Ika-26 ng Setyembre, 2014 Banghay Aralin sa Filipino 1 I. Mga Inaasagang Bunga A. Maipaliwanag ang Komunikasyon at ang mga uri nito. B. Magamit ang ibaât ibang uri ng Komunikasyon. C. Mapahalagahan ang wastong pag gamit ng Komunikasyo. II. Paksa âKomunikasyonâ III. Kagamitan Marker, Cartolina, Styropor, Glue Sangunian: Sining ng Pakikipagtalastasan, pahina 10-15 IV. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral A. Panimulang Gawain âMga mag aaral bago natin umpisahan ating talakayan, tayo ay magsitayo upang hingin ang basbas at patnubay ng Amaâ (tatawag ng magaaral na mangunguna sa paalangin) âMagandang Umaga sa inyo mga Magaaralâ âBago kayo umupo, pulutin nyo una ang maliliit na kalat at iayos ang pagkakapantay pantay ng mga upuan.â âBinibining Monje sino sino ang mga liban sa araw na ito?â âPanatilihin ang pagpasok sa tamang oras upang hindi kayo mahuli sa ating talakayan.â âBago tayo mag simula sa bagong paksa, atin munang balikan nakaraang talakayan, sino ang maaaring mag hayag ng kanyang mga natutunan?â âMaraming salamat, ngayon ay uumpisahan na natin ang bagong paksaâ B. Pag Gayak âAno ang Pumapasok sa isip ninyo kapag naririnig nyo ang salitang Komunikasyon?â (Magtatawag ng mag aaral para sagutin ang tanong) âPara sainyo ano ang kahalagahan ng Komunikasyon.â (Magtatawag ng mag aaral para sagutin ang tanong) âLubhang napaka halaga ang matutunan ang tamang pag gamit ng komunikasyon upang magkaroon ng magandang ugnayang ang bawat isa tama ba?â Ngayong araw ang paksa ng ating talakayan ay patungkol sa Komunikasyon at mga Uri nito, Base sa ating paksa, ano ang mga katanungang nabuo sa inyong isipan?â (Tatawag ng tatlong Magaaral) âAng mga tanong na ito ay masasagot saating talakayan.â C. Pag Talakay sa Paksa âAng Komunikasyon ay nag mula sa salitang Latin na Communus na ang ibig sabihin ay âKaraniwanâ o âPang Lahatâ.â âAng pakikipagtalastasan ay pag buo ng isipan ng tatanggap ng mensahe ng isang ideya na katulad ng nasa isipan ng nag bibigay ng mensahe. Maaari nilang ibigay ang detalye sa paraang kasangkot ang pagsasalita, pakikinig, pagunawa, pagbasa, at pagsulat.â âAno nga muli ang Komunikasyon mga magaaral?â (tatawag ng Magaaral) âSa kabuuan ang komunikasyon ay isang paraan ng paghahatid at pag tanggap ng impormasyon na kinasasangkupan ng magkakambal na proseso; pag sasalita, pakikinig at pang unawa. May nagsasalita man kung walang nakikinig at umuunawa ay walang nagaganap na komunikasyon.â âNoong unang panahon ginagamit ng tao ang pasalitang komunikasyon na may kasamang senyas at simbulo.â Bago natutong sumulat ang mga tao, sila ay gumuguhit na ng mga larawan na ginagamit sa pakikipag unawaan at pagpapahayag. Ito ay tinagawag na âPictographsâ Halimbawa ang larawan ng pana ay nagpapahayag ng Labanan at Pananakot. Mayroong 4 na uri ng komunikasyon una ay ang Komunikasyong Verbal â Ito ay gumagamit ng wika na maaaring pasulat o pasalita. (Magbibigay ng Halimbawa) Sino ang maaaring mag bigay ng halimbawa ng Komunikasyong Verbal? (tatawag ng Magaaral) Komunikasyong Extra Verbal â Komunikasyong gumagamit ng tamang tono o timbre ng boses sa pagsasalita o pagpapahayag ng kanyang saloobin o damdamin. Halimbawa nito ay âLumayas ka Dito!(pa galit na tono)â ako ay nagpapahayag ng galit. Sino ang maaaring mag bigay ng iba pang halimbawa?