatuto sa mananaliksik ang mga pangyayari. LAYUNIN NG PANANALIKSIK Ayon kina Ordoñez,et.al. (2007), narito ang mga sagot kung bakit kailangang manaliksik. 1.Upang makadiskurbe ng bagong kaalaman. 2.Upang maging solusyon sa suliranin. 3.Upang umunlad ang sariling kamalayan sa pali-paligid. 4.Upang makita ang kabisaan ng umiiral o ginagamit na pamaraan at istratehiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral. 5.Upang mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa isang partikular na bagay. MGA KATANGIAN NG PRAKTIKAL NA PANANALIKSIK a. Orihinal na akda-isagawa ang pananaliksik na ang paksa mo’y wala pang ibang nakakapagsulat. b. May sistema – tulad ng ibang gawain, ang pananaliksik ay may sistemang sinusunod. c. Hindi mahirap kalapin ang mga datos na pag-aaralan - Kung mananaliksik siguraduhing may mababasa kang impormasyon ukol sa paksa, mapaaklat man, magasin o di kaya’y internet. d. Hindi magastos ang paksa- Ang paksang simple kung mapagbubuti ay daig ng paksang matayog o malawak na matagal nang binalak ay di natatapos dahil nangangailangan ng maraming pera. e. Praktikal – Ang mga datos na nagmula sa tabi-tabi ay higit na mainam kaysa paksang matatayog na di naman maayos na naisagawa.Ang mahalaga sa pananaliksik ay malinaw na nasagot o natugunan ang mga katanungang inihanda. f. Makatotohanan – Kung ito’y batay sa totoong kinalabasan ng pananaliksik matapos na masuri at malapatan ng istatistika. Wika nga’y hindi “dinuktor” upang mapabuti ang resulta ng pananaliksik g. Maaaring kwantitatibo (quantitative) o kwalitatibo (qualitative) – Sa kwantitatibong pananaliksik, ang resulta ay obhektibong mapatotohanan. Ang kabutihan o kahalagahan nito ay masusukat sa pamamagitan ng istatistika. Sa kwalitatibong pananaliksik naman, ibayong panunuri ang ginagawa upang mapatotohanan ang kahalagahan sa sarili. MGA URI NG PANANALIKSIK 1. Palarawan(Discriptive).Sinasaklaw nito ang kasalukuyan.Pinagaaralan ang mga kasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan. 2. Eksperimental. Ang pinag-uukulan nito ng pansin ay ang hinaharap at kung ano ang mangyayari.Magandang halimbawa nito ay ang eksperimentong gagawin ng isang guro upang malaman niya kung aling paraan ng pagtuturo ang gagamitin upang madaling matututo ang kanyang mga mag-aaral. 3. Pangkasaysayan(Historical).Sinasaklaw ng uring ito ang nakalipas. Sinusuri dito ang mga pangya-yari, ang pag-unlad, ang mga dahilan ng bagay-bagay at sanhi at bunga. 4. Pag-aaral sa Isang Kaso (Case Study).Ito ay isang malawak na pag-aaral sa isang aklat, pangyayari, karanasan, isang pasyente, isang usapin o kaso sa hukuman, o kaya’y isang mabigat na suliranin. 5. Genetic Study. Pinag-aaralan at sinusuri nito ang pagsulong at pag-unlad ng isang paksa.(halimbawa nito ang pag-aaral sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata ng isang tao) 6. Pamamaraang Nababatay Pamantayan(Normative). Dito’y inihahambing ang resulta ng isang pag-aaral sa isang umiiral na pamantayan. Isang halimbawa nito ay ang paghahambing ng nagampanan sa Ingles ng mga nasa ikatlong baitang sa elementarya sa isang dibisyon sa Pambansang Pamantayan sa Ingles ng mga nasa ikatlong baitang 7. Hambingang Pamamaraan(Comparative Analysis). Ginagamitan ito ng mga talahanayan ng paghahambing ng mga datos.(hal. Bunga ng edukasyon sa mga mag-aaral ng paaralang publiko at pribado.