â (tatawag ng Magaaral) âKomunikasyong Di Verbal â Komunikasyong di gumagamit ng wika sahalip ay kilos at galaw ng katawan ang ginagamit sa pakikipag talastasa. Halimbawa nito ay ang pag simangot, pag palakpak.â âKomunikasyong Simbolik â Ito ay binubuo ng mga mensaheng naibibigay ng mga bagay na naglalarawan ng nakatagong katangian at personalidad ng isang tao. Halimbawa nito ay ang mga kasuotan, Alahas at kulay na napili.â Ang mga sangkap ng komunikasyon bilang isang proseso ay ang mga sumusunod. una ay ang Mananalita ang pagiisip o ang Idea; wika o ang paraan ng pag papahayag. Ito ay maaaring senyas o wika; Tunog o ang paraan ng pagkakahayag ng mensahe;daluyan ng mensahe hanggang umabot ito sa Tagapakinig. D. Pag Lalapat âHahatiin natin ang klase sa Apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay bubunot upang malaman kung anong kanilang gagawin. 1. Gumawa ng maikling dula na gumagamit ng Verbal na komunikasyon. 2. Gumuhit ng dalawang halimbawa ng simbolik na komunikasyon. 3. Gumawa ng Maikling dula na gumagamit ng Extra Verbal na Kounikasyon. 4. Isulat ang sangkap ng komunikasyon Bilang isang Proseso. (Hahatiin ang klase sa apat na pangkat at papabunutin ang lider ng bawat pangkat) E. Pag Lalahat âNgayon ating sagutin ang mga katanungang naisulat kaninaâ (Sasagutin ng mga mag aaral ang bawat tanong na naisulat) âKung kayo ay talagang nakinig ano muli ang Komunikasyon?â âAno ang mga pamamaraan kasangkot sa pakikipagtalastasan?â âAno nga ulit ang Apat na uri ng komunikasyon?â âMagaling!, talagang natutunan nyo nga ang ating paksa, May mga katanungan pa ba?â âKung wala ay ihanda ninyo ang inyong mga panulat para sa ating pag susulitâ (Tatayo ang lahat at mananalangin) âMagandang Umaga din po, Ginoong Silagan.â (Pupulutin ang mga kalat, iaayos ang mga upuan, at uupo ng tahimik) (Tatayo ang Sekretarya ng klase at sasabihin kung sino ang mga liban sa arawna ito) (Magtataas ng kamay at sasabihin ang mga natutunan sa nakaaang paksa.â (Magtatas ng kamay at sasagot) (Magtatas ng kamay at sasagot) âOpoâ (Mag tataas ng kamay at ilalahad ang kanilang mga katanungan) âAng pagpapalitan ng ideya, mensahe o impormasyon.â (Mag tataas ng kamay at mag bibigay ng halimbawa) (Mag tataas ng kamay at mag bibigay ng halimbawa) (Bubunot at gagawin ang nasabing Gawain) âAng pagpapalitan ng ideya, mensahe o impormasyonâ âang pagsasalita, pakikinig, pagunawa, pagbasa, at pagsulat.â âAng apat na uri ng komunikasyon ay ang Verbal, Extra Verbal, Di Verbal at ang Simbolikâ âWala na poâ V. Pagtataya Panuto: Isulat sa patlang ang sagot sa mga katanungan. ____________1. Salitang latin na ang ibig sabihin ay Pang lahat o karaniwan. ____________2. Uri ng komunikasyon ng mga Simbulo na nag papakita ng katangian ng isang tao. ____________3. Uri ng komunikasyon na gumagamit ng tamang tono upang maipahayag ang dadamin. ____________4. Uri ng komunikasyon ba di gumagamit ng wika sahalip ay kilos at galaw ng katawan ang ginagamit . ____________5. Uri ng komunikasyon na gumagamit ng wika na maaaring pasulat o pasalita. Mga Sagot. 1. Communus 2. Simbolik 3. Extra Verbal 4. Di Verbal 5. Verbal Takdang Aralin: Basahin ang Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon Sangunian: Sining ng Pakikipagtalastasan, pahina 23. Inihanda ni: Erman G. Silagan
Comments
Report "Banghay Aralin sa Filipino 1: Komunikasyon"